Filipinoreport Powerpoint

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PAGBIGKAS SA

TRADISYONG PATULA’T
DI INAAWIT AT
ISINASAYAW
TANAGA
•Ang tanaga ay isang tulang Tagalog
na palasak na bago pa dumating ang
mga Kastila.
• Binubuo ito ng apat (4) na taludturan
namay pituhang(7) pantig.
HALIMBAWA NG TANAGA

“Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak! ”
HAIKU
• Ang haiku ang isang salitang Hapon na tumutukoy
sa isang anyo ng tula.
• ito ay binubuo ng labinpitong pantig at may
tatlong taludturan.
• Ang unang taludtod ay may limang pantig (5), sa
ikalawang taludtod ay may pitong pantig (7), at
ang ikatlong taludtod ay may limang(5) pantig.
HALIMBAWA NG HAIKU

Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta!
KARUNUNGANG
BAYAN
KARUNUNGANG BAYAN
• Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan
nagiging daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng
isang tribo.
SALAWIKAIN
• ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito
ng mga karunungan.
• HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
• Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
• Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
BUGTONG
• ay mga parirala o kaya’y mga pangungusap na inihahanay nang
patula o tuluyan at naglalaman ng talinhaga. Ang mga ito ay payak at
maikli subali’t maliwanag at sinop ang kaisipan.
• Halimbawa ng Bugtong
• Matanda na ang nuno hindi pa naliligo

Sagot: Pusa
• Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay
lagare.
Sagot: Tipaklong
PALAISIPAN
• ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang
katalinuhan ng lumulutas nito. Ang palaisipan ay nasa anyong
tuluyan.
• Halimbawa ng Palaisipan
• Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa
walong siglo, pero hindi sa habambuhay?
• Sagot: Titik O
• Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?
• Sagot: Bukas
IDYOMA
• isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi
binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita
na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
• Halimbawa ng Idyoma
• butas ang bulsa - walang pera
• ilaw ng tahanan - ina

You might also like