Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Diksyon

Ang Tamang Pagpili ng mga Salita

Christine Joy P. Armateo


Allah Y. Oroncillo
Diksyon
Ang Diksyon ay mabibigyang-kahulugan bilang estilo ng
pagsasalita o pagsulat na tumutukoy sa pagpili ng mga
salita ng tagapagpasalita o manunulat. Ito rin ang nakabuhol
kung paano mo ito bibigkasin kung mabagal, madiin, o mabilis.

Mahalagang elemento ng panitikan ang diksyon dahil ito


ang nagtatakda sa kabuuang tono ng akda, nagbibigay ng
karakter sa persona o tauhan, at nagbibigay ng palatandaan
sa tema ng akda.
Halimbawa
TAHANAN, BAHAY, TIRAHAN, TINUNTULUYAN

 Kung ang persona o pangunahing tauhan ay may


mapagmahal at mapagkalingang pamilya, maaring
“Sa tahanan kung saan ako lumaki” ang isusulat ng awtor.

 Kung siya naman ay ay hindi gaanong kalapit sa kanyang


pamilya, maaring “Sa bahay kung saan ako lumaki” ang
pipiliin ng manunulat.
Halimbawa
TAHANAN, BAHAY, TIRAHAN, TINUNTULUYAN

 Ang “tirahan” ay lugar lamang kung saan nananatili ang


tao, samantalang ang ”tinutuluyan” ay kung saan
pansamantalang nananatili ang tao.
Halimbawa
• payat, seksi, patpatin, slim, tingting na
nagkatawang tao, simpayat ni Palito
• mataba, malusog, mabilog, mapintog, chubby,
obese, lumba-lumba, elepante
• kumain, tumikim, lumamon
• matakaw, masiba, patay-gutom
• ama, tatay, tatang, itay, papa, papang, dad,
daddy
• mahirap; dahop; dukha; isang kahig, isang
tuka; poor; Purita Kalaw-Ledesma
Uri ng Diksyon
Pormal Hindi Pormal
Mga salitang pamantayan dahil ito ay Mga salitang karaniwan at
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng palasak sa mga pang-araw –
karamihang nakapag-aral sa wika. araw na pakikipag-usap at
Gumagamit ng bokabularyo mas pakikipagsulatan sa mga
komplikado kaysa sa ginagamit sa kakilala o kaibigan.
araw-araw na usapan.
Kalimitang ginagamit sa mga paaralan
at sa iba pang may pangkapaligirang
intelektwal.
Halimbawa
Pormal Hindi Pormal
“Ako ay nagmamasid sa makulay "Tingnan mo yung magagandang
na mga bulaklak sa hardin." bulaklak sa hardin, bro!"

"Ang malasakit sa kalikasan ay “Tara, sis! May gimik mamaya


mahalaga sa pagpapabuti ng kasama si sir! May chika tayo
kalagayan ng ating mundo." tungkol sa mga aksyon sa
paaralan.”.
Mga dapat pagtuonan sa pagpili
ng salita

1 Salitang Madaling Maunawaan

Pagkasari-sari at Kawastuhan ng
2 Pananalita
2
Mga Salitang Nagbabadya ng Pwersa,
3 Damdamin, Kulay

4 Eupemismo
Salitang Madaling
Maunawaan

- Isang pangunahing kahilingan sa mabuting


pagsasalita ang pagiging madaling maunawaan nito.
- Kung ang mga salitang ginagamit mo ay hindi
madaling maunawaan ng iyong tagapakinig, ikaw ay
parang nagsasalita sa kanila sa isang banyagang
wika.

Halimbawa:
marikit- maganda
luntian- berde
Pagkasari-sari at Kawastuhan ng
Pananalita

-Ang paggamit ng tamang salita ay makakatulong


din sa iyo ng masabi agad ang punto nang walang
maraming salita.

- Dahil sa pagiging simple , nagiging mas madali


para sa iba na maunawaan at matandaan ang
mahalagang katotohanan. Ito’y nakatutulong sa
paghahatid ng tamang kaalaman.
Mga Salitang Nagbabadya ng Pwersa,
Damdamin, Kulay

-Ang piling-piling mga salita ay makapagbibigay ng


maliwanag na impresyon sa isip ng iyong mga tagapakinig.
- Ang mga salita na buong linaw na nagpapahayag ng mga
ideya ay maaaring magpatawa o magpaiyak sa mga tao.

Halimbawa:
Napuno ng galak ang puso niya nang matanggap niya ang
magandang balita mula sa kanyang anak.
Sa kanyang mga mata, makikita mo ang malalim na poot at
galit sa mga pang-aabuso sa kapwa.
Eupemismo

-Ang pagpapalit ng salitang mas magandang


pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim,
bulgar, o bastos na tuwirang nakakapanakit ng
damdamin o hindi maganda sa pandinig.

Halimbawa:
sumakabilang buhay- namatay
butas ang bulsa- walang pera
malusog- mataba
Halimbawa:;
Ang Pag-Ibig na Naglaho sa mga Tala

Sa masalimuot na pag-ibig nina Sofia at Diego,


tila ba naging bulalakaw ang kanilang
pagmamahalan. Isang araw, sa dilim ng gabi,
naging saksi ang buong kalangitan sa kanilang
matamis na pagsasama. Subalit, sa huli, ang mga
tala ay naging bahagi lamang ng kanilang mga
pangarap.
H:
Halimbawa:;
Ang Pag-Ibig na Naglaho sa mga Tala

Sa masalimuot na pag-ibig nina Sofia at


Diego, tila ba naging bulalakaw ang kanilang
pagmamahalan. Isang araw, sa dilim ng gabi,
naging saksi ang buong kalangitan sa kanilang
matamis na pagsasama. Subalit, sa huli, ang mga
tala ay naging bahagi lamang ng kanilang mga
pangarap.
H:
limang tuntuning ibinigay nina Tumangan, et. Al.
(2001) na maaring sundin sa
pagpili ng wastong mga salita sa pahayag

1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin.


2. Tiyakin na angkop ang panlapi ng salitang ginamit.
3. Tiyakin na timbang ang ideya ng mga salitang ginagamit.
4. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng mga pandiwang ginagamit.
5. Iwasan ang labis na paghihiram ng salitang Ingles.
Halimbawa

Sa isang maaliwalas na umaga, naghanda si Maria para


sa kanyang unang araw sa paaralan. Maligayang-maligaya
siya dahil naisip niya na ito ay pagkakataon na matuto ng
maraming bagong bagay at makilala ang mga bagong
kaibigan. Magaan ang kanyang mga hakbang habang
naglalakad patungo sa paaralan. Nang dumating siya doon,
siya ay tinanggap ng mainit na pagsalubong mula sa
kanyang mga guro at mga kaklase. Masaya siyang nakipag-
usap sa mga bagong kaibigan, at agad na naramdaman ang
pagkakabuklod ng kanilang grupo.
Halimbawa

Sa isang maaliwalas na umaga, naghanda si Maria para


sa kanyang unang araw sa paaralan. Maligayang-maligaya
siya dahil naisip niya na ito ay pagkakataon na matuto ng
maraming bagong bagay at makilala ang mga bagong
kaibigan. Magaan ang kanyang mga hakbang habang
naglalakad patungo sa paaralan. Nang dumating siya doon,
siya ay tinanggap ng mainit na pagsalubong mula sa
kanyang mga guro at mga kaklase. Masaya siyang nakipag-
usap sa mga bagong kaibigan, at agad na naramdaman ang
pagkakabuklod ng kanilang grupo.
Bakit Mahalaga ang Tamang
Pagpili ng mga Salita?

Ito’y nagpapakita ng paggalang sa mensaheng


iyong ipinapahayag at nagsisiwalat nang malaki
hinggil sa iyong saloobin sa mga tao na iyong
kinakausap. Ito’y nakaiimpluwensiya sa reaksiyon
ng iba sa iyong sinasabi.

Nagiging malinaw ang pahayag kapag


gumagamit ng mga angkop na salita sa kaisipang
ipinapahayag. Kung minsan may mga salitang tama
na ang kahulugan sa loob ng pangungusap ngunit
hindi naman angkop na gamitin sa pahayag.
Bakit Mahalaga ang Tamang
Pagpili ng mga Salita?

Sa huli, ang diksyon at tamang pagpili ng mga


salita ay nagbibigay-halaga sa akda ng manunulat. Ito ay
nagpapabukas ng mga pinto patungo sa malalim na
koneksyon sa mga mambabasa, nagbibigay-buhay sa mga
karakter at kuwento, at nagbibigay-daan sa pagbabahagi ng
mga ideya at damdamin ng manunulat sa buong mundo.
Wakas.

You might also like