Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

VALUES 9

MODYUL 2: LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO


NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
• Isa sa pinaka masayang bahagi ng
buhay highchool ang paghahanap ng
matatalik at tunay na kaibigan.

• Nagsasama-sama ang mga


magkakatulad ang INTERES,
HILIG o PANGARAP.
• Natanong mo na ba kung
papaano nag simula ang inyong
barkada?

• Paano kayo naging


magkakaibigan?

• Bakit sila ang itinuturing mong


matalik na kaibigan?
PAMAYANAN

Ang pamayanan ay parang isang


BARKADAHAN. Sama-sama silang
bumubuo ng mga sistema kung paano
haharapin ang mga hamon sa buhay. May
mga kwento silang pinagdadaanan at
nabubuo ang kanilang kultura.
Ano ang kultura?

• Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.

• Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan


ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang
pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.

• Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa


kinabukasan.
Lipunang Pampolitikal

• Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas


mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin
ang dating nakukuha lamang sa bigayan at
pasensiyahan.

• Sa dami ng interes at nagkakaiba-ibang pananaw, mas


masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang iisang
kultura ang mayroon, maraming kultura ang umiiral na
pare-parehong nagnanasa ng pagyabong.
Lipunang Pampolitikal

• Pampolitika ang tawag sa paraan ng


pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na
ang mga bawat isa ay malayang
magkaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang pansariling mithiin sabay ang
kabutihang panlahat. Pinangungunahan ito
ng pamahalaan.
Tungkulin ng pamahalaan sa lipunan

1. Gumawa ng mga batas na naglalaman sa


mga pagpapahalaga at adhikain ng mga
mamamayan.

2. Magtatatag ng mga estruktura na


maninigurong nakakamit ng mga tao ang
kanilang batayang pangangailangan.
Isang kaloob ng tiwala

Ang pamamahala ay usapin


ng pagkakaloob ng tiwala.
Nagiging pinuno ang isang
tao dahil sa tiwala ng mga
nasasakupan.
Isang kaloob ng tiwala

• Ang mga pinuno ay may matatayog na


pangarap na maaaring maabot sa
pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng
paningin upang makita ang potensiyal ng
grupo o pamayanan. Mulat sila sa mga
katutubong yaman ng grupo at ang mga
potensyal sa pag-unlad nila nang sama-
sama.
LIPUNAN
Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan.
Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin
ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang
bunga ng paggawa sa bayan.
• Ang proyekto ng pinuno ay
hindi proyektong para sa
kanyang sarili. Ito ay proyekto
para sa kanya at para sa
kaniyang pinamumunuan.
Prinsipyo ng Pakikipagtulungan (subsidiarity)

Tumutulong sa pamahalaan ang mga


mamamayan na magawa nila ang
makakapag paunlad sa kanila na walang
makakahadlang sa kalayaan ng mga
mamamayan mula sa pinuno sa
pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng
kanilang buwis, lakas at talino.
Prinsipyo ng Pakikipagtulungan (subsidiarity)

Tungkulin ng mamamayan
ang magtulungan at ng
pamahalaan ang magtayo ng
mga estruktura upang
makapagtulungan ang mga
mamamayan.
Lipunang pampolitika ay isang
ugnayang nakaangkla sa pananagutan ng
pinuno na pangalagaan ang nabubuong
kasaysayan ng pamayanan. Ang pag-
unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng
pinuno, gawa ito ng pag-ambag ng talino
at lakas ng mga kasapi sa kabuuang
pagsisikap ng lipunan.
• Ang pag-unlad ng
lipunan ay hindi gawa ng
pinuno. Gawa ito ng
talino at lakas ng mga
kasapi sa kabuuang
pagsisikap ng lipunan.
• Ang namumuno ay hindi
espesyal na nilalang na
hiwalay sa kasaysayan ng tao
at bayan. Nangunguna
lamang sila sa tambayan na
ipaubaya sa kanila ang
pangunguna sa bayan.
“BOSS” ng bayan ay pangulo-
magtiwala ang bayan sa
pangunguna ng pinuno dahil
may makikitang higit at dakila
ang pinuno para sa kasaysayan
at kabutihang panlahat.
“BOSS” naman ng pinuno ang
taumbayan- walang gagawin
ang pinuno kundi ingatan,
payaungin, at paunlarin ang
mga karapatan at kalayaan ng
mga tao sa bayan.
Ang tunay na “Boss” ay
ang KABUTIHANG
PANLAHAT- ang pag-
iingat sa ugnayang
pamayanan at ang
pagpapalawig ng mga
tagumpay ng lipunan.
Thank you for
listening!

You might also like