Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Filipino sa

piling Larangan
( akademik)

Bb. JOVILYN D. BARIA


PAGSULAT NG
BIONOTE

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


BIONOTE
 ay isang sulating nagbibigay ng mga
impormasyon ukol sa isang
indibiduwal upang maipakilala siya sa
mga tagapakinig o mambabasa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Binibigyang diin ng bionote ang mga bagay-
bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o
nakamit, mga paniniwala at mga katulad na
impormasyon ukol sa ipinakilalang
indibiduwal hindi lamang upang ipabatid ito
sa mga mambabasa o tagapakinig. Dapat ding
tandaan na maituturing na volatile ang
sulating ito sapagkat, maaari itong magbago
ng mabilis dahil sa mga naidaragdag na
impormasyon sa isang indibidwal.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Inilahad ni LEVY (2015) ang mga dahilan
ng pagsullat ng BIONOTE kabilang ang
mga sumusunod;
• Aplikasyon sa trabaho
• Paglimbag ng mga artikulo, aklat o blog
• Pagsasalita sa mga pagtitipon
• Pagpapalawak ng network propesyonal

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


BALANGKAS SA PAGSULAT
• Bago ka man sumulat ng bionote,
kailangang maging malinaw sa iyo ang
balangkas na iyong susundin. Tinutukoy sa
pagbubuo ng balangkas ang prayoritasyon
ng mga impormasyong isasama sa
bionote. Kinakailangang maging
estratehiko sa paglalagay ng mga
impormasyon.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
HABA NG BIONOTE
• Kadalasang maikli , binubuo lamang ito ng
isa hanggang tatlong talata. Subalit depende
sa pangangailangan nagbabago ang habang
ng isang bionote .
• Ayon kay Bragon ( 2014 ), isang kilalang
social media guru , may tatlong uri ng
bionote ayon sa haba nito : micro- bionote ,
maikling bionote , at mahabang bionote .
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Kaangkupan ng nilalaman
• Hindi lahat ng natamo at mahahalagang
impormasyon tulad ng propesyonal na
trabaho o edukasyon ay kinakailangan
mong isama sa bionote .
• Ang bionote ay isinusulat para sa isang
tiyak na pagkakataon dahil mahalagang
isiping mabuti ang mga impormasyong
kailangang isama sa bionote .
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
ANTAS NG PORMALIDAD NG SULATIN
• Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga
salitang gagamitin sa bionote . nakadepende ang
pormalidad/ impormalidad ng wikang gagamitin sa
bionote sa mismong audience at sa klima ng mismong
okasyon na paggamitan nito .
• Mahalagang isaalang –alang ang pormalidad /
impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito kahusay
, kung hindi naikonsidera ang lebel ng sensibilidad ng mga
tagapakinig o mambabasa hindi ito magiging epektibo sa
paghahatid ng mga impormasyong ukol sa pinapakilala.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


LARAWAN
• Kung kailangan ng larawan para sa
bionote , tiyaking malinaw ang
pagkakakuha ng larawan at hanggat
maari ay propesyonal at pormal ang
dating ng paksa ng bionote sa larawan.
• Iminumungkahing maglagay ng larawang
kuha ng isang propesyonal na potograpo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG
BIONOTE

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


TIYAKIN ANG LAYUNIN
• Mahalagang malinaw sa iyo ang layunin kung
bakit kailangang isulat ang bionote.
Gagabayan ka ng iyong layunin kung anung
mga impormasyon ang mahalagang isama at
mula rito’y matutukoy mo rin ang
magandang paraan upang ilahad ang mga
ito.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


PAGDESISYONAN ANG HABA
NG SUSULATING BIONOTE
• Nakadepende rin sa layunin ang magiging
haba ng bionote. Kung tiyak na iyong
layunin, matutukoy mo na rin ang dapat na
haba ng iyong bionote .
• Mahalaga rin ang pagdedesisyon sa haba ng
bionote sapagkat kadalasan ay may
kahingian ang mga organisasyong humihingi
nito.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
GAMITIN ANG IKATLONG
PANAUHANG PERSPEKTIB
• Ang paggamit ng ikatlong panauhang perspektib o
third person perspective ay makakatulong upang
ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote .
• Kahit pa personal mong bionote ang iyong isusulat
iminumungkahing gamitin ang perspektibong ito
dahil nanununyutralays nito ang tila pagbubuhat
ng sariling bangko dahil inilahahad sa bionote ang
pinakamahalagang tagumpay na natamo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


SIMULAN SA PANGALAN
• Bagamat kadalasang binabanggit sa dulo ang paggalan
kapag binabasa lamang ang bionote , kung nasa pasulat
na anyo iminumungkahing ang pangalan ang unang
makikita . May mahalagang dahilan kung bakit ginagawa
ito . Una, mayroon na agad na katauhan ang ipinapakilala
at ikalawa ay unang mairerehistro sa kamalayan ng mga
tao ang pangalan ng ipinapakilala.
• Mahalaga ito dahil ang pangalan ang pinakaimportante ng
matatandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at
sinusundan naman ng mga ginawa at natamo ng paksa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


ILAHAD ANG PROPESYONG
KINABIBILANGAN
• Kung ay isang pagpapakilala ay sa isang
komunidad ng mga inhinyero, mahalagang
banggitin na ang pinapakilala ay kabilang din
sa naturang komunidad; o kung hindi naman
ay kabilang sa isang laragan na may
kaugnayan sa kanila . Napapataas nito ang
kredibilidad at pagtitiwala sa iyo ng mga
tao .

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


ISA- ISAHIN ANG
MAHAHALAGANG TAGUMPAY
• Tanging ang mga nakamit at nagawa
lamang na may kinalaman sa audience
ang kailangang isama sa iyong bionote
dahil nga madalas na limitado ang
espasyo ng pagsulat ng bionote , krusyal
ang pagdedesisyon sa mga
impormasyong ilalagay dito .

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Idagdag ang ilang di-
inaasahang detalye
• Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa ng
bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong
target audience o reader , idagdag ito sa
bionote . mahalaga na may element of surprise
ang pagpapakilala sa iyo . bagamat magandang
teknik ito upang mapukaw ang interes nila ,
tiyakin na maiuugnay ito sa okasyon o
pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


ISAMA ANG CONTACT
INFORMATION
• Upang mapalawak ang network propesyon at
upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa
ekspertis na larangan , makakabuting isama ang
mga impormasyong kung paano posibleng
makipag-ugnayan sa kanya angg mga tao . kailang
ditto ang iyong e- mail, social media account, at
numero ng telepono sa trabaho o personal na
numero. Sa ganitong paraan mapapadali nito ang
ugnayan niya sa ibang tao. ( hindi na ito
iminumungkahi ng may – akda ng aklat )
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
BASAHIN AT ISULAT MULI AG
BIONOTE
• Kapag tapos ng isulat ang bionite basahin ito
ng malakas. Sa pagbasa mo nito makikita mo
ang mga dapat pang ayusin, tanggalin man o
dagdagan. Masusuri mo rin Kung epektibo
ang paglalahad nito. Mula sa iyong personal
na mga puna, muli itong isulat .

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like