Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pagbubuod at Pag-uugnay ng mga Ideya at Datos

tungo sa Mapanuring Pagsulat

Maraming gawain sa akademiya ang nangangailangan ng


masusing pagbasa. panonood, pagsasalita, pakikinig, at
pagsulat. Ibinabahagi ang mga ito sa mga kaklase at guro. Sa
paraan ng pagbabahagi, kinakailangan ang pagpapaikli upang
ang mga pangunahing ideya at pagkakaugnay-ugnay ng mga
ito ay maipahayag nang malinaw at maayos. Tumutulong din
ito upang malinawan ang mga datos na ginagamit sa mga
sulating akademiko at mga pananaliksik.
Iba-iba ang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng
impormasyon at ideya
kaugnay ng paksa. Ilan dito ang buod, lagom o sinopsis, presi,
hawig, sintesis, at abstrak
Buod
Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang teksto ay
maaaring nakasulat, pinanood, pinakinggan. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal
na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto. Kadalasan,
nakatutulong ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohika at
kronolohiya ng mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o
komplikadong paraan ng pagkasulat sa teksto.

Bilang datos sa isang masusing binasang teksto upang gamitin


sa isang pagsusulat mahalaga ang pagbubuod sa pagpapaunlad
ng argumento. Hindi tayo nagbubuod para lang ilahad ang
ginawa o isinulat ng isang may-akda. Ginagamit ito bilang
pansuporta sa isang posisyon o tesis. Isa rin itong batayan kung
paano binasa ng sumulat ang naturang akda at kung paano niya
ito naiuugnay sa kaniyang paksa.
Pangunahing mga katangian ng pagbubuod
ang mga sumusunod:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng
sariling pananalita. Isa itong muling pagsulat ng binasang akda sa maikling
salita. Inihahalili sa mga salita ng may-akda ang mas pangkalahatang
termino gaya ng kasuotan sa halip na saya, pagtuturo sa halip na
paglelektyur, at iba pa.
3. Mga ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Narito ang mga hakbang sa pagbubuod:

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin
ang paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita
(key words)
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o
tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag
gumamit ng m salita o pangungusap mula sa teksto
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensiya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga
salitang nagbibigay transisyon gaya ng gayumpaman, kung
gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang dako, bilang
kongklusyon, bilang pangwakas at iba pa.
7. Huwag magsisingit ng niga opinyon
8. Sundin ang dayagram sa ibaba
Buod

Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Konklusyon

Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta, at iba pa,


maaaring gumawa mun ng story map o graphic organiuer
upang malinawan ang daloy ng pangyayari. Pagkatapo isulat
ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing
karakter, ang tunggaliar at ang resolusyon ng tunggalian.
Narito ang ilang halimbawa ng story map.

Banghay

Tagpuan Istorya Tauhan

Problema Kalutasan ng ptoblema


Pamagat

Simula
Tagpuan

Gitna
Mga tauhan
Problema/Banghay
Pangyayari

Wakas
Kinalabasan/Solusyon/ Resolusyon
Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng analitikal na pag-iisip na isang
mahalagang kasanayan sa pag-aaral. Sinusuri dito ang mga impormasyon at
pinaghihiwalay ang mahalaga sa di-mahalagang punto, ang ideya sa halimbawa o
ebidensiya, at pinagsasama-sama ang mahahalagang ideya upang makabuo ng
malinaw at mapagbuod na mga pangungusap na maglalahad ng pangunahing
punto ng teksto.
Ilan sa mga halimbawang tekstong maaaring ibuod ang piksyon at di-piksyon
(sanaysay, report, artikulo, balita, pelikula, video, pangyayari, pulong, at iba pa)
Narito ang ilang halimbawa ng buod:

a. Sa Pilipinas, hango sa dayong pananaw ang pag-aaral ng astronomiya. Dahil dito,


hindi natin natutunton ang sarili nating kabihasnan at ang kulturang Pilipino na
mapatutunayan ng mayamang termino ng mga ninuno ukol sa kalikasan, sa
konstelasyon sa partikular. Sa katunayan, ang iba't ibang grupo sa Pilipinas ay may
mga katawagan sa lahat ng bahagi ng mundo at ang mga ito ay hindi magkakalayo
sa isa't isa. Gayundin, ang iba't ibang bansang kabilang sa wikang Austronesya ay
may kahawig ding mga termino. Tunay ngang repleksyon ng kultura at kabihasnan
ang wika. Ang paraan ng pamumuhay, pag-iisip pagdedesisyon sa mga gawain, pati
mga oral na panitikan at kaalaman, ay masasalamin sa mga salitang astronomikong
gamit ng mga sinaunang Pilipina Ang mga kaalamang ito ay makatutulong upang
maintindihan ng mga Pilipino ang kanilang sarili, komunidad, at bansa kung pag-
aaralan lang sana ng mga mag-aaral.
(buod ng 12-pahinang artikulo ni Dante Ambrosio
"Wika, Astronomya, Kultura: Kulturang
Pilipino sa mga Katawagang
Astronomiko," nasa "Mga Piling Diskurso
sa Wika at Lipunan, Constantino, P. at M.
b. Tula
Atienza, 1996)
May Huklubang Ama sa May Tumba-Tumba
May huklubang ama sa may tumba-tumba At ikaw, binata, ang
kaniyang kausap, Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga.

Hangad mo ang palad ng kaniyang dalaga Kaya nagtatangkang


hingin ang basbas Ng huklubang ama sa may tumba-tumba,

lyong hinihintay ang tamang entrada Ngunit dila'y putol, wika'y


tumatakas, Dumuduyan-duyan sa buntung hininga.

Kada isang kilos, wari'y minamata At ngayon, para bang gusto


mong lumayas
Ang huklubang ama sa may tumba-tumba.

Ang iyong kongklusyon inipong pag-asa' y Mistulang kulisap sa


lantang bulaklak,
Dumuduyan-duyan sa buntung hininga.

Ngunit kung puso moly ipagpabukas pa,


Baka magsisi ka at maging katulad
Ng huklubang ama sa may tumba-tumba Dumuduyan-duyan sa
buntung-hininga.

(Vladimeir Gonzales, halaw sa tulang Proposals ni Edwin


Thumboo, Ugat, 2003)
Buod:
Kausap mo ang matandang lalaking magulang ng iyong nililiyag upang makuha ang
pahintulot niya na makaisang-dibdib mo ang kaniyang anak. Ngunit nauumid ka at hind
makapagsalita habang patuloy itong nagtutumba tumba, Gusto mo nang sumuko ngunit
ayaw mong mapares sa matanda na tumandang nag-isa sa kaniyang tumba-tumba.

Hawig
Tinatawag itong paraphrase sa Ingles. Galing ito sa sa salitang Griyego (sa pamamagitan
ng Latin) na paraphrasis, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag
Katulad ito ng buod kung saan ipinahahayag sa sariling pangungusap ang mga
pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito sa pinipiling ipahayag. Sa buod, inilalahad ang
buong istorya artikulo, tula, at iba pa sa sariling pangungusap. Samantala, sa hawig,
inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong ideya o
impormasyon sa isang artikulo o teksto, gaya ng isang pahayag dito o kaya'y kabanata sa
isang libro.
Ang hawig ay inilalahad sa isang bagong anyo o estilo. Isa itong paraan upang hindi laging
sumisipi. Alternatibo ito sa madalas na pagsipi(www.owl.english.purdue.educi. Isa rin
itong paraan para linawin ang teksto. Sa hawig, ginagamit ang mga kataga at pandiwa na
parang nag-uulat ng sinabi ng may-akda ngunit nilalagyan naman ng panipi ang naiiba at
mahalagang pagkakakilanlan sa may-akda. Nilalagyan din ito ng sanggunian.
Hindi katulad ng lagom, ang hawig ay mas detalyado at dinamiko kaysa sa orihinal, ngunit
hindi lumilihis sa pangunahing punto ng may-akda.
Narito ang ilang halimbawa:

a. Simula ng siglo labing-anim, ang pagdaloy ng kasaysayan ng ating lipunan ay lumihis na sa


klasiko't lohikal na proseso ng kaniyang pag-unlad. Sabi nga ni Friedrich Engels sa kaniyang Origin
of the Family, Private Property and the State (1884; edisyong 1983), marami kung hindi man lahat
ng mga bansa sa buong daigdig ay nag-umpisang dumanas ng abnormal na pag-unlad simula
nang ang ilang malalaki't makapangyarihang mga bansa ay magpalligsahan sa pananakop sa mga
di-mapapalad na mga bansa. Sa panahong ito, ang Espanya ay halos namukod sa ganitong
gawain.
(Romeo Dizon, "Ang Wika ng Makabayang
Panitikan nasa Constantino, P. at M. Atienza, 1996)

b. Sa pag-aaral ni Acuña (1997), lumalabas na mas nagiging malikhain at tumutulong sa


kognitibong pag-unlad ng bata ang paggamit ng katutubong wika sa kaniyang pag-aaral kaysa
banyagang wika.
(P. Constantino, "Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan, nasa Constantino, P. at M. Atienza, 1996)

c. Sinasabi rin sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na dapat gumawa ng nararapat na hakbang ang
gobyerno upang simulan at subaybayan ang paggamit ng wikang pambansa bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at wikang panturo sa sistemang edukasyonal, alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso.
(Ma. Ella Atienza, "Ang Pulitika sa Paggawa ng palisi ng Wika sa Konstitusyon ng 1987, nasa
Constantino, P. at M. Atienza. 1996)

You might also like