Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1.

ANO NGA BA ANG ISANG


FEASIBILITY STUDY?

Ang feasibility study ay isang pag-


aaral na ginagawa upang malaman
ang iba’t ibang sangkap at epekto
ng iminumungkahing produkto
at/o serbisyo at kung ito ay
naaayon sa pangangailangan sa
pamilihan.
2. ANO ANG KAHALAGAHAN NG
ISANG FEASIBILITY STUDY?

Mahalagang magawa ang feasibility study


upang matiyak ang matagumpay na
paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.
Siyentipiko ang pag-aaral na ginagawa sa
feasibility study, kung kaya
mapaghahandaan ang iba’t ibang maaaring
maging epekto at mga sanhi na
makapagpapabago sa produkto’t serbisyo
Ikalawang Bahagi Narito
ang iba’t ibang bahagi ng
isang feasibility study at ang
pangunahing gawain ng
bahaging ito
. 1. Pangkalahatang Lagom /
Executive Summary Nagbibigay ng
kabuuang pagtanaw ng lalamaning
feasibility study. Madalas, huli itong
isinusulat kapag buo na ang lahat ng
iba pang bahagi.
2. Paglalarawan ng Produkto at /o
Serbisyo Malinaw na inilalarawan sa
bahaging ito ang produkto/serbisyong
inimumungkahing ibenta/ibigay.
Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/serbisyo na
ibinibigay at kung anong benepisyo
nito sa gagamit.
3. Kakailanganging Teknikal na
Kagamitan Ipinapaliwanag nito
ang mga konsiderasyong
kinakailangan kaugnay ng
aspektong teknolohikal
. 4. Marketplace Inilalarawan sa
bahaging ito ang pamilihan kung saan
ibibigay o ibebenta ang produkto.
Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang
kaparehong produkto o serbisyong
ibinibigay at kung ano ang bentahe nito
sa iba pang produkto/serbisyo.
5. Estratehiya sa Pagbebenta Tatalakayin
sa bahaging ito ang paraan kung paano
maipaaabot sa gumagamit ang
produkto/serbisyo. Iniaayon ng marketing
ang kahilingan at kaparaanan kung paano
mahihikayat na kunin ang
produkto/serbisyo.
6. Mga Taong may Gampanin sa
Produkto at/o Serbisyo Tinitiyak
sa bahaging ito ang mga tao at ang
kanilang espesipikong trabaho
para sa produkto/serbisyo.
7. Iskedyul Itinatakda sa
bahaging ito ang panahon
kung kailan dapat magawa
ang mga produkto/serbisyo
8. Projection sa Pananalapi at
Kita Tinitiyak sa bahaging ito
kung mayroong nakikitang
benepisyong pampananalapi.
9. Rekomendasyon Inilalahad
sa huling bahagi ang
paglalagom at pagbibigay-
mungkahi batay sa ikalawa
hanggang ikawalong bahagi.
Itanong sa mag-aaral kung paano nila magagamit ang ilang bahagi ng
feasibility study sa ginagawang desisyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Magpasulat ng isang maikling replektibong sanaysay, kung kailan gumawa


sila ng desisyon na may matagal na pagninilay-nilay.

You might also like