Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Inimbita ka ng iyong kamag-aral na

magpunta sa computer shop


pagkatapos ng klase. Ngunit nag
bilin ang iyong nanay na umuwi ka
nang maaga dahil mayroon siyang
ipapagawa sa iyo. Ano ang gagawin
mo?
Sasama sa kamag-aral sa
computer shop.

Hindi sasama sa kamag-aral.


Susundin ang bilin ng nanay.
Umalis ang inyong nanay.
Pinagbilinan ka na bantayan muna
ang iyong nakababatang kapatid.
Ngunit may tinatapos kang takdang
aralin na ipapasa na kinabukasan.
Ano ang gagawin mo?
Magagalit ka sa nanay.

Babantayan ang nakababatang


kapatid habang tinatapos ang
takdang aralin.
May pangkatang gawain kayo ng
iyong mga kamag-aral sa
asignaturang ESP. Pero mayroon
kang isang kamag-aral na ayaw
tumulong sa inyong pangkatang ESP
gawain. Ano ang gagawin mo?
Magagalit sa kamag-aral at hindi
kakausapin.
Kakausapin ng maayos ang kamag-
aral na tumulong sa pangkatang
gawain.
Sa pang-araw-araw na pamumuhay,
kailangan nating gumawa ng isang
pasiya. Ang pagbuo ng pasiya ay
dapat pinag-iisipang mabuti.
Kinakailangan din na naiintindihan
mo ang bunga ng iyong pasiya para
sa iyong sarili at sa ibang tao.
Sa pagbuo ng isang pasiya hindi
dapat pabigla-bigla lalo na tungkol
sa isang mahalagang bagay.
Sa mga panahong nahihirapan
ka sa mga sitwasyong
kailangang pagpasiyahan, mag-
isip ng mabuting bagay at
sabihin sa sariling “Kaya ko ito!”
Kailangan din ninyong gumamit
ng mapanuring pag-iisip sa mga
pagkakataong ganito.
Isulat ang inyong magiging
angkop aksyon sa bawat
sitwasyon.
1. Habang naglalakad ka sa daan
galing ng paaralan, may lumapit sa
iyong isang hindi kilalang lalaki.
Isinasama ka ng lalaki sa isang
palaruan. Pero hindi mo dapat sabihin
sa ibang tao, lalo na sa iyong
magulang. Ano ang iyong gagawin?
2. May pagsusulit kayo kinabukasan
pero hindi ka nakapag-aral ng
leksyon dahil tinapos mo ang
paborito mong palabas. Ano ang
gagawin mo?
Isulat sa sagutang papel ang Tama
kung wasto ang pahayag at Mali
kung hindi wasto.
1. Naniniwala ka kaagad at hindi
nag-aabalang magsiyasat sa
impormasyong ibinibigay sa iyo.
2. Isinasaalang-alang mo ang
kabutihan ng lahat ng
maaapektuhan ng iyong pasiya.
3. Tinitimbang mo ang
makabubuti at ang makasasama
sa mga pagpipilian bago ka
gumawa ng isang pasiya.
4.Ipinipilit mo ang pasiyang
ginawa mo kahit na hindi
sumasangayon sa iyo ang iba
pang miyembro ng pangkat.
5. Pinag-aaralan mo ang
maaaring maging resulta ng
pasiya mo bago ito isagawa.
Ano ang maling pasiya mo
sa iyong buhay na pinaka-
pinagsisihan mo? At bakit
mo ito pinagsisihan?
Sagutin ng Tama o Mali.
1. Nakapulot ka ng pitaka,
may nakita kang I.D at pera sa
loob nito. Isinauli mo ito sa
may-ari.
2. Minsan inutusan ka ng
nanay na bumili sa tindahan.
Sobra ang isinukli ng tindera.
Hindi mo ito ibinalik.
3. May pagsusulit sa paaralan.
Hindi ka nakapag-aral dahil
nananood ka ng paborito mong
palabas kahit alam mong may
pagsusulit kinabukasan.
4. Hindi ka kaagad naniniwala sa
sinasabi ng iba. Pinag-aaralan
mo munang mabuti ito bago ka
maniwala.
5. Napunit mo ang papel ng
iyong kamag-aral. Nilagay mo na
lang ito sa kanyang upuan dahil
takot kang magalit siya sa iyo.

You might also like