bumbero ng kanilang trak at istasyon. Bigla silang nakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! ―May sunog!‖ Mabilis na tumakbo ang mga bumbero sa kanilang trak. Wang! Wang! Wang!. Malakas na tunog ng trak ang kasunod narinig. Pagdating sa lugar ng sunog, mabilis na bumaba ang mga bumbero mula sa trak. Agad nilang pinatay ang apoy. Pataas- pababa, pataas-pababa ang paghawak nila sa hose na naglalabas ng napakaraming tubig. Nang wala ng apoy, inayos nila ang kanilang gamit. Bumalik sila sa kanilang istasyon. Puno ng putik at uling ang kanilang trak. Nilinis muli nila ang kanilang trak at istasyon. Muli silang nakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! May sunog na naman! • Basahing muli ang kuwento kasabay ng guro.
• Ano ang naging wakas ng kuwento?
Mga Tanong • Ano-anong mga tunog ang nabasa ninyo sa kuwento?
• Anong mga galaw ang ginawa ng
mga bumbero? Pangkatang Gawain
• Gayahin ang galaw ng mga
bumbero kasabay ng mga tunog na ginamit sa kuwento.