Professional Documents
Culture Documents
Panahon Ng.....
Panahon Ng.....
Edukasyong
Primarya sa
Panahon ng Kastila
Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay
nagkaroon ng pagbabago ang sistema ng kanilang edukasyon.
Ang di-pormal na edukasyonsa panahon ng ninuno ay naging
pormal.
Nakapagpatayo ang mga Espanyol ng paaralan para samga
bata at may mga upuan na rin sila. Kumpara noon sa ilalim
lamang sila ng puno nag-aaral at sa lupa lamang sila nakaupo.
Sa panahon din ng Espanyol, ang mga mamamayan na may
kaya at makapangyarihan lamang ang may karapatan sa
edukasyon
Sa panahon ng Espanyol, ang mga pari ang nagtuturo sa
mga estudyante. Wikang Kastila naman ang ginamit sa
pagtuturo ng mga prayle.
Ang mga asignaturang itinuturo sa mga paaralang primarya
ay patungkol sa relihiyong Kristyanismo, pagsulat, pagbasa,
aritmetika, musika, sining at paghahanapbuhay.
Binigyang din sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng
Doctrina Kristiyana at mga pagsasanay sa pagbasa ng
alpabetong Espanyol at wikang Filipino.
Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral maging ang mga
dasal.
Ang
Edukasyong
Primarya sa
Panahon ng
Amerikano
Ang edukasyon ng Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano ay naiiba sa edukasyon sa ilalim ng mga Kastila.
Kung sa panahon ng mga Kastila ay tanging mga
mamamayang may kaya at makapangyarihan lamang ang
nakapag-aaral, ang sa Amerikano ay demokratiko.
Itinakda ang Ingles bilang wikang panturo sa mga
paaralan.
Ang Ingles ay itinuturo sa lahat hindi katulad ng wikang
Espanyol na tanging mayayamang Pilipino lamang ang
natutong magsalita
Pangunahing Layunin ng Edukasyon
Pagpapalaganap ng demokrasya
Pagtuturo ng Ingles
Pagpapakalat ng kulturang Amerikano
https://www.slideshare.net/chikath26/aralin-4-ang-sistema-
ng-edukasyon-ng-mga-espanyol
https://www.slideshare.net/SherryGonzaga/kurikulum-sa-pa
nahon-ng-amerikano?fbclid=IwAR2FGYqy3_HwHHQyf4h
oocgeCAOWWcPUcaEcPKeXJeRt6r-kT_sG6nTnimM