Professional Documents
Culture Documents
AP q1 Week 3 - Naganap Sa Panahon NG Himagsikang Pilipino (Mam Inkay Peralta)
AP q1 Week 3 - Naganap Sa Panahon NG Himagsikang Pilipino (Mam Inkay Peralta)
Napag-alaman ng mga
Espanyol ang planong pag-aalsa
habang puspusan ang paghahanda ng
mga Katipunero sa ilulunsad na
rebolusyon. Gabi ng ika-19 ng Agosto,
1896 nang isiniwalat ni Teodoro
Patiño, isang Katipunero, kay Padre
Mariano
Teodoro Patiño
Gil ang lihim ng Katipunan.
Nagawa niya iyon dahil sa payo ng isang madre
at ng kapatid niyang nakatira sa tahanan ng mga
ulila sa Mandaluyong. Itinuro ni Patiño ang
imprenta ng mga Katipunero. Natuklasan dito ang
ilang polyeto at dokumento ng Katipunan. Hinuli at
ikinulong sa Fort Santiago ang pinaghihinalaang
kasapi sa Katipunan.
Ang pagkakatuklas sa
Katipunan ay nagbunsod kay
Bonifacio na tumawag ng
pulong sa Balintawak,
Caloocan Kasama sina Jacinto,
Procopio Bonifacio
at iba pang Katipunero. Napagkasunduan nilang
simulant ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Inilabas ni Bonifacio ang kanyang sedula at sinabi
ang:
“Ilabas ang inyong sedula
at pagpunit-punitin upang
ipakilalang nakatalaga tayong
maghimagsik.”
• Magdiwang
• Magdalo
Ang pangkat ng Cavite ay nahahati
sa dalawa: Ang Magdiwang at
Magdalo. Ang pangkat ng Magdalo
ay pinamumunuan ni Baldomero
Aguinaldo na pinsan ni Emilio
Aguinaldo at may himpilan sa
Kawit. Ang pangkat ng Magdiwang
ay pinamumunuan ni Mariano
Alvarez na tiyo ng asawa ni
Bonifacio at may himpilan sa
Noveleta.
Dalawang manipesto ang inilabas ni Emilio
Aguinaldo noong Oktubre 31, 1896 na nagbalak ang
Magdalo na magtatag ng bagong pamunuan at
gobyerno na papalit sa Katipunan. Nagpahayag ito ng
layunin ng rebolusyon na maging malaya ang
Pilipinas at naghihikayat sa lahat ng mga Pilipino na
makipaglaban tungo sa kalayaan.
KAGANAPAN SA TEJEROS