Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Pagsulat ng Posisyong

Papel
• Ang isang Posisyong Papel ay isang salaysay na
naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at
karaniwang isinusulat ng may-akda o ng nakatukoy
na entidad, gaya ng isang Partido pulitikal.
Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademiya,
sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Ano ang Posisyong Papel?

•Ang posisyong papel ay


mahalagang gawaing pagsulat
na nililinang sa akademikog
pagsulat.
• Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa
pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang
sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong
papel. Ginagamit rin ng malalaking organisayon ang mga
posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga
opisyal na pananaw at ng kanailang mga mungkahi.
• Karaniwang isinusulat ang isang
posisyong papel sa paraang mapanghimok
sa mambabasa upang maunawaan at
sangayunan nito ang paninindigan ng nag
sulat hinggil sa isyung pinaksa.
Sa Akademiya

• Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademiya


upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang
eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na
karaniwang makikita sa isang akadaemikong pagsulat.
Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-
kuro o mga posisyong iniharap gamit ang ebidensiya mula
sa malawak at obhetibong talakayan ng naturlang paksa.
Sa Pulitika

• Pinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa


konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-
uunawa ng isang entida; sa gayon, karaniwan itong
ginagamit sa mga kampanya, organisayong
pampamahalaan, sa mundo ng diplomasya, a sa mga
pagsisikap baguhin ng mga kuro-kuro at branding ng
mga organisayon.
Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model
United Nations. Sa pamahalaan, ang posisyong
papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper
kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na
opinion at nagmumungkahing mga solusyon ngunit
hinid umabot sa pagdedetaye
Sa Batas

• Sa paninindigang batas, ang termitolohiyang ginagamit


para sa isang posisyong papel ay Aide-memoire. Ang
isang Aide-memoire ay isang memorandum na nag
lalahad ng mga maliliit na punto ng isang
iminumungkahing talakayan o di-pinagsasangayunan, na
ginagamit lalo na sa mga di-diplopatikong
komunikasyon.
LAYUNIN

• Layunin ng posisyong papel na


mahikayat ang mga mambabasa na
magkaroon ng kamulatan sa
argumentong inihahain sa kanila.
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagsususlat ng Posisyong Papel
(Mula sa “How to Write Position Paper” ni Grace
Fleming, Malayang Salin ng May-akda)
1. Pagpili ng Paksa batay sa Interest
2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusupotang Katibayan
5. Lumikha ng Balangkas (Outline)
Narito ang isang halimbawa kung paano
babalangkasin ang isang posiyong papel:

a) Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling


paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
(background information).
b) Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw
ng yong posisyon.
c) Ipakita rin ang mga sumosoportang punto ng mga kasalungat
na pananaw ng iyong posisyon.
d) Pangatwiranang pinakamahusay at nakatatayo pa rin ang
iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-
argumento (sa b at c).
e) Ibuod ang iyong argumentatibo at muling igiit ang iyong
posisyon
Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong
opinyon ng may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon. Maging matatag sa paninindigan,
subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating
ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito
gamit ang mga ebidensiya.
Apat na Bahagi ng Posisyong Papel

I. Panimula – dito ilalagay ang paglalahad ng paksa,


pagbibigay ng paunang salita tungkol sa paksa at ipakilala
ang tesis ng iyong posisyong papel.
II. Kontra argumento (Counter argument) o argumentong
tumututol sa iyong tesis – ito ay kinakailangang mailagay
upang mailahad ang paunang kaalaman ang mga
mambabasa mo.
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon – ditto mo ilalahad ang
tatlong punto ng posisyong papel at ang kanyang
paliwanag.
IV.Konklusyon (Conclusion) – kailangang banggitin mong
muli ang iyong tesis sa bahaging ito. Pagkatapos ay
magbigay ka ng plan of action kung paano mas
pmapapabuti ang isyung pinag-uusapan.
MARAMING SALAMAT!
GROUP 5
Sanggunian:
• https://www.academia.edu/7743808/Posisyong_Papel_NTC
_Filipino_sa_Kolehiyo
• https://www.slideshare.net/bojoguillermo/posisyong-papel-
118230939
• https://youtu.be/Kwy8c2fzC-s?si=fODfU15aj1x04zm9
PAGSUSULIT

1. Ito ay mahalagang gawaing pagsulat na


nililinang sa akademikong pagsulat.
2-3. Maglahad ng 2 sa mga dapat isaalang-alang
sa pagsususlat ng posisyong papel.
3-5. Nilalathala ang mga posisyong papel
sa _________, _________, at _________.
6-10. Apat na bahagi ng posisyong papel.

You might also like