Panimulang Pagbasa Sa Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
CAINTA SUB-OFFICE

Cainta Elementary School

Panimulang
Pagbasa sa
FILIPINO
TAGTUYOT HATID NG EL
Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito,
NIÑO
bumababa ang water level at nagkukulang sa suplay
ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at
Nagkukulang
batis. din sa suplay ng tubig sa mga
imbakan gaya ng La Mesa Dam na
matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat
Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang
pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at
sa mga karatig probinsya nito.
Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng
tao. Kukulangin ang suplay ng tubig na inumin, pati na
rin ang gagamiting tubig para sa iba pang
pangangailangan.
Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto
ng tagtuyot. Kung kulang ang tubig,
magkakasakit ang mga hayop at maaari rin
silang mamatay.
Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at
kagubatan. Maraming apektadong taniman kung kulang
ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring mag-apoy
ang mga puno na nagdudulot ng sunog.
Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang
pagtitipid ng tubig. Iwasang aksayahin at gamitin ang
tubig sa hindi mahahalagang bagay.
Mga Tanong:
1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
a. tagtuyo c. ipu-ipo
b. red tide d. bagyo
2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El
Niño?
a. hayop, halaman at gubat c. bato, semento at
tubig
b. hangin, lupa at buhangin d. ulap, araw at bituin
3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?
a. pag-ihip ng hangin c. pagdilim
b. pag-ulan
c
d. pag-araw
4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El
Nino?
a. giniginaw c. naiinitan
b. masigla d. nanlalamig
5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag
tagtuyot?

a. Magkakasakit ang mga tao.


b. Tatamarin magluto ang mga tao.
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
d. Hindi makapagtatanim ang magsasaka.
d
6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan
ang talatang ito?

a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño


b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan
7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?
a. ang dahilan ng El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino
c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino
Key to Correction
• A
• A
• B
• C
• D
• B
• A
PISTA NG
Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng mga
BULAKLAK
bulaklak sa Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa tawag na
Pista ng Panagbenga. Ang Panagbenga ay salitang galing
sa Cordillera na ang kahulugan ay panahon ng
pagbukadkad ng bulaklak. Binibigyang halaga sa pistang
ito ang naggagandahang bulaklak kung saan
kilala ang lungsod na ito.
Nagsimula ang pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995.
Isinagawa ng pistang ito para maiangat muli ang Lungsod
ng Baguio mula sa malagim na lindol noong 1990.

Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang ng


Panagbenga. Ang pinakasikat at inaabangang gawain
tuwing pista ng bulaklak ay ang parada.
Kasama sa paradang ito ay sayawan sa
kalsada at pagtugtog ng mga banda.
Pinakabida sa paradang ito ang mga higanteng karosa na
puno ng mga magaganda at mababangong bulaklak. Sa
paggawa ng karosang ito, ipinakikita ng mga Pilipino ang
kanilang pagiging malikhain at pagiging matulungin.
Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada ng lungsod.
Maraming mga taong galing pa sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas angdumadayo sa Baguio upang
mapanood ito.
Mga Tanong:
1. Anong buwan nagaganap ang Pista ng Panagbenga?
a. unang buwan ng taon
b. ikalawang buwan ng taon
c. ikatlong buwan ng taon
d. huling buwan ng taon
2. Kailan nagsimula ang pagdiriwang na ito?
a. 1908 b. 1990 c. 1995 d. 2012

3. Ano ang inaabangang gawain sa pistang ito?


a. tugtog ng banda
b. palaro sa mga bata
c. parada ng bulaklak
d. sayawan sa kalsada
4. Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang
ipinakikita sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. pagiging matalino at palaisip
b. pagiging masipag at matulungin
c. pagiging malikhain at masayahin
d. pagiging maalalahanin at palakaibigan
5. Bakit sinimulan ang Pista ng Panagbenga?
a. para maging sikat ang lalawigan
b. para hindi masayang ang mga bulaklak
c. para maiwasan ang pag-ulit ng lindol noong 1990
d. para mapaunlad muli ang lugar matapos ang lindol
noong 1990
6. Bakit kaya maraming tao ang dumadayo sa
pagdiriwang na ito?
a. ayaw nilang pumasok sa paaralan
b. gusto nilang makakita ng mga turista
c. maraming gustong makarating sa Baguio
d. Nais nilang makita ang mga karosa ng bulaklak
7. Ano ang tinutukoy sa seleksyon?
a. ang kagandahan ng Lungsod ng Baguio
b. ang kasaysayan ng Lungsod ng Baguio
c. ang isang kilalang pista sa Baguio
d. ang ugali ng mga tao sa Baguio
Key to Correction
• B
• C
• C
• B
• D
• D
• C
BIYAYA NG
Isa sa mga ipinagmamalaking bulkan sa bansa ang
Bulkang Mayon na BULKAN
matatagpuan sa Albay. Tanyag ang
bulkang ito dahil sa taglay nitong halos perpektong hugis
apa. Dinarayo ito ng mga dayuhang bisita, maging ng mga
kapwa Pilipino.
Sinasabing ang Bulkang Mayon ang
pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas dahil
sa dalas ng pagsabog nito.
Pinakamatindi ang pagsabog nito noong Pebrero 1, 1814,
kung saan ang mga bayan sa paligid nito ay natabunan at
mahigit sa 1200 katao ang namatay. Maraming nasirang
bahay sa paligid ng bulkan, pati na rin ang malaking
simbahan ng Cagsawa. Ang natitirang alaala na lamang ng
simbahan na ito ay ang tore nito na makikitang malapit sa
bulkan.
Bagamat mapanganib ang Bulkang Mayon,
isa rin naman itong biyaya sa mga naninirahan
malapit doon.
Ang mga umagos na lupa at abo sanhi ng mga pagsabog ay
nagsilbing pataba pagkalipas ng ilang taon.

Bilang patunay, itinuturing ang Albay na isa sa mga may


mayayamang lupang sakahan sa rehiyon ng Bicol. Sa mga
lupang sakahang ito nagbubuhat ang mga produktong
abaka, niyog, palay at gulay.
Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang Bulkang Mayon?
a. Albay c. Mindoro
b. Camarines Norte d. Samar
2. Bakit tanyag ang Bulkang Mayon?
a. Madalas ang pagsabog nito.
b. Ito ang pinakamalaking bulkan.
c. Halos perpekto ang hugis apa nito.
d. Matindi ang umagos na lupa at abo rito.
3. Bakit kaya tore lang ng Simbahan ng Cagsawa ang
makikita ngayon?
a. Ito ang pinakasikat na bahagi ng simbahan.
b. Ito ang pinakabanal na bahagi ng simbahan.
c. Ito ang pinakamataas na bahagi ng simbahan.
d. ito ang pinakamatandang bahagi ng simbahan.
4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao sa paligid ng
bulkan kapag ito ay malapit nang sumabog?
a. natutuwa b. nasasabik c. nagagalit d. nangangamba
5. Alin kaya sa sumusunod na mga trabaho ang
marami sa lalawigan ng Albay?
a. inhinyero b. karpintero
c. magsasaka d. mangingisda
6. Ano ang magandang naidulot ng pagsabog ng bulkan?
a. naging malawak ng lupain
b. gumanda ang hugis ng bulkan
c. dumami ang bumibisita sa Mayon
d. naging magandang taniman ang lupa nito
7. Anong aral sa buhay ang maaari nating matutunan
sa talatang ito?
a. Ang bawat trahedya ay malupit.
b. Ang bawat trahedya ay may biyayang kapalit.
c. Ang trahedya ang nagpapatanyag ng isang lugar.
d. Ang trahedya ang nagpapabagsak sa isang lugar.
Key to Correction
• A
• C
• C
• D
• C
• D
• B
AMA NG WIKANG
Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag
na PAMBANSA
lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang
na panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay ginto.
Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito
inaaksaya.
Ayon sa kanya, ang magagawa ngayon
ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging
gobernador din siya, at matapos nito ay naging senador.
Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington,
United States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas
dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging
pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng
Komonwelt o ng Malasariling Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang
Panlipunan, binigyan niya ng pantay na pagpapahalaga ang
mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula
sa pagkakaroon natin ng pambansang wika.
Kung hindi dahil sa kanya, walang isang wika na
magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay
tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”
Mga Tanong:
1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)
a. Andres Bonifacio b. Diosdado Macapagal
c. Jose Rizal d. Manuel Quezon
2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
b. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
c. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
d. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang
gamiting wika.
3. Alin sa sumusunod ang mga naging trabaho ni
Quezon? (Literal)
a. guro, doktor, abogado
b. senador, modelo, kawal
c. alkalde, kongresista, pangulo
d. abogado, gobernador, senador
4. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi
na dapat ipagpabukas pa? (Pagsusuri)
a. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang
gawain.
b. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat
sayangin.
c. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang
iskedyul.
d. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa
gawain.
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si
Quezon? (Paghinuha)
a. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
b. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
c. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
d. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.
6. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon
ng himagsikan,”ano ang iba pang kahulugan ng salitang
kawal? (Paghinuha)
a. bayani b. doktor c. manunulat d. sundalo
7. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo? (Pagsusuri)
a. alamat
b. kuwentong-bayan
c. pabula
d. talambuhay
Key to Correction
• D
• C
• D
• B
• C
• D
• D

You might also like