Ito ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga
ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon.
Ang globalisasyon ay ang pagiging magkakaugnay ng mga bansa
at tao sa mundo dulot ng mga pagbabago sa teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon na nagdulot ng pagbilis ng palitan ng impormasyon at produkto na nagreresulta sa pagbabago sa pamumuhay ng tao. Bakit maituturing na isyu ang globalisasyon?
Maituturing na panlipunang isyu ang
globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial na institusyon na matagal nang naitatag. Sa madaling salita. Mahalaga ang globalisasyon dahil… - Nagkakaroon ng malayang kalakalan. - Mas napapabilis ang kalakan o ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. - Paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa. - Pakikipagsundo ng mga bansa tunkol sa isyu sa kalikasan.