Professional Documents
Culture Documents
Bahagi NG Liham
Bahagi NG Liham
Bahagi NG Liham
Bating pangwakas
Nagmamahal,
Katawan ng liham Shaira
lagda
Ang Liham Pangkaibigan
•Ang Liham-Pangkaibigan
ay karaniwan na
nagbabalitaan,nangungum
usta,nag-
aanyaya,bumabati sa isang
nagwagi o may kaarawan
at nakikiramay sa isang
namatayan.
Liham ng Pagbabalita
• Ito ay uri ng liham na pinakamadalas
sulatin. Sa liham na ito ay ating
ipinababatid sa mga kaibigan o mahal sa
buhay ang mga balita, o anumang
pangyayaring nais nating malaman nila
tungkol sa atin. Nararapat kung gayon na
maging masigla, kawili-wili, at parang
nakikipag-usap lang ang tono ng liham na
ito.
Liham Paanyaya
• Liham na nagsasaad ng paanyaya sa isang
mahalagang okasyon o pagtitipon.
Nakalahad sa liham ang mahahalagang
detalye ng okasyon tulad ng kung ano ito,
kailan at saan magaganap. Madalas
inilalagay rin ang uri ng kasuotang
inaasahan gayundin ang direksyon
papunta sa lugar ng okasyon.
Liham Pagtatanggap
• Isang mabuting kaugalian ang
pagpapadala ng ganitong uri ng liham
upang matiyak ng nag-aanyaya kung ilang
bisita ang aasahan niya sa pagtitipon.
Nakasaad dito ang pagtiyak sa pagdalo at
kung ilan silang dadalo.
Liham Pagtanggi
• Isa ring kabutihang-asal ang
pagpapahayag ng pagtanggi sa isang
paanyaya kung sadyang hindi makadadalo
upang hindi umasa ang nag-aanyaya na
dadalo ang inaanyayahan. Magalang na
ilahad ang dahilan sa pagtanggi upang
ito’y maunawaan ng nag-aanyaya.
Liham Pakikiramay
• Liham na nagsasaad ng pakikiisa sa
kalungkutan o nararamdaman ng
sinusulatan. Karaniwan itong isinusulat
para sa namatayan.
Liham Paumanhin
Liham na nagsasaad ng paghingi ng tawad
o dispensa sa pagkakamaling nagawa
sinasadya man o hindi. Kasabay nito ang
pangakong iiwasang maulit pa ang naging
pagkakamali.
Liham Pangalakal
• Ito ay sinusulat upang makapag-ugnayan sa mga
tanggapan o opisina. Sa ganitong uri ng liham ay
kailangan ang mga katangiang malinaw, maikli,
magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at
makinilyado o encoded. Gumagamit ng papel na
legal size.
Liham Pagpapakilala
• Isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa
trabaho o ang isang bagay / produkto na
iniendorso.
Liham ng Aplikasyon
• Isinusulat upang humanap ng trabaho
Liham ng Pamimili
• Isinusulat upang bumili ng paninda na
ipinadadala sa koreo
Liham ng Subskripsyon
• Isinusulat upang maglahad nng intensyon sa
subskripsyon ng pahayagan, magasin at iba pang
babasahin
Liham na Nagrereklamo
• Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing
Liham na Nagtatanong
• Upang humingi ng impormasyon
Bahagi ng Liham Pangalakal
• Pamuhatan – isinusulat ang tirahan ng sumulat at
petsa ng pagkakasulat
• Patunguhan – binubuo ng pangalan at
katungkulan ng susulatan, tanggapan, o opisina ng
direskyon ng sulat. Dinadaglat ang pamagat-tawag
tulad ng Ginoo – G, Miss – Ms.
• Bating Panimula – maikli at magalang na
pagbating nagtatapos sa bantas na tutuldok
• Katawan ng Liham – tiyak at tuwiran ang
nilalaman
• Bating pangwakas – maikli at magalang na
pamamaalam
• Lagda – dito isinusulat ang buong pangalan ng
sumulat at pirma sa ibabaw nito
Istilo ng pagsulat ng Liham Pangalakal
• Indented o Kumbensyunal
petsa
pamuhatan
patutunguhan
Bating panimula
Katawan ng liham
Bating pangwakas
lagda
Istilo ng pagsulat ng Liham Pangalakal
• Sistemang block
petsa
pamuhatan
patutunguhan
Bating panimula
Bating pangwakas
lagda
Gawaing bahay sa Filipino