Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

FILIPINO

2
Bb. Cherileen L. Resaba
Guro
Kumusta kayo mga bata?
Masaya ba kayo ngayon?
Handa na ba kayong
matutong muli?
IWASAN ANG KALABAN
Ngayon sa komunidad ay may pandemya
Na dulot ng virus na nakakahawa,
Kaya tayo ay nasa bahay tuwina
Upang sakit na ito ay ‘di makuha.
Virus na kalaban ating iiwasan
‘Di nakikita pero nararamdaman,
Kaya naman para hindi na mahawa
Face mask at alcohol laging dala-dala.
Sagutin:
 Ano ang dahilan ng pandemya sa
ating komunidad?
 Ano naman ang naging epekto
ng pandemyang ito?
 Anong dapat gawin para hindi
tayo mahawa ng virus?
Mga Pamantayan sa
Pakikinig ng Kuwento:
Si Juan na Laging Palaaway
Si Juan ay nasa Ikalawang
Baitang. Siya ay pasaway at
palaaway na bata. Mahilig
siyang magpaiyak sa mga
kaklase niyang babae. Lagi
rin siyang nakikipag-away.
Siya ay kinatatakutan
ng kaniyang mga kapwa
kamag-aaral. Sa tuwing
recess ay siya lamang
mag-isa sa mesa at walang
may nais na tumabi sa
kaniya.
Isang araw, napadaan si Juan
sa isang lumang bahay na katabi
lamang ng kanilang paaralan.
Agad na lamang sinunggaban si
Juan ng asong gala. Walang ano-
ano, siya ay kumaripas ng takbo.
Ngunit tila hindi napagod ang
aso at ito ay nakasunod pa rin sa
kaniya.
Pagod na pagod na si
Juan. Nang biglang may
narinig siyang tumawag
sa kaniyang pangalan.
“Juan dito ka magtago sa
loob ng aming bahay”.
Nakita niya si Pedro, ang
kaniyang kamag-aral na
lagi niyang inaaway.
Dali-daling pumasok si
Juan sa bahay nila Pedro at
nagtago. Laking gulat niya
na binigyan siya ng tubig ni
Pedro. Nagtataka siya kung
bakit hindi nagtanim ng
galit si Pedro sa kaniya sa
kabila ng lagi niyang
ginagawa.
Tumingin si Juan sa may
bintana at nakita niyang
wala na ang aso.
Nagpasalamat siya kay Pedro
at umalis na ito sa kanilang
bahay. Napagtanto ni Juan
na mas magandang maging
mabuting bata at magkaroon
ng maraming kaibigan.
Simula noon nagbago na
si Juan. Siya ay naging
palakaibigan at hindi na
siya nakikipag-away.
Nagkaroon na rin siya ng
maraming kaibigan na
kasama niya sa tuwing sila
ay uuwi galing sa paaralan.
1. Ano ano ang dahilan ng pagiging mag-isa sa mesa ni Juan
tuwing recess?
2. Nagbago ba si Juan?
3. Ano ang dahilan ng pagbabago ni Juan?
4. Ano naman ang naging resulta o epekto ng pagbabagong
ito ni Juan?
5. Sino ang laging inaaway ni Juan ngunit tinulungan siya
para matakasan ang aso?
Sa tulang “Iwasan ang Kalaban”, napag-
usapan natin ang dahilan at epekto o resulta
ng pandemya, sa kwento namang “Si Juan na
Laging Palaaway”, nalaman natin ang
dahilan at epekto ng pagbabago ni Juan.
Alam nyo ba mga bata kung ano ang tawag sa
dahilan at resulta o epekto ng isang
pangyayari?
hisna ta
ngaub
Sanhi at
Bunga
Sanhi – ito ay tumutukoy sa pinagmulan o
dahilan ng isang kilos, kalagayan o
pangyayari.
(dahil, sapagkat, kasi )

Bunga – ito ay tumutukoy sa resulta o


epekto ng isang kilos, kalagayan o
pangyayari. (kaya/kaya naman, kung kaya,
bunga nito)
Sanhi Bunga
Sanhi Bunga
Sanhi Bunga
Mula sa kwentong “Si Juan na
Laging Palaaway”,
magbigay kayo mga bata ng
pangyayari sa kwento na
magkaugnay ang sanhi at bunga.
Pangkatang
Gawain
Gawain 1 (Artista Ako!)
Panuto: Gamit ang mga iba’t ibang larawan
ng Sanhi, iakto ang maaaring maging Bunga
nito.
Gawain 2: ( Pagtambalin mo Ako!)
Panuto: Iugnay ang mga larawan sa Hanay A at Hanay B upang malaman
ang Sanhi at Bunga ng mga nangyayari sa ating kapaligiran.
HANAY A HANAY B
Sanhi Bunga
Gawain 3: (Buuin mo Ako!)
Panuto: Buuin ang mga larawan upang matukoy ang mga Sanhi at
Bunga kapag pinabayaan natin ang ating kalusugan.
Sanhi Bunga
Gawain 4: (Isulat mo Ako!)
Panuto: Isulat ang Bunga ng mga sumusunod na Sanhi.

1. Sanhi: Nakalimot ng wallet si Erica na may lamang pera na


nagkakahalaga ng P1000 buo at P250 na barya.
Bunga:______________________________________________
_______________________________________________________
2. Sanhi: Nag-ensayo si Paola para sa sasalihan niyang contest sa pag-
awit dahil ito ay kanyang hilig.
Bunga: ______________________________________________
________________________________________________________
Ano ang tawag sa dahilan ng
pangyayari? Sa resulta o
epekto ng kalagayan o
pangyayari?
Nabatid ko na kapag ang salita ay
tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng
isang kilos, kalagayan o pangyayari, ito ay
tinatawag na _____________.
Ang _________________ naman ay ang
resulta o epekto ng gawain o pangyayari .
Gawain 5
Tukuyin kung ang may salungguhit ay Sanhi o Bunga. Ipakita ang “finger
heart” kung sanhi at “peace sign” kung bunga ang inyong sagot.

1. Nagtatakbo ako kaya hinabol ako ng aso.


2. Lumangoy si Larry sa malalim na dagat kaya siya nalunod.
3. Nag-aral nang mabuti si Nico kaya nakapasa siya sa kaniyang mga
pagsusulit.
4. Naiwan nilang bukas ang pinto kaya nakapasok ang magnanakaw.

5. Kaya laging masakit ang ngipin ni Joy dahil mahilig siyang bumili
ng cotton candy.
Mga bata mayroon akong ipapakitang mga
larawan sa inyo. Magbibigay kayo ng
pangungusap na may sanhi at bunga
tungkol sa larawan.
Pag-ugnayin ang pangungusap sa Hanay A at larawan sa Hanay B upang
maipakita ang Sanhi at Bunga ng pangyayari. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
Hanay A Hanay B
1. Mahilig akong kumain ng gulay. a.

2. Nanonood ako ng telebisyon


kahit gabing-gabi na. b.

3. Kumain ako ng maraming kendi.


c.
4. Niligpit ko ang aking pinaghigaan.

5. Nag-aral ako ng mga aralin. d.

e.
Takdang-Aralin
Panuto: Sa iyong journal sa Filipino, kumpletuhin ang mga
pangungusap.
a. Sa araling ito, natutunan ko ang_________________.
b. Ako ay nahirapan sa bahagi ng aralin na____________.
c. Pinakagusto ko sa araling ito ay__________________.

You might also like