Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

4.

Makrong Kasanayan sa
Pagsulat
NinaJosefina Mangahis,
Rhoderick Muncio,
at Corazon Javilla
Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang
sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante,
ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng
ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa
kompyuter.May prosesong nakalangkap sa
akademikong pagsulat na iisaisahin sa bahaging ito,
kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at
organisasyon ng teksto.
Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay
artikulasyon ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag
sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa
kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa
dalawang yugto.Una na rito ang yugtong
pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip lahat
natin ang ating mga isusulat.
Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga
ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang
masusing dumaraan ito sa isipan ng
taonapag-isipan, naisapuso o naunawaan
bago naisulat. Ang ikalawang yugto ay
ang mismong proseso ng pagsulat.
Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis
ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao
habang unti-unting naisusulat ito sa papel.
Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong
pangkognitibo sa pagsulat na mismo.
Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa
dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat.
Hindi makapagsulat ang isang estudyante ng
isang sulating pananaliksik kung hindi muna
niya pinagiisipan nang mabuti ang ideya at
gagawin. Hindi niya marerebisa ang naisulat
kung hindi niya tuluy-tuloy na pinag-iisipan ang
nabubuong hugis at hulma ng naisulat na papel.
Samakatuwid, mula simula
hanggang wakas magkasama ang
dalawa, halimbawa, sa pagsulat
ng sanaysay at iba pang
akademikong papel.
May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad
ng (1) pasulat o sulatkamay na kasama rito ang
liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at
iba pa; (2) limbag tulad ng nababasa sa jornal,
magasin, aklat, ensayklopidya; at (3)
elektroniko na ginagamit
sa pagsulat ng liham o kaya’y
magsulat/magmakinilya sa
kompyuter ng mga artikula, balita,
dokumento, pananaliksik na
ginagawa at iba pa.
Iba’t Ibang Uri
ng Pagsulat
1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na
daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at
detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa.
May sinusunod na proseso ang pagsulat at
laging gingamit dito ang ikatlong panauhan sa
pagsulat ng teksto.
Karaniwang mga halimbawa nito ang
akademikong pagsulat ng sanaysay,
pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili
ang mga salitang ginagamit sa pagsulat
ng mga sulating pormal.
2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang
pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita,
masaya at may pagkapersonal na parang
nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang
ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay,
talaarawan, kwento at iba pa.
3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng
malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo
na sa hanay ng mga kabataang manunulat na
nagsasagawa ng eksperimento ng estilo,
nilalaman at pormat ng pagsulat.
May mga iskolarling papel na gumagamit ng
tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at
iba pang personal na sulatin kaya posibleng
magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-
pormal na uri ng pagsulat.
Anyo ng pagsulat
ayon sa layunin
1. Paglalahad.Tinatawag din itong
pagpapaliwanag na nakasentro sa
pagbibigay-linaw sa mga pangyayari,
sanhi at bunga, at magkakaugnay na
mga ideya at pagbibigay ng mga
halimbawa.
2. Pagsasalaysay.Nakapokus ito sa
kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng
pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring
pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa
may-akda ng maikling kwento o nobela ang
mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng
salaysay.
Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento
ang mga manunulat ng panitikang
nasa anyong tuluyan.
3. Pangangatwiran. Ipinapahayag
dito ang katwiran, opinyon o
argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyu na
nakahain sa manunulat.
4. Paglalarawan.Isinasaad sa panulat
na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon,
palagay, damdamin ng isang manunulat
hinggil sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
Proseso ng Pagsulat
Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang
pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang
kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang
proseso ng pagsulat upang maging epektibo at
makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo
at pang-akademiko.Tingnan natin ang anim na
yugto sa proseso ng pagsulat:
1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga
sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa
o maraming tanong. Maaaring galing ang isang
tanong sa guro na nagnanais makuha ang
opinyon ng mga estudyante tungkol sa patuloy
na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing
bilihin.
Kung ang kahingian naman sa klase ay isang
sulating pananaliksik o tesis, kanariwang maraming
tanong ang nag-uudyok para sulatin ang mga
kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng
sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung
kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan
para makahanap ng sagot sa tanong.Ang pag-uusisa
ang pangunahing simula ng isang masinop na
pananaliksik.
2. Pala-palagay.Kung ang mausisang isipan ang
binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda,
unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat
sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak na
balangkas at daloy ng pagtalakay sa pagsang
susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang
manunulat. Maaaring sulatin niya sa kanyang
scrapbook o kwaderno ang mga posibleng
ugat ng kahirapan, katiwalian, pagkawasak
ng moral na pundasyon ng pamilya, o ang
kultura ng kapabayaan at walang pakialaman.
Iisa-isahin niya ang iba pang sanhi at bunga
ng pangyayari habang nag-iisip kung paano
bubuuin ang balangkas ng paksang napili.
Balisa o hindi mapalagay
ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloy siyang
naghahanap ng sagot at maaaring patuloy ang
pagsulpot ng iba pang mga tanong.Lumalawak ang
pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang
pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao,
pagbabasa, at pagmamasid.
Kadalasan, ito ang
pinakamahabang bahagi sa proseso
ng pagsulat. Tinatawag ng ilan ang
yugtong ito bilang incubation
period.
3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito,
kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng
pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na
tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang
datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para
makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas
ng
pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan
na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng
isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik
muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak nang
makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y
pupunta na sa mga taong may ekspertong kaalaman
hinggil sa paksa para kapanayamin.
4. Pagsulat ng unang borador.Kung handa na
ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy
ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas
nito, maaring sulatin na ang unang borador.Dito
na ibubuhos ng manunulat ang kanyang
kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo
ang papel.
5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na
ang unang borador, muli’t mulingbabasahin
ito para makita ang pagkakamali sa ispeling,
paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang
nakapaloob sa komposisyon.
6. Pinal na papel.Kapag nasuyod
nang mabuti ang teknikal na bahagi
at nilalaman ng papel, pwede nang
ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba
pang babasa’t susuri nito.
Organisasyon
ng Teksto
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay
binubuo ng apat na bahagi.

1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo


o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat,
petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang
impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula.
Karaniwang isinasaad dito ang paksa,
kahalagahan ng paksa, dahilan ng
pagsulat ng paksa at pambungad
na talakay sa daloy ng papel.
3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga
pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag,
pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay
matatagpuan sa bahaging ito.
4. Kongklusyon.Dito nilalagom ang mga
mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad
din sa bahaging ito ang napatunayan o
napag-alaman batay sa paglalahad at
pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa
papel o sa pananaliksik.
Maraming
Salamat!

You might also like