Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

LAGOM, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

PAANO ITO GAWIN


UNANG PANGKAT
LAGOM
1. Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing
layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng
pag-aaral, pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi na kailangan ng
ano mang eksplanasyon o pagpapalawig.
2. Ilahad ang lagom sa paraang tekstuwal at numerikal sa pamamagitan ng
pagbubuod ng mga importanteng datos.
LAGOM
3. Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom
dahil mauulit lamang ang mga iyon sa kongklusyon.

4. Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin
sa lagom, lalong-lalo na iyong mga pinagbatayan ng mga kongklusyon.

5. Ang mga datos ay hindi na dapat ipaliwanag pang muli.


LAGOM

6. Gawing malikli at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.

7. Huwag magdaragdag ng mga bagong datos o impormasyon sa lagom.


KONGKLUSYON
1. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at
impormasyong nakalap.

2. Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng
Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungang
iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.

3. Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga paktwal na napag-alaman sa inkwiri.


KONGKLUSYON
4. Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirektang
epekto ng mga datos o impormasyong nakalap.

5. Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang


kailangang maihayag ang mga kailangang impormasyong resulta ng pag-
aaral na hinihingi ng mga tiyak o ispesipikong tanong sa Layunin ng Pag-
aaral.
KONGKLUSYON
6. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig
ng mga mananaliksik na sila'y may pagdududa o alinlangan sa baliditi at
relayabiliti ng kanilang pananaliksik. Kailangan kung gayong iwasan ang
mga salitang nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil,
malamang, baka at iba pa.

7. Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.


KONGKLUSYON

8. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag


sa ibang bahagi ng pamanahong papel. Samakatuwid, ang isang diwang una
nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang
kaparaanan sa kongklusyon.
REKOMENDASYON
1. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan
sa imbestigasyon

2 Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa ano mang suliraning hindi naman


natuklasan o natalakay sa pag-aaral.

3. Bagama't ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat
isa'y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan
REKOMENDASYON

4. Dapat maging balid at lohikal ang bawat rekomendasyon.

5. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat,


tanggapan, o institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.
REKOMENDASYON
6. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda
ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga
hakbang o paraan kaugnay niyon.

7. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o


pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw,
panahon, lokaliti at populasyon upang ma-verify, maamplipay o
mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like