Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KARUNUNGANG-

BAYAN
Alam mo ba, na bawat isa sa atin ay bahagi na ng nakaraan.
Dahil sa mga sinaunang ninuno natin, nararanasan ang
magandang buhay sa kasalukuyan. Sila ang repleksiyon ng
kinagisnang kultura, sa pang-araw-araw na pamumuhay at
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Kaya, lumaganap noong Panahon ng Katutubo ang
karunungang-bayan (salawikain, sawikain, bugtong at
kasabihan). Napakalaki ang impluwensiya ng panitikan sa buhay
ng bawat Filipino na unti-unting bumuo sa ating pagkatao.
Simulan nating buksan ang baul ng ating nakaraan. Handa ka na
bang palawakin ang iyong kaalaman hinggil sa ating
pinagmulan?
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa
mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.(F8PB-Ia-c-22 )
KARUNUNGANG- BAYAN
-(ka+dunong+ng-bayan) tumutukoy sa salawikain,
sawikain, kasabihan, alamat at iba pang anyo ng
katutubong katutubong panitikan na
mapaghahanguan ng sinaunang paniniwala at
halagahan.(bagay na mahalaga sa buhay)
SALAWIKAIN
 Salawikain ay matalinghagang pahayag na ginagamit ng
matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin
ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal..
 Halimbawa:
 1.Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng
takdang panahon.
 2.Kung hindi ukol, hindi bubukol.
SAWIKAIN
Sawikainay salita o pahayag na nagtataglay ng
talinghaga at mayroong nakatagong kahulugan; tinatawag
din itong idyoma o eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
1. Malawak ang isip -maraming nalalaman
2. Mapurol ang utak -mahina ang pag-intindi
BUGTONG
 Bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
 Binibigkas nang patula at nagpapatalas sa isip ng ating mga ninuno
noon. Ito ay nangangailangan ng tiyak na kasagutan.
 Halimbawa:
 1. Limang puno ng niyog, isa’y matayog.
 Sagot: daliri
 2. Hinila ko ang baging, nag-iingay ang matsing.
 Sagot: kampana
KASABIHAN
 Kasabihanay mga pahayag hinggil sa paniniwala na may kaugnayan sa mga
pangyayari sa buhay ng tao na dapat tanggapin o iwasan.Ito ay payak dahil di
nagtataglay ng talinghaga.
 Maaaring parirala o pangungusap, na karaniwang sinasambit sa ngayon o
nakaugaliang sabihin ng mga tao sa isang pook ng isang kapanahunan. (E.G
Angeles at N.V Matienzo)
 Halimbawa:
 1.Kasama sa gayak, di kasama sa lakad.
 2.Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
 3. Utos na sa pusa, utos pa sa daga.
GAWAIN
Panuto: Ang buong klase ay hahatiin sa apat na
pangkat. Sa unang pangkat, ay magsasagawa ng
sampung halimbawa ng Salawikain, ikalawang pangkat
sampung halimbawa ng Sawikain, sa ikatlong pangkat
ay Kasabihan, at sa ika-apat na pangkat naman ay
magsasagawa ng sampung halimbawa ng Bugtong.

You might also like