Araling Panlipunan 5 Nagsimulang magbago ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ng dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Binago nila ang mga paniniwala ng mga katutubo katulad ng pagpapatupad ng iba’t ibang pamamaraan upang mapagtagumpayan ang pananakop. Binago nila ang mga paniniwala ng mga katutubo katulad ng pagpapatupad ng iba’t ibang pamamaraan upang mapagtagumpayan ang pananakop. Nagpatupad sila ng mga patakaran na unti-unting nagpahirap sa kabuhayan ng ating mga Pinalitan nila ang kanilang pamahalaan at nagtatag ng pamahalaang Kinamkam nila ang mga ari-arian ng bansa at hinakot ito ng sapilitan. Ginagamitan din nila ng dahas ang sinumang tumanggi sa kanila. Tributo ang tawag sa pagbubuwis na ipinataw ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon. Ito ang kauna-unahang patakarang ipinairal ng mga Espanyol pagkatapos nilang maipahayag ang pag angkin sa lugar na kanilang nasakop. Salapi ang ipinambabayad ng mga katutubo o maaari namang ginto, produkto at ari-arian bilang pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya. Ipinatupad ang extractive na patakaran kung saan kinuha ang maaaring pakinabangan gaya ng lakas-paggawa at likas na yaman. Umasa ang bansa sa real situado o royal subsidy na tulong salapi mula Mexico upang matugunan ang pangangailangan sa kolonya. Ang mga Encomendero naman ang naatasang maningil ng tributo kasama ng mga Cabeza de Barangay, dating datu na nagsisilbing tagapamayapa at maniningil ng buwis kapalit ng ENCOMENDERO CABEZA DE BARANGAY Ngunit inabuso nila ang kanilang mga tungkulin. Sinasabing hindi ang Espanya ang siyang kumita ng malaki sa pananakop kung hindi ang mga Espanyol na ipinadala sa bansa. Ipinabuwag ito ng hari ng Espanya ng kaniyang Sa kabilang banda, iminungkahi naman ng mga prayle na nag mamay-ari ng lupain sa Pilipinas upang hindi na umasa sa pinansyal na suporta mula sa Espanya. Ang pagbabayad ng buwis ay siyang naging simbolo sa pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya. Narito ang mga taon ng pangongolekta at halaga ng tributo: • 1571 – 8 reales • 1589 – 10 reales • 1851 – 12 reales REALES Sa taong 1884, ipinatupad ang pagkakaroon cedula personal. Ito ay kapirasong papel na naglalaman ng mga katibayan sa pagbabayad ng buwis. Doble ang naging pahirap sa mga katutubo sapagkat kailangan dala nila ito palagi. Ang mga mamamayang may labingwalong taong gulang pataas ay siyang kinakailangang magbayad at ito rin ang nagsilbing katunayan ng kanyang pagkakakilanlan at lugar kung saan siya nakatira. CEDULA PERSONAL Mga Buwis na Ipinataw Donativo De Zamboanga – ito ang buwis upang suportahan ang mga hukbong militar sa pagsakop ng Jolo. Mga Buwis na Ipinataw Falua – ito ay ang buwis na siningil upang depensa sa bantang pananalakay ng mga Muslim sa mga iba’t ibang lalawigan. Mga Buwis na Ipinataw Vinta – ito ang buwis na binabayaran sa may kanlurang Luzon upang suportahan ang hukbong militar sa pananalakay ng mga parating na Muslim na nambibihag ng mga katutubo upang ibenta at gawing mga alipin. Kung wala siya nito ay maari siyang pagbintangan bilang tulisan at maaaring pagmultahin at ikulong. Dulot nito, maraming katutubo ang ikinulong sa hindi pagkakaroon ng cedula at pagdadala nito. Sistemang Bandala Ito ay ang sapilitang pagbebenta ng mga produkto sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng di- tuwirang pagbubuwis sapagkat ang halaga ng mga produkto ay itinakda ng pamahalaan at hindi ayon sa Madalas na hindi nababayaran ang mga produktong ipinagbibili ng mga katutubo at karaniwang promissory note ang ipinambabayad sa mga magsasaka na naging dahilan ng Upang madagdagan at lumaki ang kita ng pamahalaan, nagtalaga sila ng quota ng produkto o takdang dami ng kailangan nilang ibenta sa pamahalaan. Naging malaki ang epekto ng tributo sa pagpapatupad ng kolonyalismo sa bansa. Nabawasan ang mataas na tingin ng mga katutubo sa kanilang mga sarili. Ngunit naging dahilan naman ito ng korapsyon ng mga tiwaling Espanyol. Ito ay naging sanhi ng pag-aalsa dahil sa di- makataong patakaran. PAHALANG/ PAHINGA 1.Royal Subsidy 2.Buwis 3.Cedula 4.Quota 5.Promissory Note PABABA 6. Espanyol 7. Spain 8. Bandala 9. Walo 10. Salapi Isagawa 1.Tributo 2.Sapilitang Bandala 3.Promissory Note 4.Quota 5.Reales 6.Falua 7.Encomendero 8.Cedula Personal 9.Vinta 10.Cabeza de Barangay