Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

TEKSTONG

PROSIDYURAL
Miyembro: Angel Ocfemia
Anavi Oserin
John Alwen Manjares
Ano ang tekstong prosidyural?
 Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng
impormasyon kung paano isasagawa ang isang bagay o gawain.
 Sa tekstong ito pinapakita ang mga impormasyun sa chronologiocal na paraan
o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod.
 Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa
para maisagawa ng maayos ang isang gawain.
May anim na elemento ang tekstong
prosiduryal:
Layunin ng May-Akda – Sapagkat ang ugat ng paggawa ng teksto ay ang pagpapadali
sa buhay ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pagtulong at paggabay sa isang
gawain, dapat isaalang-alang ng may-akda ang gumawa ng isang tekstong may sunod-
sunod na direksyon na malinis at hindi nagkakagulo ang eksplanasyon.
Pangunahing Ideya – Ito ang ideyang nakapaloob sa teksto. Importanteng isa lamang ito
at kaagad na nasabi sa unang talata o sa pamagat ng teksto upang hindi maguluhan ang
mambabasa at alam nito ang pakay ng teksto.
Mga Estilo – Ang pamamaraan ng may-akda sa pagsusulat at pagbibigay ng kaalaman.
Ito ang iba-iba sa mga may-akda na ang layunin ay manghikayat ng mga mambabasa.
 Paggamit ng Larawan – Sa kadahilanang hindi lahat ng mga mambabasa’y may matalas na
imahinasyon, makapagbibigay ang paglalagay ng larawan na nagpapakita ng kasalukuyang
set-up sa pagpapadali sa pag-intindi ng mga mambabasa. Ito rin ang nagdadala ng buhay sa
isang artikulo, lalo na kapag ito ay komplikado o mahirap.

 Pagbibigay Diin – Kahit na ang lahat ng mga panuto’y dapat sundin, may mga panutong
kinakailangang bigyan ng importansya sapagkat kapag sila’y nakaligtaan ay may malaki itong
epekto sa kabuuang resulta. Upang hindi ito makalimutan, kinakailangan bigyan ng diin ang
mga panutong ito.

 Pagbibigay ng Sanggunian – Ang pagdadagdag ng sanggunian ay nakadadagdag sa


kredibilidad ng isang artikulo o talata. Kinakailangan ito upang mas mahikayat ang
mambabasa na makatotohanan ang isang akda, lalo pa’t nagbibigay ito ng panuto.
Apat na bahagi ng Tekstong
Prosidyural
• Target na Output – Ito ang inaasahang resulta o kahahantungan sa huli ng isang
produkto o gamit sa pagkatapos ng pagsunod sa lahat ng mga gabay at gawain sa akda.
• Mga Kagamitan – Mga kinakailangang gamit upang magawa at matapos ang bagay o
produktong ginagawa.
• Metodo – Ang magkasunod-sunod na hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto
mula sa simula hanggang sa dulo.
• Ebalwasyon – Listahan o talatang naglalaman ng mga pamamaraan upang
masiguradong tama o epektibo ang pagkagawa ng isang produkto o bagay base sa
pagkakasunod ng gabay sa akda.
URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL
• Paraan Ng Pagluluto (Recipes) - Pinaka karaniwang uri ng tekstsong prosidyural. Ito ay nagbibibigay ng
panuto sa mambabasa kung paano magluto.
• Panuto (Instruction) - Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang
bagay.
• Panuntunan Sa Mga Laro(Rules Of Games) - Nagbibigay sa mga manlalarong gabay na dapat nilang
sundin.
• Manwal - Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin paganahin at patakbuhin ang isang
bagay.karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at appliances.
• Pagbibigay Ng Direksyon - Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa
nais na destinasyon ang ating ginagabayan.
SALAMAT SA PAKIKINIG.

You might also like