Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 103

Panimulang Balarila:

Palatuntunang Minimalismo

Mga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino

Resty Cena

Aralin 3: Balangkas
Layunin

 Pag-uusapan natin sa kabanatang ito ang


pagbuo ng mga balangkas na sintaktik
“syntactic structures”.
Balangkas at Pagbalangkas

 Balangkas: tumutukoy sa mga sangkap at sa


relasyon o pagkakaugnay ng mga sangkap
 Pagbalangkas: tumutukoy sa pagbuo at
pagbago ng balangkas
 Minimithing katangian ng isang sistemang
gramatika:
pinakakakaunting anyo ng balangkas at
pinakakakaunting paraan ng pagbalangkas
Pagbuo ng Balangkas: Parirala

 Pagpisan “merging”
Pinakasimpling paraan ng pagbuo ng parirala
ang pagpisan ng dalawang salita
tanong: Ano ang gusto mo?
sagot: Uminom niyan.
Halimbawa ng pagpisan ng dalawang salita ang
sagot na “Uminom niyan”
Pagsasagisag ng Balangkas ng
Parirala
 Dalawang paraan ng pagsasagisag ng
balangkas ng parirala:
 Markadong panaklong “labelled bracketing”:
Ang mga panaklong ay may marka ng
kategoryang sintaktik.
[vp [v uminom ] [prn niyan ] ]
VP “verb phrase” = pariralang pandiwa
V “verb” = pandiwa
PRN “pronoun” = panghalip
Pagsasagisag sa Balangkas

1. Tree diagram
VP
/ \
V PRN
uminom niyan

 Magkatumbas ang markadong panaklong at


tree dayagram; pareho sila ng tinataglay na
impormasiyon
Pagsasagisg ng Balangkas

 Pagbasa ng sagisag ng balangkas:


 Ang uminom niyan ay isang pariralang
pandiwa (VP).
 May dalawang sangkap “constituent” ang
parirala: ang pandiwang (V) uminom at ang
panghalip (PRN) na niyan.
 Ang pandiwang (V) uminom ang ulo “head”
ng buong parirala.
 Ang panghalip na niyan ay kaganapan
“complement” ng ulo.
Katudlaan

 Ang pariralang uminom niyan ay isang


katudlaan “projection” ng pandiwang uminom.
 Ang ibig sabihin, ang pariralang uminom niyan
ay isang malaking pahayag na nagbuhat sa
pagpisan ng dalawang sangkap -- ang
pandiwang uminom bilang ulo, at ang panghalip
na niyan bilang kaganapan.
 Ang itinutudla ay ang kaariang pangbalarila ng
ulo.
Ulo ng Parirala

 Ang ulo ng katudlaan o parirala ang nagtatakda


ng kaariang pangbalarila “grammatical
properties” ng buong parirala.
 Halimbawa, ang uminom ay nangangailangan
ng kaganapan, na ibinigay naman ng salitang
“niyan”.
 Uminom niyan

“Kailangan ko “Hey, I’m your


ang layon.” layon.”

 Hindi “tapos” ang parirala kung walang layon.


Relasiyon ng Ulo, Kaganapan,
at Katudlaan sa Isa't Isa
 Makakatulong ang larawan sa ibaba para
matandaan ang relasiyon sa isa't isa ng ulo,
kaganapan, at katudlaan.

Katudlaan “Projection”
/ \
Ulo “Head” Kaganapan “Complement”
Parirala ay Sangkap ng Parirala

 Hindi lahat ng sangkap ng parirala ay mga


payak na salita lang. Ang parirala mismo ay
maaring maging isa sa mga sangkap.
tanong Bakit narito ka?
sagot Para [uminom niyan]
 Ano ang ulo ng pariralang Para [uminom niyan]
Sagot: para
 Ano ang kaganapan ng ulo?
Sagot: ang pariralang [uminom niyan]
 Ano ang katudlaan?
 Sagot: ang buong pariralang [para [uminom niyan]]
Para

 Katumbas ang “para” sa “para uminom niyan”


ng infinitival particle “to” ng Ingles:
to drink, to go
 Tatawagin natin itong infinitival particle, o
partikulong pangpawatas, na ang daglat ay T
 Ang katudlaan ay tatawagin nating pariralang
pawatas, na ang daglat ay TP.
Para

TP katudlaan
/ \
T’ VP
para uminom niyan

Babala: Hindi kompleto ang balangkas.


Pariralang Pawatas

 “para uminom niyan”


 Pariralang pawatas “infinitive tense
phrase/TP” ang buong parirala sapagkat ang
ulong para ay nangangailangan ng pawatas na
pandiwa.
 Kapag hindi pawatas ang pandiwa, masama
ang tunog ng pangungusap, gaya ng
halimbawang (b) sa ibaba.
(a) Narito ako para uminom niyan. (pawatas
ang pandiwa)
(b) Narito ako para *iinom/*umiinom
niyan. (di-pawatas ang pandiwa)
Pariralang VP at Pariralang TP

 Magkaibang gamit ng pariralang TP “tensed


phrase” (halimbawa, para uminom niyan) sa
pariralang VP “verb phrase” (halimbawa,
uminom niyan).
Kailangan ko ang TP ako, kaya ok
kaganapang TP tayo.

(1) (a) Nabu(bu)hay siya para uminom niyan.


(b) *Nabu(bu)hay siya na uminom niyan.

Hindi TP ako VP, kaya di


tayo ok.
Kailangan niya ang VP ito, kaya
kaganapang VP ok

(2) (a) Nasa(sa)bik siya na uminom niyan.


(b) *Nasa(sa)bik siya para uminom niyan.

Hindi VP kundi TP,


kaya di ok.
 Isa pang tingin: Binubuo ang katudlaang/pariralang
pawatas na para uminom niyan
 ng mga sangkap na para, isang partikulong
pawatas/T “infinitival tense particle”,
 at ng pariralang pandiwang uminom niyan.
 Ulo ng katudlaan ang para, at ang kaganapan ng para
ay ang pariralang pandiwang uminom niyan.
TP
/ \
T VP
para / \
V PRN
uminom niyan
Pagbuo ng Balangkas

 Bumubuo ng balangkas sa pamamagitan ng sunud-


sunod na pagtambal ng mga sangkap, dala-dalawa,
para makabuo ng palaki nang palaking balangkas
a
/ \
b c
/ \
d e
/ \
f g
Tanong: Ano ang dahilan ng buhay?
Sagot: Nabubuhay para uminom niyan.
 Ano ang dalawang sangkap ng “Nabubuhay
para uminom niyan”?
 Sagot: [nabubuhay], [para uminom niyan]
 Alin ang ulo? Alin ang kaganapan?
 Sagot: Ulo: nabubuhay, Kaganapan: para
uminom niyan
 Ano ang maitatawag sa parirala?
 Sagot: Ano ba ang kategorya ng ulo?
Nabubuhay para uminom niyan.
VP
/ \
V TP
nabubuhay / \
T VP
para / \
V PRN
uminom niyan

Paikot “recursive” ba ang balangkas? Bakit?


Universal Grammar

 Prinsipiyo ng Pang-ulo “Headedness Principle”


Bawat balangkas ay katudlaan ng isang pang-
ulong salita.
“Every syntactic structure is a projection of a
head word.”

X’
/ \
X

The structure X’ is a projection of X.


 Prinsipiyo ng Tambalang Sanga “Binarity
Principle”
Bawat balangkas ay tambalang sanga.
“Every syntactic structure is binary-branching.”

X’
/ \
The structure X’ consists of two branches.
 Ipinahihiwatig ng Pang-ulong Prinsipiyo na ang
anyo at kilos ng balangkas ay batay sa mga
katangian ng ulo ng balangkas.

 Ipinahihiwatig naman ng Tambalang Prinsipiyo


na ang balangkas ay binubuo ng dalawang
sangkap lamang.
Sugnay

 Ano ang kailangan ng isang parirala para


maging pangungusap?
Sagot: simuno
 Iisa lang ang paraan ng pagbuo ng bagong
balangkas. Ano ito?
Sagot: pagsiping ng dalawang sangkap
“merger”
 Paano natin mapapalitaw ang simuno sa
pamamagitan ng pagsiping “merger”?
Sugnay

Pansinin
(b) *Bumuhay ng halaman.
(c) Bumuhay ng halaman si Ben.
(d) *Bumulas.
(e) Bumulas ang halaman.
 Kailangan ng (a) at (c) ang isang simuno.
Aling bahagi ng pangungusap ang nanghihingi
ng simuno?
 Sagot: Ang panlaping –um- ng pandiwa
 Anong tungkulin ang ipinahahayag ng –um-
Sagot: Isa ito sa mga tinatawag na panlaping
pangtampul “focus affixes”. Ipinahahayag nito
kung anong uri ng simuno ang kailangan ng
pandiwa.
 Ang –um- ay hindi “ganap” kung walang
pandiwa.
 Sapagkat naghahanap ng kaganapan, ang –
um- ay isang ulo na ang kaganapan ay ang VP.
Panlapi ng Pandiwa ay Ulo

T' T-bar (katudlaang pangpagitan)


/ \
T VP VP = Kaganapan ng T
um / \
V NP
buhay / \
ng halaman
Simuno

 Ang T’ ay may kaganapan – isang pariralang


nagsisilbing pantiyak “specifier” ng TP.
 Ang pantiyak ng TP ay nanunungkulan bilang
simuno ng pangungusap.
 Ang TP ay isa pang katudlaan ng T.
TP Tinig Parirala

TP TP = Tinig Parirala
/ \
T’ PRN TP = maliit na Tinig Parirala
/ \ ka o “T-bar”
T VP T = Tinig
um / \
V NP
buhay ng halaman
 Ang kaganapan ng T’ na PRN ay pantiyak
“specifier ng TP. Ang TP ay katudlaan ng T.
Tatlong Katudlaan

TP mataas na katudlaan
/ “maximal projection”
T’ pangpagitang katudlaan
/ “intermediate projection”
T mababang katudlaan
“minimal projection”
Kategorya ang T, T’, TP. Anong uri ng kategorya?
Sagot: Kategoryang matungkulin.
Prinsipiyo ng Pinalawak na Katudlaan
“Extended Projection Principle”

 Paano ipapaliwanag ang simuno bilang


katudlaan ng T?
Ito’y bunga ng isang prinsipiyo ng UG:
Prinsipiyo ng Pinalawak na Katudlaan
Ang sangkap na Tinig T ay kailangang palawakin sa
isang katudlaang TP na nagtataglay ng simuno.
“A finite tense constituent T must be extended into a
TP projection containing a subject.”
Pagsusulit: Pagbuo ng Balangkas

 Ano na ang paraan ng pagbuo ng balangkas?


Sagot: Ang paulit-ulit na pagsiping ng mga
sangkap, dala-dalawa.
Paulit-ulit na Siping

TP
/ \
T' PRN
/ \ siya
T VP
na- / \
V TP
buhay / \
T VP
para / \
V PRN
uminom niyan
CP

 tanong Ano ang sabi ni Ben?


 sagot Na nabu(bu)hay siya para uminom niyan.

 Ulo ba ang na? Kung ulo, ano ang kaganapan


nito?
Sagot: [nabubuhay siya para uminom niyan]
CP

CP
/ \
na TP
/ \
T' PRN
/ \ siya
T VP
na- / \
V TP
buhay / \
T VP
para / \
V PRN
uminom niyan
 Ang parirala, sugnay, at pangungusap lahat ay
balangkas na may ulo “headed structures”.
Ano ang ulo ng …
 parirala VP buhay para uminom niyan
sagot: pandiwang buhay
 pangungusap TP na Nabubuhay siya para
uminom niyan
sagot: tinig T na-,
 sugnay CP na na nabubuhay siya para uminom
niyan
sagot: pangganap C na na.
Isang Balangkas

 Iisa ang balangkas ng parirala, sugnay, at


pangungusap. Lahat sila ay parirala:

pariralang pandiwa VP,


pariralang pangtinig TP, at
pariralang pangganap CP.
XBar Structure

 Isang anyo para sa lahat ng balangkas


XP malaking katudlaan “maximal projection”
/ \
X' pampagitang katudlaan “intermediate projection”
/ \
X pinakamaliit na katudlaan
“minimal projection” o pang-ulo “head”

(Hindi pa kompleto ang diagram)


XBar

 May iba-ibang label ang mga sanga batay sa


uri ng ulo.
Kung ang ulo ay pandiwa V, ano ang katudlaang
panggitna? Ano ang pinakamataas na katudlaan?
Kung ang ulo ay tinig T, ano ang katudlaang
panggitna? Ano ang pinakamataas na katudlaan?
Kung ang ulo ay pangganap C, ano ang katudlaang
panggitna? Ano ang pinakamataas na katudlaan?
 Mayroon pa kayang ibang salitang pang-ulo na
ganito ang anyo ng katudlaan? Tingnan natin
ang sagutan sa ibaba.
tanong Saan sila uminom?
Sagot
(a) Sa bahay.
(b) Doon sa bahay.
(k) Mismong doon sa bahay.
Pariralang Pang-ukol

 Kung babalangkasin natin ang “sa bahay”, ano


ang ulo? Ano ang kaganapan?
Balangkas ng “sa bahay’
DP
/ \
D N
sa bahay
DP = pariralang pang-ukol “determiner phrase”
D = pang-ukol “determiner”,
N = pangngalan “noun”
 Pagsipingin natin ang pantukoy na doon at
DP. Ano ang ulo? Ang pinakamalaking
katudlaan?
PP
/ \
P DP
doon / \
D N
sa bahay
PP = pariralang pantukoy “prepositional phrase”
P = pantukoy “preposition”
Balangkas ng “mismong duon sa bahay”
PP
/ \
ADV P'
mismo+ng / \
P DP
doon / \
D N
sa bahay
 Ang ADV ay gumaganap ng tunkuling pantiyak
“specifier”. Ulo ito ng kaganapang doon sa bahay.
TP at PP Pareho ang Balangkas

(a) TP (b) PP
/ \ / \
specifier T' specifier P'
/ \ / \
T complement P complement
XBar, Pati Specifier

 Kung ang tinutukoy natin ay kahit na anong


parirala, gagamitin ang kategoriyang X, X', at
XP.
XP
/ \
specifier X'
Isang balangkas para sa
/ \
lahat ng parirala, sugnay,
X complement pangungusap … oh my! ang
dali ng syntax
Pariralang Pang-uri (AP)

 Ano ang ulo ng pariralang pang-uri?


 Ano ang panggitnang katudlaan?
 Ano ang pinakamalaking katudlaan?
Pariralang Pang-uri (AP)

 tanong (a) Ano ang pakiramdam ngayon ni Ben?


 sagot (b) Uhaw sa inom.
(c) Tunay (na) uhaw sa inom.
 Sa puntong ito, madali na nating mahuhulaan
na ang uhaw sa inom sa (b) ay katudlaang
pang-uri (AP), na itinutudla ng pang-uring uhaw.
Pariralang Pang-uri (AP)

tunay na uhaw sa inom

AP
/ \
ADV A'
tunay (na) / \
A DP
uhaw / \
D N
sa inom
AP

 Isang katibayan nagpapatunay sa pagsusuring


ito ay ipinakikita ng mga pangungusap sa
ibaba.
(a) Pinagdudahan si Ben na tunay na uhaw sa
inom.
(b) *Uhaw sa inom, pinagdudahan si Ben na tunay.
(k) Na tunay na uhaw sa inom, pinagdudahan si
Ben.
 Ano nga ang pinatutunayan ng mga
pangungusap na ito?
Pariralang Pangngalan (NP)

 Ang pariralang pangngalan ay maari ring


mabigyan ng katumbas na pagsusuri.
Tanong: Ano ba itong nasa supot?
Sagot: (a) Libro para kay Ben.
(b) Bagong libro para kay Ben.
Ano ang ulo ng parirala?
Ano ang kaganapan ng ulo?
Ano ang panggitnang katudlaan?
Ano ang pinakamalaking katudlaan?
Ano ang pantiyak?
NP

bagong libro para kay Ben

NP
/ \
A N'
bago+ng / \
N PP
libro / \
P DP
para kay Ben
Lipat
 Suriin ang mga pangungusap na ito:

(1)(a) Natulog si Ben doon sa bahay.


(b) Doon sa bahay, natulog si Ben.
(2)(a) Natulog si Ben mismong doon sa bahay daw.
(b) *Doon sa bahay daw natulog si Ben mismo.
(c) Mismong doon sa bahay daw natulog si Ben

 Bakit naililipat ang “doon sa bahay” sa (1)(b),


pero hindi sa (2)(b)?
 Kahigpitan ng Paglipat ng Katudlaan
Sa isang parirala o katudlaan, maililipat lang
ang pinakamalaking katudlaan.

 Kontra-halimbawa?
Pagsusulit sa Balangkas

 Paano malalaman kung tama ang


pagbalangkas?
 Halimbawa, buong balangkas ba ang mga
salitang naguguhitan sa ibaba?
Bumili si Ben ng iPod para sa anak.
Bumili si Ben ng iPod para sa anak.
 Isang test ng balangkas: pag-uugnay sa
pamamagitan ng “coordinate construction”. Ano
ang isang katangian ng mga balangkas na
maaaring pag-ugnayin?
Sagot: magkatumbas ang balangkas.
Halimbawa:
[pupunta] o [uuwi]
[mahilig sa pasyal] at [takot sa trabaho]
[Sundalo si Ben] at [mangingisda si PJ]
 Bakit magkatumbas ang [para sa anak] at [para
mag-aral ito] sa (a)?
(a) Bumili si Ben ng iPod [para sa anak] at [para
mag-aral ito].
 Bakit hindi tinatanggap ang (b)?
(b) *Bumili si Ben ng iPod para [sa anak] at [mag-
aral ito].
 Ayos ba ang mga pangungusap sa ibaba?
(a) Ang mayor ay nagbitiw mula [sa kompanya] at [sa
pamahalaan].
(b) Ang mayor ay nagbitiw [mula sa kompanya] at
[mula sa pamahalaan].
(k) Ang mayor ay [nagbitiw mula sa kompanya] at
[naglakbay sa Palawan].
 Bakit masama ang pangungusap na ito?
(a) *Ang
[mayor ay nagbitiw mula sa kompanya] at
[kompanya ay pinalitan na siya].

Sagot: Hindi buong sangkap ang pinag-


uugnay. Walang tanong na maaring sagutin
ng mga sangkap na pinag-uugnay sa (a),
halimbawa:
tanong ?
sagot Mayor ay nagbitiw mula sa kompanya
tanong ?
sagot Kompanya ay pinalitan na siya
 Paano iwawasto ang (a)?
(b) [Ang mayor ay nagbitiw mula sa kompanya] at [ang
kompanya ay pinalitan na siya].
 May tanong na maaring sagutin ng mga
sangkap na pinag-uugnay sa ()(b):
tanong Ano ang ginawa ng mayor?
sagot Ang mayor ay nagbitiw mula sa kompanya.
tanong Ano ang ginawa ng kompanya?
sagot Ang kompanya ay pinalitan na siya.
Test sa Balangkas

 Isa pang test sa balangkas: palitan


“substitution”
Kung ang isang lipon ng mga salita ay
napapalitan ng isang salita o parirala, ang lipon
ng mga salita ay malamang na isang buong
sangkap. Halimbawa
(a) Nagbitiw sa katungkulan ang mayor, at nakatira
siya ngayon sa Palawan.
(b) Nagbitiw sa katungkulan ang mayor, at tutuo
naman ito.
Test sa Balangkas

 Isa pang test sa balangkas: pagpuno sa


puwang “gap-filling”. Kapag napupuno ng isang
salita o lipon ng mga salita ang isang puwang
“gap”, ang salita o lipon ng mga salita ay isang
buong sangkap.
Buong sangkap ba ang “tumao sa tindahan”?
Bakit?
(a) Tumao si Ben sa tindahan, at si Nori rin [ ]
Sagot:
Sapagkat mapupuno nito ang puwang:
(b) Tumao si Ben sa tindahan, at si Nori rin [tumao
sa tindahan]
Test sa Balangkas

 Bakit hindi naililipat sa unahan ang “tumao si


Ben sa tindahan”? Samantalang isang buong
sangkap ito?
(a) Hiniling ng nanay na tumao si Ben sa tindahan.
(b) Na tumao si Ben sa tindahan, hiniling ng nanay.
(c) *Tumao si Ben sa tindahan, hiniling ng nanay na.
 Sagot: sapagkat hindi ito ang pinakamalaking
katudlaan sa pariralang nililitawan nito.
 Ano ang pinakamalaking katudlaan sa pariralang
sumasakop sa “tumao si Ben sa tindahan”?
Relasyong Sintaktik

 Mabisang panglarawan ng balangkas ng mga


sangkap “constituent structures” ang tree
dayagram. Ngayon, uusisain nating maigi ang
mga ugnayan ng mga sangkap ng tree
diagram.
A PP
/ \ / \
B C P DP
f / \ / / \
D E para D N
/ \ / \
g h sa nanay
 Tinatawag na bininyagang buko “labelled
node” ang sugpungan ng mga sanga ng
diagram sapagkat may pangalan ang bawat
buko.
 Sa diagram sa itaas, ang bukong A ay
tinatawag na ugat “root”. Walang sanga
“branch” mula sa itaas na tumutungo sa ugat.
 Ang mga buko sa itaas na minarkahan na f, g,
h, ay tinatawag na dulong buko “terminal
node”. Walang sanga na nanggagaling sa mga
dulong buko.
 Sa pagitan ng ugat at dulo nakahanay ang mga
pagitang buko “intermediate nodes”.
 Ang ugat at pagitang buko ay tinatawag na bukong
sintaktik “syntactic node”. Nagtataglag ng
impormasiyong sintaktik ang mga bukong sintaktik.
Halimbawa, sa diagram sa kanan sa itaas, ang PP
(pantukoy na parirala), P (pantukoy), DP (pang-ukol na
parirala), D (pang-ukol), at N (pangngalan).
 Ang mga dulong buko naman ay bukong leksikal
“lexical node”. Nagtataglay ng mga impormasyong
leksikal ang mga bukong leksikal.Halimbawa, sa
dayagram sa kanan sa itaas, ang mga salitang para,
sa, at nanay.
 Ang buko na may buko sa ilalim ay tinatawag na inang
buko. Ang mga buko sa ilalim ay mga anak “children”
ng nasabing buko. Nakapaloob ang bukong anak sa
bukong ina. Sa dayagram sa kaliwa, ang lahat ng buko
ay anak ng ugat A. Ang mga bukong D, E, g, h ay mga
anak ng C. Walang anak ang mga bukong f, g, h.
 Ang mga buko na may isang ina ay magkapatid,
halimbawa, ang bukong B at C sa itaas.
 Ang mga buko na immediately nasa ilalim ng isang
buko ay ang mga immediate constituents ng
nasabing buko. Sa itaas, ang immediate constituents
ng A ay B at C.
Mando
 Mando “c-command (constituent-command)”:
Minamandohan ng sangkap X ang kapatid na sangkap Y
at ano mang sangkap na nakapaloob sa Y.
A
/ \
X Y
/ \
Z ...
/

Mando

 Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa tree


diagram sa itaas
2. May minamandohan ba ang A? Bakit?
Walang minamandohan ang A sapagkat walang
kapatid ito.
4. Bakit minamandohan ng B ang C?
Minamandohan ng B ang C sapagkat kapatid ito ng B,
6. Ano pa ang minamandohan ng B?
at minamandohan din ng B ang lahat ng anak ng
C (ang mga bukong D, E, g, h).
Mando

 Ano ang minamandohan ng C?


Minamandohan ng C ang B, sapagkat kapatid ito
ng C, at minamandohan din ng C ang lahat ng
anak ng B (ang bukong f).
 Ano ang minamandohan ng D?
Minamandohan ng D ang E at h, at
minamandohan ng E ang D at g.
 Ano ang minamandohan ng f, g, h?
Walang minamandohan ang f, g, h sapagkat
walang kapatid ang mga ito.
Mando

 Parang pamilyang Pilipino! Kung may mga


kapatid ka, may mamamandohan. Lalong
maraming mamamandohan kung may mga
anak ang mga kapatid mo, at may mga anak
ang mga anak ng mga kapatid mo...
 Taliwas sa talagang pamilya, ang ina ay hindi
nakapagmamando sa anak!

Mamamandohan ka ba ng mga kapatid mo?


Mamamandohan ka ba ng mga anak ng mga
kapatid mo?
Tanging Primitibong Relasyon sa
Balarila

 Napakahalagang konsepto ang mando “c-


command” sa balarila ng maraming wika.
Katunayan, sinasabing ang
2. mando “c-command” at
3. Laman-ng-loob “containment”
ang dalawang tanging primitibong relasiyon
sa balarila.
Gamit ng Relasyong Mando

 Pasarili “reflexive”. Isang expression na nakatali


sa isa pang expression. Ang reflexive ay
tinatawag na anaphora at ang tumatali ay ang
antecedent.

Inahit ni Ben ang kanyang sarili.

Tumatali Nakatali
“antecedent” “anaphora”
Anaphor

 Tuntunin ng anaphor na
(a) nakatali “bound” ang anaphora (halimbawa,
pasarili “reflexvie”) sa isang tumatali
“antecedent or referrent”
(b) at ang nakatali at tumatali ay kailangang
magkasuno sa isang sugnay
[sugnay Tumatali … Nakatali … ] OK ito!
Tumatali [sugnay … Nakatali … ] Di OK ito!
[sugnay Tumatali … ] Nakatali Di OK ito!
In generative grammar, the term anaphor is used to refer to
English's reflexive and reciprocal pronouns, and
analogous forms in other languages. Anaphors in this
sense must have strictly local antecedents, because they
receive their reference via the local syntactic operation
(or rule of interpretation) known as binding
Halimbawa ng Tumatali at Nakatali
Alin na ang Tumatali at alin ang Nakatali?
 Sumisi si Ben sa kaniyang sarili.
 Sumisi si Ben sa sarili at sumisi si Bong sa
kanyang sarili (= Bong)

Bakit hindi tama ang (c)?


(c) Sumisi si Ben sa sarili at sumisi si Bong sa kanyang
sarili ( * = Ben).
Bakit hindi tama ang (d)?
(d) Sumisi si Ben sa *kanilang sarili.
Saligang Mando sa Pagtatali
“C-command condition on binding”
Ang isang Nakatali ay kailangang minamandohan
ng angkop na Tumatali.
“A bound constituent must be c-commanded by an
appropriate antecedent.”
Gamit ng Mando sa Pagpapaliwanag

 Suriin ang gamit ng “himself” sa ibaba.


(a) The mayor may blame himself.
(b) *Supporters of the mayor may blame himself.
Bakit hindi tinatanggap ang (b)?
Sa (b) bakit hindi maaaring Tumukoy ang
mayor sa “himself”?
The mayor may blame himself.
TP
/ \
DP T'
/ \ / \
D N T VP
the mayor may / \
V PRN
blame himself

Does “the mayor” c-command “himself”?


Sumusunod ba ang relasyon ng “mayor” at “himself” sa
c-command condition on binding?
*Supporters of the mayor may blame himself.
TP
/ \
NP T'
/ \ / \
N PP T VP
Supporters / \ may / \
P DP V PRN
of / \ blame himself
D N
the mayor

Does “the mayor” c-command “himself”?


Sumusunod ba ang relasyon ng “mayor” at “himself” sa c-command
condition on binding?
 Nag-a-apply kaya sa Tagalog ang c-command
condition on binding?
Ayos ba ang pangungusap na ito? Bakit, o bakit
hindi?
 Sinisi ng mga tumataguyod sa mayor ang sarili
TP
/ \
T' DP
/ \ / \
T VP D PRN
-in / \ ang sarili
V DP
sisi / \
ng NP
/ \
N PP
mga tumataguyod / \
P N
sa mayor
 Minamanduhan ba ng mayor ang sarili?
Kahalagahan ng ginagamit nating
pamamaraan:
Mayroong isang pormal na sistema na
nagbibigay ng kasangkapan, pamamaraan, at
tuntunin para maipaliwanag ang grammatical
phenomena.
kasangkapan – x-bar structure
pamamaraan – c-command relation
tuntunin – c-command condition on binding
 Kung ang pangungusap na may pasarili ay
hindi gramatikal, ipinaliliwanag ito ng c-
command condition on binding.
 Kung ang pangungusap na may pasarili ay
gramatikal, ipinaliliwanag ba ang pagiging
gramatikal ng c-command condition on binding?
Sinisi ni Ben ang sarili.
Gramatikal ito. Ipinaliliwanag ba ito ng c-
command condition on binding?
Sinisi ni Ben ang sarili
TP
/ \
T' DP
/ \ / \
T VP D PRN
-in / \ ang sarili
V DP
sisi / \
D N
ni Ben

Minamandohan ba ng ni Ben ang ang sarili?


 Dahil sa nilalabag nito ang CCCB, ang
pangungusap na ito ay hindi dapat na
gramatikal, pero ito ay gramatikal. Paano
maipapaliwanag ito?
 Sa pagsusuri ng Filipino, gagamit tayo ng mga
paraang laki at subok sa ibang wika.
 Maaaring lapat ang paraan sa ating wika,
maaring hindi.
 At kung hindi?
 May halaga rin naman ang mga sablay na
resulta:
Ano ang mayroon o wala sa ating wika na
humaharang sa CCCP?
 May pagkakataon tayong makatulong para
mapino ang CCCP, o kaya'y maipakitang isang
pahayag ito na hindi maaring maging unibersal.
Pangungusap na Walang Pandiwa

 Ang balangkas ng mga pangungusap na may


panaguring pandiwa ay isang katudlaan ng
Tinig “voice”. Ano naman ang balangkas ng
mga pangungusap na ang panaguri ay hindi
pandiwa?

(a) Magalang si Ben. (panaguring pang-uri)


(b) Mangingisda si Ben. (panaguring pangngalan)
(k) Nasa kampo si Ben. (panaguring pangtukoy)
(d) May pera si Ben. (panaguring pag-aari)
 Pandiwa
 Nagpapahayag ng Tinig.
 Panlaping pangtinig: i-, -um-, -in, -an

 Pang-uri
 Nagpapahayag ng Katangian.
 Panlaping ma-, sing-,
AttrP
/ \
Attr' DP
/ \ / \
Attr A D N
ma- galang si Ben

(AttrP = attributive phrase “pantanging parirala”)


(Attr' = attributive bar “pantanging tuldik”)
(Attr = attribute head “pantanging pang-ulo”)
 Panaguring Pangngalan
 Naghahayag ng identity
 Mga Panlapi

• Wala, kung pangngalang ugat


• Mang+Redup
• Taga
 Sundalo si Ben.
NomP
/ \
Nom’ DP
/ \ si Ben
- Nom
sundalo
Mangingisda si Ben.
NomP
/ \
Nom' DP
/ \ si Ben
Nom DP
mang- isda

Ignore reduplication for now.


 Mangingisda si Ben.
NomP
/ \
Nom’ DP
/ \ si Ben
Nom TP
[redup] / \
T’ DP
/ \ si Ben
T VP
mang / \
- DP
isda
 Panaguring Pangtukoy
 Nagpapahayag ng kaukulan
 Panlaping na-
Nasa kampo si Ben.
PP
/ \
P' DP
/ \ si Ben
P DP
na- / \
D NP
sa kampo
 Panaguring Pangmayroon “existential
predicate”
Nagpapahayag ng pagkakaruon
Partikulong may(roon), wala
May pera si Ben
ExistP
/ \
Exist' DP
/ \ si Ben
Exist N
may pera
(ignore)
May pera si Ben.
ExistP
/ \
Exist' DP
/ \ si Ben
Exist TP
may / \
T’ DP
/ \ si Ben
T V’ (VP has been pruned)
in / \
V NP
[ari] pera
(ignore)
May pera duon kay Ben.
ExistP
/ \
Exist' DP
/ \
Exist TP
may / \
T’ DP
/ \
T VP
- / \
V’ NP
/ / \
V N PP
- pera duon kay Ben
 Tatawagin nating pang-ulo ng pangungusap
ang mga sangkap na tinig, tangi, tukoy, at ari.
Panaguri Ulo
pandiwa tinig Uminom si Ben.
pang-uri tangi Magalang ang sundalo.
pangngalan ? Tagaluto si Nori.
pangtukoy tukoy Nasa dagat ang ama.
pag-ari ari May baril ang sundalo
 Paano susuriin ang:
Bukas ang pasko.
Pito sila.

You might also like