De Dios Co1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Classroom Observation 1

FILIPINO 5
1st QUARTER/Week 2
(F5WG-Ia-e-2)

Nagagamit nang wasto ang


panghalip sa pagtalakay tungkol sa
sarili, sa mga tao,hayop, lugar,
bagay at pangyayari sa paligid; sa
usapan; at sa paglalahad tungkol sa
sariling karanasan

DJOANNA ROSA C. BAYANI


MERCY B. DE DIOS Master Teacher In-charge
Teacher 3, Grade 5 Master Teacher 2
Layunin:
● Kaalaman: Nalalaman wastong paggamit ng panghalip na
panao;
● Kasanayan: Nagagamit ang panghalip na panao sa
pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,hayop, lugar, bagay
at pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad
tungkol sa sariling karanasan; at
● Pandamdamin: Naipapamalas ang pagpapakita ng tatag
ng kalooban.
● SEL INTEGRATION: Cognitive Skills / Organizational Skills
Naipapakita ang iba’t-ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan sa pamamagitan ng dayalogo pagpapakita ng
larawan,at gamit ang graphic organizer.
Pamantayang dapat sundin sa loob ng klase:
1. Inaasahan ang pagpapakita ng paggalang sa guro at
kamag-aral. Tumayo nang tuwid at bumati ng may
buong paggalang.
2. Ipinagbabawal sa lahat ng mag-aaral ang pag-iingay.
3. Hinihikayat ang pagpapatupad ng kalinisan,
katahimikan at kaayusan sa loob at labas ng silid-aralan
Balik-aral
Tukuyin ang kasarian ng pangngalan.

1. kaibigan 2. Robert

3. Monica 4. aso

5. dukesa 6. dyaryo
MOTIBASY
ON
Basahin ang kuwento at sagutan ang sumusunod na
tanong:

Ang Aming Pangarap


ni Ruthel C. Albesa
Masayang nagkuwentuhan ang
magkakaibigan habang nasa labas sila ng
bahay ni Mariz na natutulog sa mga oras na
iyon.
Melvin: Wow! Ang galing mo palang umawit. Samakatuwid gusto mong maging
singer. Ikaw Rico, ano ang gusto mo paglaki?

Rico : Nais kong maging enhinyero. Gusto kong gumawa ng kakaibang desinyo
na mas maganda at tipid sa budget tulad ng aking Tiyo Alfredo. Siya ang
naghikayat sa akin na maging enhinyero pagdating ng panahon.

Marilou: Ako gusto ko maging dentista. Gusto kong tumulong sa mga taong may
sira ang ngipin at ayusin ang kanilang ngipin.
Mga Tanong:
1.Sino ang tinutukoy ni Melvin nang
sabihin niyang ikaw?
2.Sino ang tinutukoy ni Rico nang sabihin
niyang siya?
3.Sino ang nagsabi ng ako?
4.Paano isinulat ang simula ng pamagat,
“Ang Aming Pangarap”?
Mga Panghalip
na panao
Ang Panghalip na panao ay
panghalip na ginagamit para sa tao
lamang. Kabilang sa mga ito ang:
ako, ikaw, ko, amin, kami, kayo, atin,
niya, kanila, kita, kata, mo, kaniya at
iba pa.
Halimbawa:
Ako ay aalis bukas ng
umaga.
Nasa akin ang bolang
kristal.
Ang Panghalip na Panao ay may isahan, dalawahan
at maramihang anyo.
Ano-anong mga panghalip na panao ang
tumutukoy sa iisang tao?
Ano-anong mga panghalip ang kumakatawan
sa dalawang tao?
Alin-alin sa mga panghalip ang ginamit sa
pagtukoy sa tatlo o higit pa?
Gamitin ang mga panghalip panao sa
pangungusap
Panuto: Tukuyin ang panghalip na panao na maaaring pamalit sa mga
salitang pinili sa bawat pangungusap na nakahighlight. Isulat ang
panghalip sa itaas o sa ibaba ng mga salita.
1. Sina Andres at Amalia ay naghahanda ng maganda at
malaking pagdiriwang para sa anibersaryo ng kanilang mga
magulang.
2. Tutulong ako at ang kapatid ko na si Manuel sa paglinis ng
kanilang bahay at bakuran.
3. Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa at upuan.
4. Ang mga kaibigan mo at ikaw ay matutuwa sa mga mang-
aawit na darating mamaya.
5. Ikaw, si Amalia, at ako ay maghahanda ng mga palamuti na
magpapaganda sa okasyon.
Pangkatang gawain
Pangkatang Gawain
1. Pumili ng lider sa inyong grupo
2. Siguraduhing tahimik at iwasan ang pagtayo tayo at paglilibot
3. Gawin ng sama-sama ang gawain at siguraduhing tumutulong ang
lahat ng inyong mga kagrupo.
4. Panatilihing malinis ang pinaggawaan.
5. Ipaskil ang inyong gawain sa pisara at ipapaliwanag ng lider ng
buong husay sa inyung mga kaklase.

1. Hatiin ang klase sa 4 na grupo.


2. Ibigay ang activity card.
3. Bigyan ng 5 minuto ang bawat grupo na tapusin ang
pangkatang gawain.
4. Maghanda para sa pag-uulat.
Rubrics sa Pagmamarka
Sa tulong ng larawan, piliin mo ang angkop na pamalit sa ngalan ng
Pangkat-1 tao sa bawat pangungusap at bilugan ito.
Panuto: Isang liham ang ipinakikita sa ibaba. Salungguhitan ang panghalip na panao
Pangkat-2 nabubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga panghalip na panao sa loob ng
panaklong.

Mahal 1. ( niyang, kong, kitang ) Emily,

Kumusta 2. ( ka, siya, ikaw ) na? Pasensya na at ngayon lang 3. (ikaw, tayo, ako) nakasagot sa sulat
mo. Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan kaya abala 4. ( siya, kayo, ako ) sa pag-aaral. Ang paborito
5. ( mong, niyang, kong ) asignatura ay Science. Dahil hindi ako masyadong magaling sa Math, tinuturuan
ako ni Kuya Mio. Sana magustuhan mo ang larawan na pinadala 6. ( ko, mo, niya ) kasama ng liham na ito.
Ang buong pamilya 7. (mo, ko, niya) ay pumunta sa isang resort sa Laguna. Pati si LoloManuel sumama sa
8. ( kanila, kayo, amin ). Nahalata mo ba sa larawan na tumangkad na si Kuya Mio? Nahilig nga 9. ( sila,
siya, ka ) sa paglalaro ng basketbol. Badminton naman ang bagong hilig ko ngayon. Naalala mo ba ang
pinsan ko na si Maya? Magkaklase na 10. ( ako, siya, kami ) ngayon.

Nagmamahal,
Myra
Tingnan mo ang larawan at buoin ang usapan gamit ang panghalip na
Pangkat-3 kami, kayo, tayo at sila. Isulat sa walang lamang message balloon ang
nabuong pangungusap.
Sa pamamagitan ng Graphic Organizer sumulat ng pangungusap
Pangkat-4 gamit ang 5 panghalip na panao.
PAGLALAPAT NG ARALIN
SA PANG-ARAW-ARAW NA
BUHAY
Panuto: Isulat sa bawat patlang ang tamang panghalip.

1. Ang galing talaga ni nanay. ____________ ang


naghanda ng mga pagkain.
2. Si tatay, si nanay at ako ay magsisimba.Pagkatapos,
__________ ay kakain ng masarap na meryenda.
3. Si Mara, Maria at Marina ay magkakapatid.
_________________ ay mga mababait at magagalang.
4. Pedro ang pangalan ko. _____________ ay nakatira sa
Barangay Talipapa.
5. Ako, ikaw at si Lina ay mamimingwit sa tabi ng ilog.
Pagkatapos, _____________ ay maliligo.
PAGLALAHAT NG
ARALIN

⮚Ano ang panghalip?


Ang panghalip ay isa sa bahagi ng pananalita na inihalili o ipinapalit sa
ngaaln ng tao. Ito ay maaring panghalip na isahan o panghalip na
maramihan.

⮚Kailan ginagamit ang panghalip?


Ito ay hinahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari.
Pagsusulit

Salungguhitan mo ang angkop na


panghalip sa pangungusap.
1. Si Nat at ako ay pupunta sa lola namin. (Kami, Kayo, Tayo) ay kakain
ng masarap doon.
2. Sina Julia at Julio ay matalino. (Kami, Kayo, Sila) ay laging may
matataas na mga marka.
3. Ikaw at si Kuya Hector ang susundo sa akin. (Kami, Kayo, Sila) ang
magdadala ng gamit ko.
4. 4. Si Kuya Ian at ang kanyang kapatid ay pupunta sa Bohol. (Kami,
Kayo, Sila) ay sasakay ng barko papunta roon.
5. 5. Si ate, ikaw at ako ay uuwi bukas sa Tagum City. (Kami, Kayo,
Tayo) ay manonood ng Mutya ng Tagum.
1. Si Nat at ako ay pupunta sa lola namin. (Kami, Kayo, Tayo) ay kakain
ng masarap doon.
2. Sina Julia at Julio ay matalino. (Kami, Kayo, Sila) ay laging may
matataas na mga marka.
3. Ikaw at si Kuya Hector ang susundo sa akin. (Kami, Kayo, Sila) ang
magdadala ng gamit ko.
4. Si Kuya Ian at ang kanyang kapatid ay pupunta sa Bohol.
(Kami, Kayo, Sila) ay sasakay ng barko papunta roon.
5. Si ate, ikaw at ako ay uuwi bukas sa Tagum City. (Kami, Kayo, Tayo)
ay manonood ng Mutya ng Tagum.
Punan ng tamang panghalip
na kami, kayo, sila at tayo.
Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
Punan ng tamang panghalip na kami, kayo, sila at tayo. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.
1. Ako at si Kevin ay gigising nang maaga bukas. Magbibisikleta
__________ sa parke.
2. Narito na ang mga kaklase mo. Sasabay __________ sa iyo papunta
sa paaralan.
3. Mga bata nagbibihis pa si Andrey. Umupo muna __________ sa sofa.
4. Bryan, Kent at Patrick sa Huwebes na ang paligsahan sa sayaw. Handa
na ba __________?
5. Ang mga pinsan mo ay nasa sala. Bigyan mo muna __________ ng
malamig na inumin.
THANK YOU

You might also like