Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Kasaysayan ng Wikang

Pambansa
(PANAHON NG MGA KATUTUBO)
Teorya ng Pandarayuhan

- Kilala ang teoryang ito na wave migration


theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley
Beyer, isang antropologo noong 1916.
Teorya ng Pandarayuhan

- Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat


ng taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula
ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga
grupo ng mga Negrito, Indones at Malay.
Teorya ng Pandarayuhan

- Nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan


ng pangkat ng mga akeologo ng Pambansang
Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert
B. Fox ang harap ng isang bungo sa yungib
Tabon sa Palawan noong 1962.
Teorya ng Pandarayuhan

- Ang natagpuang bungong ito ng tao ang


nagpatunay na mas unang dumating sa
Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na
sinasabing siyang pinanggalingan ng mga
Pilipino.
Teorya ng Pandarayuhan

- Tinawag na Taong Tabon ang mga labing


kanilang natagpuan ditto. Tinatayang
nanirahan ang mga unang taong ito sa yungib
ng Tabon may 50,000 taon na ang nakararaan.
Teorya ng Pandarayuhan

- Kasama sa mga nahukay na labi ng Taong


Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng
chertz, isang uri ng quartz gayundin ang mga
buto ng ibon at mga paniki. May mga nakuha
ring bakas ng uling.
Teorya ng Pandarayuhan

- Ang mga makabagong impormasyong


nakalap noong 1962, lumalabas na unang
nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa
Malaysia at Indonesia.
Teorya ng Pandarayuhan

- Pinatunayan din nina Landa Jocano sa


kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng
Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies
noong 1975 na ang bungo na natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino.
Teorya ng Pandarayuhan

- Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri,


ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng
Taong Peking na kabilang sa Homo Sapiens o
modern man at ang taong Java na kabilang sa
Homo Erectus.
Teorya ng Pandarayuhan

- Lumipas ang maraming taon ay natagpuan ni


Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paa na
sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa
kuweba ng Callao, Cagayan na sinasabing
nabuhay 67,000 taon na ang nakalipas.
Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyo

- Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga


Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian. Ang
Austronesian ay hinango sa salitang Latin na
auster na nangangahulugang “south wind” at
nesos na ang ibig sabihin ay “isla.”
Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyo

- Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng


Arkeolohiya ng Timog Silangang Asya, ang
mga Austronesian ay nagmula sa mga isla
ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao.
Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyo

- Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon,


at pag-aasawa ay kumalat ang mga
Austronesian sa iba’t ibang panig ng
rehiyon.
Teorya ng Pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyo

- Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia


National University, ang mga Austronesian ay
nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na
nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.
-Anuman ang totoo sa dalawang teoryang
ito, isa lang ang tiyak na ang mga Pilipino ay
isa sa mga pinakaunang Austronesian.
-Kinikilala ang mga Pilipino bilang unang
nakatuklas ng bangkang may katig
-Ang mga Austronesian din ang kinikilalang
nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng
rice terracing na tulad ng Hagdan-Hagdang
Palayan sa Banawe
-Naniniwala rin ang lahing ito sa sa mga
anito na naglalakbay sa kabilang buhay
gayundin ang paglilibing sa mga patay sa
isang banga tulad ng natagpuan sa
Manunggul Cave sa Palawan.

You might also like