Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Mga Uri ng

Pangatnig
Songaben, Tiwen, Hora,
Gejhan Grace Jessica Charise

Group 4

NAME
Ventura, Waclin, Desine Kino,
Joann Mae Cindy
ANO ANG PANGATNIG?
• Ang pangatnig ay termino o kalipunan ng mga salita na nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang makabuo ng
diwa ng isang pahayag. Ito ay tinatawag na conjunction sa wikang
Ingles.

• Ito ay bahagi nga pananalita na karaniwang makikita sa simula o


gitna ng isang pangungusap. Maaari ding gamitin ang mga
pangatnig upang magbukod, maghambing, magpaliwanag,
magsalungat o wakasan ang isang ideya o pahayag.
Halimbawa ng Pangatnig sa Pangungusap
• Mahal ko si ate at kuya.
• Maglalaro sana ako sa labas ngunit umulan.
• Ano ba ang mas maganda pasyalan, bundok o dagat?
• Gusto kong maging magalang pero di ko magawa.
• Bibigyan kita ng pagkain kung bibigyan mo ako ng laruan.
• Pag-usapan natin ang kahapon habang tayo’y namamasyal sa
kalye.
• Magtanim ka ng puno sa paligid upang di bumaha.
• Bumili ka ng pala saka walis.
• Pupunta ka lang kina Susan kapag kasama si Kuya Anton.
• Kinagigiliwan ng lahat si Inday dahil marunong siyang kumanta
Mga Uri ng Pangatnig

• Ang pangatnig ay may sampung uri. Ito ang panlinaw, panubali,


paninsay, pamukod, pananhi, panapos, panimbang, pamanggit, panulad,
at pantulong.
Mga Uri ng Pangatnig

• Panlinaw
 Ang pangatnig na panglinaw ay ginagamit upang ipaliwanag ang
isang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Ginagamitan ito ng mga
salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.

Mga Halimbawa
•Nag-kasundo na kami kung kaya ang aming mga alitan ay wala na.
•Nagsumikap sa pag-aaral si Juan kaya nakatapos siya sa kolehiyo.
•Tapos na ang klase, kung gayon ang mga bata ay puwede ng umuwi.
•Nagpaalam na si Juan sa mga magulang ni Juana kung kaya silang dalawa ay namasyal na sa
lungsod.
•Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang aralin kaya pag-uwi sa bahay ay tutulungan ko si Inay
sa pagluluto.
Mga Uri ng Pangatnig

• Panubali
 Ang mga pangatnig na ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan.
Halimbawa nito ang mga salitang kung, kapag, pag, sakali at
disin sana.

Mga Halimbawa
•Mag-aaral kang Mabuti kung ayaw mong bumagsak.
•Kapag pupunta si Max ay pupunta rin ako.
•Sakaling babagsak ako ngayong semester, mag-aaral na akong mabuti sa susunod.
•Ginising mo sana ako ng alas kwatro, disin sana’y hindi ako nahuli sa aking klasi.
Mga Uri ng Pangatnig

• Paninsay
 Ang pangatnig na paninsay ay ginagamit kapag ang unang bahagi ng
pangungusap ay sinasalungat ng pangalawang bahagi nito.
Halimbawa nito ang mga salitang subalit, bagaman, datapwat,
ngunit, samantala, kahiman o kahit.

Mga Halimbawa
•Mahal ko siya, subalit hindi ko ito gaanong ipinapakita sa kaniya.
•Maraming suliranin ang buhay ng tao, bagaman ito’y hindi hadlang para tayo ay madaling susuko.
•Binigay niya ang kaniyang baon datapwat siya ay gutom na.
•Nag-aaral naman siya ng mabuti ngunit siya’y bumagsak parin sa kanilang pasulit.
•Napakalamig sa Amerika samantalang napakainit naman sa Pilipinas.
•Nakakuha siya ng mataas na marka kahit hindi siya nag-aaral ng mabuti.
Mga Uri ng Pangatnig

• Pananhi
 Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit upang magbigay ng dahilan
o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga halimbawa ng
pangatnig na pananhi ay dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Mga Halimbawa
•Nagkagulo sa bahay nila Juan at perdo dahil sa ag-aaway ng kanilang ama at ina.
•Sanhi sa mainit na panahon kaya siya ay sinisipon.
•Umapaw ang ilog sa dam sapagkat walang tigil ang ulan.
•Nahilo si maria mangyari siya ay ikot ng ikot.
Mga Uri ng Pangatnig

• Pamukod
 Ang pangatnig na pamukod ay ginagamit sa pagbubukod o
pagtatangi ng ilang kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
salitang maging, ni, man, at o.

Mga Halimbawa
•Mahal ka ni Juan maging sino kaman.
•Walang problema sa akin maging si Jen man mananalo sa patimpalak.
•Ako ba o siya ang pipiliin mong makapares sa kanta?
•Ni kurot ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.
Mga Uri ng Pangatnig

• Panapos
 Ang pangatnig na panapos ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan
ng pagsasalita. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panapos ay sa
lahat ng ito, sa wakas, sa di-kawasa, upang at sa bagay na ito.

Mga Halimbawa
•Sa lahat na ito, ang mabuting gawin ay maghanda.
•Sa wakas, uuwi na rin si mama.
•Sa di-kawasa, ang seminar ay tapos na.
•Sa bagay na ito, hayaan nating ang mga guro ang mag pasya.
•Kailangan naming tulungan si ate upang madaling matapos ang paglilinis ng bahay
Mga Uri ng Pangatnig

• Panimbang
 Ang pangatnig na panimbang ay ginagamit sa paghahayahag ng
karagdagang impormasyon at kaisipan. Ang mga halimbawa ng
panagatnig na panimbang ay at, saka, pati, kaya o anupa’t..

Mga Halimbawa
•Si Juan at Pedro ay nagtungo sa paaralan.
•Kumain siya ng manga at bagoong.
•Pati ang pusa ay kanyang tinulungan.
•Sigarilyas at saka mani ang aking paboritong gulay.
•Anupa’t sa lakas ng ulan ay rumagasa ang malakas na baha.
•Umamin na si Ben kaya ang kaso ay tapos na.
Mga Uri ng Pangatnig

• Pamanggit
 Ang pangatnig na pamanggit ay nagsasabi o gumagaya lamang sa
pananaw ng iba. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit
ay daw, raw, sa ganang akin/iyo, at di umano.

Mga Halimbawa
•Magagaling daw kumanta ang mga taga Cebu.
•Siya raw ay mahusay maglaro ng chess.
•Sa ganang akin, ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
•Ako raw ang yayaman.
•Ikaw daw ang dahilan kaya siya ay biglang nagbago.
•Si Ben di umano ang pinaka magaling sa kanilang klasi.
•Di umano, mahuhay sa mang-aawit si Charice.
Mga Uri ng Pangatnig

• Panulad
 Ang pangatnig na panulad ay tumutulad sa mga pangyayari, kilos at
gawa. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panulad ay kung
sino..siyang, kung ano..siya rin, kung gaano..siya rin.

Mga Halimbawa:
• Kung sino ang nag-umpisa ay siya rin ang tatapos.
• Kung gaano kalaki ang kinuha siya rin ang dapat babayaran.
• Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.
Mga Uri ng Pangatnig

• Pantulong
 Ang pangatnig na pantulong ay nag-uugnay ng nakapag-iisa at hindi
nakapag iisang mga salita, parirala o sugnay. Ang mga halimbawa ng
pangatnig na pantulong ay ang mga salitang kung, kapag, upang, para,
nang, sapagkat o dahil sa.
Mga Halimbawa:
• Makakakain lang ako kapag tapos na akong nagluto.
• Kumain ng gulay upang ang buhay ay maging makulay.
• Nag-aaral siyang mabuti upang makakakuha ng mataas na marka.
• Maglakad araw-araw para malayo sa sakit.
• Ako ay ay nakapagtapos ng pag-aaral sapagkat ako’y nag-aaral ng mabuti..
THANK YOU FOR
LISTENING!

You might also like