Maikling Kuwento at Nobelang Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Maikling kuwento at

Nobelang Filipino
Isang asignatura sa Pakadalubhasa sa Filipino
MC LIT. 103
Ang maikling kuwento ay maikli at
masining at isang upuan at sandaling
panahon lamang ang ginugugol, agad
matutunghayan, mababasa at kapupulutan
ng aral, pananabik at aliw.

Deogracias A. Rosario-ama ng maikling


kuwento ng Pilipinas
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may
layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa.

Ayon kay Edgar Allan Poe (Ama ng Maikling Kuwento sa


buong mundo) “ isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na
naganap o maaring maganap”
Mga elemento ng maikling kuwento:
mayroong labing-isang elemento ang Maikling kuwento. Ito ang mga sumusunod:

1. Panimula- dito naksalalay ang kawilihan ng


mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng
kuwento.
2. saglit na kasiglahan- naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang nasasngkot sa suliranin.

3. suliranin- ito ang problemang haharapin o kinahaharap


ng tauhan sa kuwento.
4. Tungalian

ang tungalian ay may apat na uri:


a. Tao laban sa tao
b. Tao laban sa sarili
c. Tao laban lipunan
D. TAO LABAN SA KAPALIGIRAN O KALIKASAN

5. KASUKDULAN – SA KASUKDULAN NAKAKAMTAN NG PANGUNAHING


TAUHAN
ANG KATUPARAN O KASAWIAN NG KANYANG IPINAGLALABANAN.

6. KAKALASAN- ITO ANG TULAY SA WAKAS NG KUWENTO.

7. WAKAS - ITO ANG RESOLUSYON O ANG KAHIHINATNAN NG KUWENTO.

8. TAGPUAN- DITO NAKASAAD ANG LUGAR NA PANGYARIHAN NG MGA AKSYON

o mga insidente . Kasama din dito ang panahon kung kailan


naganap ang kuwento.
9. Paksang diwa- ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento

10. kaisipan - ito naman ang mensahe ng kuwento.

11. banghay- ito ay ang mga pangyayari sa kuwento

Mga bahagi ng maikling kuwento


ang maikling kuwento ay may tatlong bahagi (simula, gitna at wakas)

Mga uri ng maikling kuwento

1. kuwento ng tauhan – inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

2.kuwento ng katutubong kulay- binigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan ,uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kuwentong bayan - inilalahad dito ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan

4. kuwento ng kababalaghan- dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

5. kuwento ng katatakutan- Dito pinag-uusapan ang mga salaysayng hindi kapanipaniwala.

6. Kuwento ng Madulang Pangyayari- binibigyang diin ang kapanapanabik at mahalang


pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. kuwento ng Sikolohiko- ito ang uring maikling kuwentongh buhirang isulat sapagkat
may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan . Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan
8. KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN- nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.

9. KUWENTO NG KATATAWANAN- ito ay nagbibigay –aliw at nagpapasaya


sa mababasa.

10. KUWENTO NG PAG-IBIG- ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.


• KASAYSAYAN NG MAIKLING KUWENTO SA PILIPINAS

A. PANAHON NG KATUTUBO
@Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon pa man dumating ang mga
kastila sa kapuluan.
@Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kuwentong bayan
@Tinetema ay kalikasan , diyos-diyosan.
@Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan.

Pinag-ugatan ng Maikling Kuwento


1. Mitolohiya 3. Pabula 4.
Parabula
2. Alamat 5. Kwentong Bayan
6. Anekdota
Panahon ng mga Kastila

DOCTRINA CRISTIANA- kauna-unahang aklat


Mga Halimbawa ng Maikling kwento sa panahon ng mga kastila
1. Noche Buena- ni Jose Rizal
2. Si Rosa at Rogelio ni Lope K. Santos
3. Bunga ng Kasalanan ni Cirio Panganiban- nagkamit ng unang gantimpala
noong 1920 . Ito ang unang kwentong tumatapat sa mahigpit na pangangailangan ng
banghay.

Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at nagging malaking bahagi sa kasaysayan


ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista , mandudula , mambalarila at guro pa
ng wika.
Mga nagkamit ng gintong medalya at pinakamahusay na
kwentista
1. Walang nang Lunas - ni Amado Hernandez
2. Aloha- ni Deogracias A. Rosario
3. Sugat ng Alaala ni Fausto Galauran
4. Ay, ay ni Rosalinda A. Aguinaldo
Panahon ng Amerikano
Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintong Dahon ng Panitik(1929-
1934) Sapagkat ang binigyang hugis ay ang kaanyuhan bukod sa
pagbabago ng kalamnan
Dalawang pangkat ng kwentistang Pilipino
1. unang pangkat ay manunulat sa yumakap sa istilo at pormang dayuhan o
tinatawag na makaluma
2. hayagang tumangkilik sa tradisyunal na pagsulat o tinatawag
na makabago.
Aristokrata- pangkat ng mga klasistang manunulat na naniniwalang ang
pagsulat ay isang marangal na Gawain kaya ang dapat na kumatha ay
yaong mararangal na tao, na may mararangal at elistikang mga tauhan,
Sakdalista- mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluranin
sa makalumang paraan ng pagsulat.
MGA KATANGIAN NG PANITIKAN SA PANAHAON NG
MGA AMERIKANO
1. Hangaring makamit ang Kalayaan
2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

Panahon ng Ilaw at Panitik - ganap ng nahsa ang mga


manunulat sa sining ng maikling katha.
PANAHON NG HAPON
Masasabing gintong panahon ng panitikang Filipino dahil
pinairal ang paggamit ng wikang Pambansa bilang
midyum ng pagsulat.
__Tinaguriang “kontemporaryong Maikling kwento”
Sumikat sa panahong ito ang batiking kwentistang si
Macario Pineda at napatangyag ang kanyang kwentong
Suyuan sa Tubigan.
Mga Kilalang kwentista sa panahong ito
Narciso Reyes , “ Lupang Tinubuan” nagkamit ng unang
gantimpala
Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na lupa” nagkamit ng
ikalawang gantimpala
NVM. Gonzales, “Lungsod,Nayon at Dagat-dagatan” nagkamit
ng pangatlong gantimpala
Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo-patnugot ng isang
aklat na naglalaman ng mga kwentong Ginto na nasulat sa mga
Taong 1925-1935
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

1972-1986 panahon ng Bagong Lipunan


Setyempre 21, 1972- idineklara ang Martial Law
Bagong Lipunan –pagbabagong tatag
Naging makatotohanan ang paksa ng mga ito at natuon sa tema ng Bagong lipunan.(Temang
Makabansa at paglaban sa mga naaapi.

Mga Paksain ng Maikling Kwento


1. Pagbibigay ng Lupa sa mga magsasaka.
2. Pagbabalik –balik ng mga tauhang nasasakdal na sa magugol at mausok na lungsod
3. kahirapan ng pagkakaroon ng maraming anak.
4. Mga pang-araw-araw na pangyayaring kapupulutan ng aral.

1972- nalimbag ang Himagsik:Katipunan n mga nagkagantimpalang kuwento ni Domingo G.


Landicho
1974- nalimbag ang Manwal sa Mangwawasak at iba apng Maikling Katha sa Pilipino ni
Domingo G. Landicho.
1976- ay nalimbag ang Mangwawasak at iba pang Maikling katha sa pamamalasakit ni
Epifanio San Juan.

BATAS REPUBLIKA-KASALUKUYAN (1980)


Nasa antas pa lamng ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang Filipino
noong mga Taon ng dekada 80.
Syerying ni Juan Cruz Reyes – nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca taong 1986.
Talinghaga ng Talahib ng los Indios bravos ni Fidel Rilio Jr.Pangatlong Gantipala palanca
Award.1987
Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja -unang gantimpala sa Palanca, 1988
Minero ni Noel Salongga-unang gantimpala sa Palanca, 1989
Isang Hindi Malilimutang Tanghali sa Buhay ng mga Ginoo’t Ginang ng Bitukang Manok ni
Feranando Cao. Inihalal na mahusay na kuwento 1991. Tumalakay sa magkaibang pananaw
at gawi ng mga persant mga naghaharing uri ukol sa dalawang matingkad na element ng
EDSA, rehiyon at pulitika.

Mga kilalang kwentista sa Panahon ng Bagong Lipunan


1. Lualhati Bautista- Ipinanganak sa Tondo Manila noong Disyembre 2, 1945
-isang bantog na babaeng pilipinong manunulat.
-Ilan sa mga nobela niya ay Gapo, Deakda 70, at Bata Paano ka Ginawa?
nakapagpanalo sa kanya sa Palanca award ng tatlong beses noong 1980, 1983,1984.
2.Pedro S. Dandan- Ipinanganak sa Baliwag Bulucan noong Hunyo 30, 1916.
-Nakagawa ng ilang daang akdang pampanitikan kabilang ang maikling katha,
sanaysay , tula at nobela.
3. Fidel RilioJr.

You might also like