Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pagsusuri sa mga Pangyayari

at ang Kaugnayan Nito sa


Kasalukuyan
• Nasusuri ang mga pangyayari, at ang
kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda. F9PN-
Ia-b-39
• Nakabasa ka na ba ng mga kuwentong nakaantig sa
iyong damdamin? O mga kuwentong nakaimpluwensya
sa iyong buhay? Nagkaroon ba ito ng kaugnayan sa
iyong kasalukuyang buhay? Alam mo ba kung ano ang
maikling kwento? Ang uri ng maikling kuwentong
Makabanghay?
Halina’t ating simulang basahin at unawain ang
maikling kuwentong pinamagatang “Ang Ama” isang
Maikling kuwentong Makabanghay mula sa Timog-
Silangang Asya sa bansang Singapore na isinalin sa
Filipino ni Mauro R. Avena.
GAWAIN

• Ang buong klase ay hahatiin sa apat na


pangkat, at ang bawat grupo ay susuriin
ang nilalaman ng akda, at pagkatapos ay
iuulat ito sa klase.
• Alam mo ba...
Ang kuwentong “ Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong makabanghay na
nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari? Mahalagang matukoy ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo na ginamit ng may
akda. Ang kwentong makabanghay ay nagbibigay-diin sa banghay o maayos
na daloy ng mga pangyayari.
Subalit, ano nga ba ang banghay?
• Ang banghay ay ang maayos o masinop na daloy ng
magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad
ng maikling kwento, anekdota, mito, alamat, at nobela. Ang
mga akda ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan
ng mga mambabasa kung may pangyayari at kung masasgot
ang mga katanungang tulad ng sumusunod: ano ang
nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas?
• Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas
kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at
mabilis na galaw ng mga pangyayari. Narito ang
karaniwang balangkas ng mga akdang pasalaysay
tulad ng maikling kwento.

You might also like