Kahulugan NG Ekonomiks

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

KAHULUGAN

NG
EKONOMIKS
Layunin:
1.Natutukoy ang kahulugan ng ekonomiks;
2.Nasusuri ang mga mahahalagang konsepto
ukol sa ekonomiks;
3.Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay ang
kahulugan ng ekonomiks sa pamumuhay bilang
isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan; at
4.Nakakagawa ng repleksyon ukol sa natutuhan
at reyalisasyon sa kahulugan ng ekonomiks.
PANIMULANG PAGTATAYA

1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang


oikonomeia, isang salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay
▪ A. pamamahala ng negosyo.
▪ B. pakikipagkalakalan.
▪ C. pamamahala ng tahanan.
▪ D. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas
ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating
daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating
kapwa tao.
3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga
sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
A. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng
hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang
mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
B. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
C. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin
nang wasto ang mga ito.
D. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang
magwakas ang daigdig.
4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay
may hangganan, ang
mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay
A. may hangganan din.
B. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
C. parami nang parami at walang katapusan.
D. kagaya pa rin noong unang panahon at di
nadaragdagan.
5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
A. lumiliit ang sukat ng daigdig.
B. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki
ang bilang ng mga tao rito.
C. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin
ang bilang ng mga tao rito.
D. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas
mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang
kanilang mga pangangailangan at hilig.
6. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng
ekonomiks. Ang una ay tumutukoy sa pagpapalago ng
produkto at kita ng pamilya o bahaykalakal. Ano ang
tawag sa sangay na ito?
A. makro-ekonomiks
B. maykro-enterprays
C. makro-enterprays
D. maykro-ekonomiks
7. Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay
nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan sa pagtaas ng
pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at
pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig.
Ano naman ang tawag sa sangay na ito?
A. globalisasyon
B. makro-ekonomiks
C. maykro-ekonomiks
D. kapitalismo
SURI-LARAWAN.
Think, Pair &Share
PINAGMULAN NG SALITANG
EKONOMIKS

▪Oikos – bahay/ tahanan


▪Nomos – pamamahala
 Political Economy – kilala ang
ekonomiks noon.
 17th – 18th siglo – nabigyan ng
kaukulang atensyon ang pag-
aaral ng ekonomiks.
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

▪ Robert B. Ekelund
Jr.
▪ Robert F.Herbert
“ A History of
Economic Theory
and Method” (1997)
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

▪ Aristotle
▪ Thomas Aquinas
▪ Physiocrat
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

▪ Division of Labor
▪ Oeconomicus-
Xenophon (430BCE)
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

▪ Rebolusyong Industriyal - Lumago ang kalakalan


- Manufacturing industry - Tumaas ang pangangailangan
sa basic goods
- Sumigla ang pagnenegosyo
- Tumaas ang pangangailangan
- Tumaas ang demand sa mga sa kaalaman
skilled workers
- Marami ang naghangad ng
- Makabagong pamamaraan ng maginhawang buhay
produksiyon
- Dumami ang produktong
iniluluwas
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

- ADAM SMITH (1776)


- An Inquiry into the Nature and
Causes of the Wealth of Nations
- Sistema ng pamilihan batay sa
doktrina ng kapitalismo
(Laissez-faire - patakaran ng di-
pakikialam)
- Political Economy
ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

- Alfred
Marshall
(1870)
- Principles of
Economics
Mind Mapping
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

▪ Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham


Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan
ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang
Griyego na oikonomia, ang oikos ay
nangangahulugang bahay, at nomos na
pamamahala (Viloria, 2000).
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

▪ isang agham na naglalayong pag-


aralan ang mga kilos at pagsisikap
ng mga tao at ang mgapamamaraan
ng paggamit nila ng mga limitadong
yaman ng bansa upang matugunan
ang tila walang katapusang
pangangailangan nila sa buhay.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

TRADE-OFF

VS
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

- ay tumutukoy sa halaga
ng bagay o nang best
alternative na handang
ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon
(Case, Fair at Oster,
2012).
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
ANG EKONOMIKS AT IBANG AGHAM
PANLIPUNAN

Agham Panlipunan – tumutukoy sa pag-aaral kung paano ang tao ay


nakikisalamuha sa kanyang kapwa tao at pangkat ng mga
tao sa lipunan.

Iba’t ibang hakbang sa pagsasagawa ng siyentipikong


pamamaraan:
1. pagmamasid
2. pagkilala sa suliranin
3. pagbuo ng haypotesis
4. paghihinuha o pagpapahayag ng mga palagay
5. pagtitipon ng mga datos at impormasyon
6. pagbibigay ng kongklusyon at rekomendasyon
PAMAMARAANG SIYENTIPIKO

HAKBANG SAKLAW AT KAHALAGAHAN HALIMBAWA


PALIWANAG

1. Problem Statement- Paglinaw at pagtatakda Pagpokus ng pananaliksik Ano ang ugnayan ng


paglalahad ng suliranin ng katanungang nais na sa isang tiyak na tanong o presyo ng bilihin at dami
sagutin suliranin ng bibilhin ng mga
mamimili?

2. hypothesis-pagbuo ng Pagbuo ng hinuha o Pagpokusng susunod na Paghimay ng mga


hinuha pangunahing paniniwala hakbang element na iuugnay:
na kasagutan sa Pagsubok sa ugnayan ng Presyo ng bilihin at dami
katanugan mga tampok o piling ng bibilhin
Pagtukoy ng mga elemento ng pag-aaral Hinuha:
element ng pag-aaral Maaaring kapag mataas
(variables) na iuugnay sa ang presyo ng bibilhin
isa’t isa upang masagot kaunti ang bibilhin ng
ang katanungan mamimili.
PAMAMARAANG SIYENTIPIKO
HAKBANG SAKLAW AT PALIWANAG KAHALAGAHAN HALIMBAWA

3. Empirical testing-aktuwal Pagkalap ng mga Pagpino ng Pagpunta sa pamilihan at


na pagpapatunay o pagsubok impormasyon na mag- mgaimpormasyong sandigan pakikipanayam sa mga
uugnay sa element (mula sa sa pagbuo ng mataas na mamimili hinggil sa hinuha
eksperementasyon, kalidad ng kaalaman
pagsasaliksik sa silid-aklatan Pagtala ng mga
o pagpunta sa iba’t ibang impormasyon mula sa
institusyon) pakikipanayam
Pagtala at pagsasaayos ng
mga nakalap na Pagsuri sa relasyon ng presyo
impormasyon at dami ng bibilhin; nasuri na
Paglahad ng mga tama ang hinuha
obserbasyon mula sa nakalap
na impormasyon

4. Laying down conclusion- Pormal na pagtakda ng Pagpatotoo o Kongklusyon at itinakdang


pagbibigay ng konklusyon ugnayan ng mga pinag- pagpasinungaling ng hinuha kaalaman: Naaapektuhan
aaralang element at ng presyo ang dami na nais
pagpapaliwanag Pagbuo ng kaalaman hinggil bilhin.
sa natakdang ugnayan
Ekonomiks at Ibang Agham Panlipunan:

1. Antropolohiya – pag-aaral sa pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao.


2. Agham Pampulitika – sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal.
3. Sosyolohiya – pag-aaral ng tao, pangkat at institusyon na bumubuo sa
lipunan.
4. Pilosopiya – ang pag-aaral na nagnanais maunawaan ang hiwaga ng
buhay at realidad.
5. Sikolohiya – pag-aaral ng mga prosesong pangkaisipan at gawi.
6. Heograpiya – ang pag-aaral ng lokasyon at pamamahagi ng mga
nabubuhay na bagay sa daigdig at ang ugnayan sa iba pang bagay sa
daigdig.
7. Kasaysayan – ang pag-aaral ng nakaraan.
Ekonomiks at Ibang Agham Panlipunan:

8. Arkeolohiya – ang pag-aaral sa nakaraan sa pamamagitan ng pagkilala at


interpretasyon ng mga materyal na labi ng kultura ng tao.
9. Criminology – pag-aaral tungkol sa krimen, criminal, Gawain ng criminal
at ang criminal justice system.
10. Demography – ang pag-aaral ng distribusyon, komposisyon at
pagbabago ng populasyon ng tao.
11. Etika – moralidad ng tao
12. Kemistri – pag-aaral sa iba’t ibang kemikal.
13. Pisika – pag-aaral sa teknolohiya, imbensyon at mga pagbabago.
14. Biyolohiya – pag-aaral ukol sa mga pananim at mga hayop.
15. Matematika – pag-aaral tungkol sa mga numero, istatistiks, mathematical
equations, pormula at grap.
DALAWANG SANGAY NG EKONOMIKS:

1.Maykroekonomiks – tumutukoy sa pag-aaral


ng maliliit na yunit o bahagi ng ating ekonomiya.
- pag-aaral sa gawain ng mga indibidwal,
negosyante o pamilihan.
2.Makroekonomiks – tumutukoy sa pag-aaral ng
kabuuang gawi o pangkalahatang dimensyon ng
ekonomiya.
PANUTO: Suriin at basahin ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA
kung ang pahayag o pangungusap ay wasto at kung ito ay MALI isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. (2 puntos)

________ 1-2.) Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang


salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pagtitipid.
________ 3-4.) Ang ekonomiks ay nakatuon sa pagtugon sa hamong
dulot ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
________ 5-6.) Ang Opportunity-Cost ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng
isang bagay kapalit ng ibang bagay.
________ 7-8.) Ang Trade-Off ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang
best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
________ 9-10.) Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa
matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa
pagbuo ng desisyon.
PERFORMANCE TASK: (20 PUNTOS)
PANUTO: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga
natutuhan at reyalisasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng
ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng
pamilya at lipunan. (Gamitin ang likurang bahagi ng papel/pahinang
ito upang Isulat ang iyong sagot)
RUBRIK:
20 puntos 15 puntos 10 puntos 5 puntos
Maliwanag at Maliwanag subalit may Hindi gaanong Hindi maliwanag at
kumpleto ang kulang ang pagbuod ng maliwanag at kulang sa marami ang kulang sa
pagbuod ng repleksiyon at detalye mga detalye
repleksiyon at reyalisasyong ibinigay
reyalisasyon na
isinulat

You might also like