Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

1.

Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang


pakikipagkapwa dahil sa ________.
• a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
• b. kakayahan nilang makiramdam
• c. kanilang pagtanaw ng utang na loob
• d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
2. Alin sa mga pahayag ang indikasyon na ang isang ang tao
ay likas na panlipunang nilalang?
• a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang
sariling pangangailangan.
• b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
• c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at
makabuluhang alaala.
• d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang
pangangailangan.
3. Nakaalitan mo ang iyong kaklase sapagkat hindi niya
ginagawa ang tungkulin na ibinigay sa kanya bilang
miyembro ng inyong grupo. Maging ang iba mong kaklase
ay nahihirapan ding pakitunguhan ito.Paano mo
maipauunawa sa kaklase mo ang mabuting pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
a.Pagsabihan sya na baguhin ang ugali nya
b.Alisin siya sa grupo
c.Bigyan siya ng gawaing kaya niyang gawin
d.Kausapin ito at ipaliwanag na kailangan ang kooperasyon
ng bawat miyembo upang magawa ang layunin ng grupo
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
• a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
• b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero
sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
• c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan
natin.”
• d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa
iyo.”
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang batayan ng
marapat na pakikitungo sa kapwa?
• a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
• b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
• c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at
dignidad.
• d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-
isa.
6. Maipakikita ang makabuluhang
pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod
maliban sa______________
• a. kakayahan ng taong umunawa
• b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may
kapansanan
• c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa
lipunan
• d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
7. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na
napauunlad sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay?
•a. Panlipunan
•b. Pangkabuhayan
•c. Politikal
•d. Intelektwal
8. Ang pagtulong ay ginagawa hindi dahil
ito’y isang tungkulin o obligasyon kung hindi
ito ay kusang ginagawa. Anong uri ng
pagtulong o paglingap ang isinasaad sa
pahayag?
•a. Bukal sa Kalooban
•b. Hindi paghihintay ng kapalit
•c. May kahandaang ialay ang sarili
•d. May inaantay na kapalit
9. Paano natin mapapatunanayan na walang taong kayang
mabuhay ng mag-isa?
a.Dahil tayo ay nilalang na social being
b.Dahil bagama’t marunong tayo ng mga gawaing bahay ay
madami sa ating pangangailangan ang galing sa ibang tao.
c.Dahil di natin kayang ibigay ang ating sariling
pangangailangan
d.Lahat ng nabangit
10. Ang tao ay ipinanganak bilang social being, ibig
sabihin nito ay:
a.Hindi niya kailangan ng ibang tao sa kanyang buhay
b.Kaya niyang mabuhay ng mag-isa
c.Kinakailangan niya ng makakasama, makakausap at
makakahalubilo
d.Kailangan niya lamang ng pagkain at wala ng iba pa.
11. Ang tao ay hindi ipinanganak na solitary being, ibig
sabihin ay:
a.Hindi niya kailangan ng ibang tao sa kanyang buhay
b.Kaya niyang mabuhay ng mag-isa
c.Kinakailangan niya ng makakasama, makakausap at
makakahalubilo
d.Kailangan niya lamang ng pagkain at wala ng iba pa.
12. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
• a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
• b. dahil makakamit lamang ang tunay na
pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito
• c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at
halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
• d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng
sarili sa kapwa
13. Ayon kay _______________________isang sosyolohista,
ang mabuting pagkakaibigan ay matibay na pundasyon at
mabisang sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan
ng mga tao sa Lipunan.
a.Andrew Greeley
b.Howard Gardner
c.Manuel Dy
d.Santo Tomas de Aquino
14. Ito ang uri ng pagkakaibigan kung saan kayo
ay may parehong interes , nababahaginan ng
damdamin, isip at karanasan.
a.Casual Aquiantances
b.Frequent Aquiantances
c.Mutual Friends
d.Best Friends
15. Ito ang uri ng pagkakaibigan kung saan Malaki
ang tiwala niyo sa isa’t isa, tinatanggap niyo ang
bawat isa at Malaya kayong nagbabahagi ng inyong
opinyon at karanasan na walang takot na
mapagtawanan.
a.Casual Aquiantances
b.Frequent Aquiantances
c.Mutual Friends
d.Best Friends
16. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay
dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay
magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang
paraan ng pagre-relax?
• a. paglakad-lakad sa parke
• b. paninigarilyo
• c. pagbabakasyon
• d. panonood ng sine
17. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay
na kaniyang nakita,
• naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan
ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip.
• a. kilos
• b. mood
• c. emosyon
• d. desisyon
18. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao
ng tunay mong nararamdaman
• a. ang ating mga opinyon
• b. ang ating mga kilos o galaw
• c. ang ating ugnayan sa kapwa
• d. ang mabilis na pagtibok ng ating puso
19. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang
iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong
kilos?
• a. nailabas mo ang iyong sama ng loob
• b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
• c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
• d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
20. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong
dahilan ng iyong galit?
• a. suntukin na lamang ang pader
• b. kumain ng mga paboritong pagkain
• c. huwag na lamang siyang kausapin muli
• d. isipin na lamang na sadyang may taong
nakasasakit ng damdamin ng iba
21. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto.
Ipapasa na ito bukas. Ano ang emosyon na
ipinapakita dito?
a.Pagkagalak
b.Pagkatakot
c.Pagkagalit
d.Pag-asam
22. Mayroon kang isang matalik na kaibigan noong ikaw ay nasa
elementarya pa. Ngunit dahil magkaiba na kayo ng paaralan
ngayon ay madalang na kayong magkasama. Paano pa kaya
mapapanatili ang inyong pagkakaibigan?
• a. Bahala na kung kailan ulit muling magkita

• b. Bisitahin ito araw araw

• c. Gumawa ng liham pangkaiban o gamitin ang social media


para mapanatili ang magandang kumunikasyon at
pagkakaibigan
• d. Magpadala ng maraming pera sa kanya
23. Mothers’Day na sa Linggo.
Sorpresahin natin si Nanay.
a.Pagkagalak
b.Pagkatakot
c.Pagkagalit
d.Pag-asa
24. Ang pagmamahal, paghangad, pagkatuwa, at
pag-asa ay mga halimbawa ng anong uri ng
damdamin?
• a. Nagpapahirap ng damdamin
• b. Nakasisiya ng damdamin
• c. Spiritwal na damdamin
• d. Sikikong damdamin
25. Pinaratangan ka ng iyong kaklase na ikaw ang kumuha
ng nawala niyang pera. Paano mo mapapamahalaan nang
maayos ang iyong emosyon?
• a. Suntukin agad ito para tumigil na
• b. Tingnan ito ng masama
• c. Sigawan ng malakas na hindi ka magnanakaw
• d. Maging kalmado at iparating sa iyong guro ang isyu.
26. Naku! Nandyan na naman ang laging
nanunukso sa akin. Huwag ninyo akong itututro
sa kanya.
a.Pagkagalak
b.Pagkatakot
c.Pagkagalit
d.Pag-iwas
27. Malapit ng umuwi si Tatay. Ano
kaya ang kanyang Pasalubong?
a.Pagkagalak
b.Pagkatakot
c.Pagkagalit
d.Pag-asam
28. Maraming pagkakaibigan ang nagsisimula sa
pagitan ng mga taong naglalaro or anu pamang
ginawa ng magkasabay. Anong element na ito ng
kailangan sa pakikipagkaibigan?
a.Presensiya
b.Paggawa ng bagay ng magkasama
c.Pag-aalaga
d.Katapatan
29. Ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito,
“No man is an Island”
a.Walang taong kayang mabuhay sa isang isla
b.Walang taong nabubuhay ng mag-isa
c.May taong kayang mabuhay ng mag-isa
d.May taong kayang mabuhay kahit walang
tutulong sa kanya
30. Anu ang gumugulo sa isip mo? May
maitutulong ba ako? Ano ang ipinapakitang
emosyon sa pahayag na ito?
a.Pag-aalala
b.Pag-asa
c.Pag-iwas
d.Pighati
1. A 11. C 21. B
2. D 12. C 22. C
3. D 13. D 23. A
4. C 14. C 24. B
5. C 15. D 25. D
6. C 16. B 26. B
7. B 17. C 27. D
8. A 18. D/B 28. B
9. D 19. D 29. B
10. C 20. C 30. A

You might also like