1 Akademikong Pagsulat Student Week2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Inihanda ni : Gng. Allyza Lois M.

Vinas
Lord Jesus, please give me a
◀ good mind that I may do all my
01
02
works well, in such a way that I
03 will make you happy, help me to
04
understand and remember all the
05
06
things that I must learn, help me
▶ to enjoy and be happy with the
subjects I find so hard, Amen.
Mga dapat panatilihin sa loob ng
klase:
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin
 PORMAL ANG TONO
 KARANIWANG SUMUSUNOD SA
KUMBENSYON
 ORGANISADO AT LOHIKAL ANG
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG IDEYA
 HINDI MALIGOY ANG PAKSA
 PINAHAHALAGAHAN ANG
KAWASTUHAN NG IMPORMASYON
 KARANIWANG GUMAGAMIT NG MGA
SIMPLENG SALITA UPANG
MAUNAWAAN NG MAMBABASA
 HITIK SA IMPORMASYON
 BUNGA NG MASINOP NA
PANANALIKSIK
ANYO NG
AKADEMIKONG
SULATIN
KRITIK
Isang detalyadong pagsusuri ng mga
merito , kalakasan at kahinaan ,
katotohanan , kagandahan ng isang
akdang iskolari , akdang pampanitikan , o
likhang sining.
MANWAL
Isang kalipunan ng mga panuto sa
paggamit ng isang kasangkapan ,
pagpapairal ng isang proseso at iba pa.

ULAT
Kalipunan ng mga mahahalagang datos
na ibinabahagi sa isang pangkat o
organisasyon.
SANAYSAY
Isang akdang naglalaman ng sariling
pananaw ng may akda tungkol sa isang
paksa.

BALITA
Isang artikulong naglalaman ng
mahahalagang pangyayari na ngayon
lamang naganap at mahalagang nalaman
ng madla .
EDITORYAL
Isang artikulong nagpapahayag ng sariling
pananaw ng patnugot tungkol sa isang
napapanahong isyu.

ENCYCLOPEDIA
Isang sangguniang aklat na naglalaman
ng masusing impormasyon tungkol sa
isang paksa.
TESIS
Isang saliksik na ginagawa ng isang mag-
aaral sa koleiyo bilang bahagi ng mga
kahingian ng programa.

DISERTASYON
Isang saliksik na ginagawa ng mga mag-
aaral sa kolehiyo sa antas doktorado
bilang ambag niya sa larangan.
PAPEL-PANANALIKSIK
Isang saliksik na binubuo ng ilang pahina
na inilalathala sa isang dyornal o binabasa
sa isang kumperensiya.
REBYU NG MGA PAG-AARAL
Ito ay pagbasa at pagsuri ng iba’t ibang
saliksik o pag-aaral upang matukoy ang
mga paksang hindi pa gaanong nagagawan
ng pag-aaral ; ang mga kaalamang di
nagtutugma sa mga ito; at mga temang
karaniwan sa mga ito.
PAGSASALIN
Ito ay katumas ng isang teksto mula
simulaang lengguwahe papunta sa
tunguhang lengguwahe at may
pagsasaalang-alang sa nilalaman ,
estruktura , estilo , at kultura.
ANOTASYON NG BIBLIOGRAPIYA
Ito ay tala ng mga sanggunian na
nagbibigay ng isang talatang
paglalarawan o pagtataya sa bawat isa.
WHITE PAPER
Isang papel na masusing talakay sa isang
suliranin at sa solusyong makatutugon
dito.
KORESPONDENSIYA OPISYAL
Isang dokumentong naglalaman ng
opisyal na impormasyon na gamit sa
komunikasyon sa loob at ng isang
kompanya , organisasyon, o institusyon.
AUTOBIOGRAPHY
Talambuhay ng isang tao na siya mismo
ang sumulat.

MEMOIR
Isang salaysay na nakatuon sa tiyak na
yugto ng buhay ng tao.
KONSEPTONG PAPEL
Isang papel na nagpapaliwanag ng
panukalang saliksik o panukalang
proyekto , lalo na kung hinihingan ito ng
pagsang-ayon o pondo.
MUNGKAHING SALIKSIK
Isang panukalang saliksik na
karaniwang naglalaman ng panimula ,
mga kaugnay na pag-aaral at literatura
at Metodolohiya .
GAWAIN
Pumili ng isa sa mga napapanahong
isyu sa ating bansa . Narito ang mga
pagpipilian :
 Pandemya
 Covid 19 Vaccine
 Monkey Pox
 Pagtaas ng produktong Petrolyo
 Face to Face classes
Pagkatapos pumili gumawa ng isang
akademikong sulatin sa napiling isyu
gawin ito ng mas malikhain ,
organisado at impormatibo ( labing
limang pangungusap o higit pa)
Pamantayan
Pamantayan Puntos Natamong Puntos

Nilalaman ng 30
akademikong
sulatin
Mensaheng hatid ng 10
sulatin
Kumbensyunal na
paggawa ng 10
akademikong
sulatin
Kabuuan 50

01
Lord Jesus, thank you for
02 all the blessing that you
03
04
have given me, which I
05 may use for your greater
06
▶ honor and glory, Amen.

You might also like