Ekspresyong Nagpapahayag NG Pananaw Lecture

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Mula sa Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto

Ang Ningning
at Liwanag
Alam mo ba na...

Isinulat ni Emilio Jacinto ang kanyang Ningning


at Liwanag noong ang panahon na ang Pilipinas ay
sinakop ng mga Kastila. Ginamit ni Jacinto ang
sanaysay upang maipakita ang katotohanan at
mailarawan ang mga pangyayari noong mga
panahong iyon.

Page 2
Ningning at Liwanag
Ayon sa Up Diksyonaryong Filipino binagong edisyon, NINGNING-
matinding sinag o kinang
LIWANAG-bagay na pumapawi ng dilim o tumutulong sa mata upang makakita.
Tulad ng sinabi sa akda ni Jacinto, ang Ningning ay nakasisilaw sa mata at
nakasisira ng paningin, ang Liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari
ang buong katunayan ng mga bagay-bagay at ito ang mensahe ng sanaysay

Page 3
Dalawang Uri ng Sanaysay

Page 4
Dalawang uri ng Sanaysay

PORMAL
- Karaniwang nagpapahayag tungkol sa “seryosong paksa” at
karaniwang isinusulat pa na may taglay na maging pag-aaral o
pananaliksik pa ng may-akda. Ang tono ng pagsulat ay seryoso at pormal
din ang pormat ng pagkakasulat. Halimbawa nito ay ang Ningning at
Liwanag at ang pahayagang editoryal.

Page 3
Dalawang uri ng Sanaysay
DI-PORMAL
- Ito naman ay maaaring tungkol sa karaniwang mga paksa, mga personal na
pananaw o mga sulat na naglalayong makapagbigay aliw sa mga mambabasa.
Ang tema at pormat ng pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay ay kadalasang
may bakas ng personalidad ng may-akda at parang nakikipag-usap lamang sa
isang kaibigan at di gaanong pormal ang mga salitang gamit sa pagsulat. Ang
mga isinusulat natin sa ating mga diary at journal ay halimbawa ng ganitong
uri.

Page 3
Dalawang Uri ng Ekspresyon sa
Pagpapahayag

Page 4
1. Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw

- Dito nakapaloob ang ekspresyong iniisip ,


sinasabi o yaong pinaniniwalaan ng tao at
tumitiyak ito sa taong pinagmulan o kung sino
ang pinagmulan ng pananaw. Kabilang dito ang…

Page 5
AYON
Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo,
“Habang may sariling wika ang isang bayan
taglay niya ang kalayaan.
Halimbawa:
BATAY

Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV,


Seksyon 6, ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.

Page 6
SANG-AYON SA
Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series
of 2013 ng Commission On Higher Education na
pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa
sa mga asignatura sa ilalim ng General Education
Halimbawa: Curriculum o GEC sa taong 2016.

ALINSUNOD
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat
na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon.

Page 6
1. Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw

- Ginagamit ang mga ekspresyong ito kung


mayroong matibay na batayan ng pahayag.
Samakatuwid, katotohanan ang sinasaad nito o
maaring magsaad ng ideya o pangyayaring
napatutunayan at tanggap lahat ng tao.

Page 5
Halimbawa:

SA PANINIWALA SA AKING PANANAW

Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang Sa aking pananaw ang edukasyon ay


mataas at matibay na edukasyon ay isang kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang
saligan upang mabago ang takbo ng isang kanilang magiging sandata sa buhay sa
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang kanilang kinabukasan
masaganang ekonomiya.

Rufus Stewart | Rimberio University | 2025 Page 7


Halimbawa:

SA TINGIN
Sa tingin ng maraming guro na ang
pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi
lamang nakasalalay sa kanila kundi maging
sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.

Page 7
1. Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw

- Ginagamit ang mga ekspresyong ito batay sa mga


sariling paniniwala, ideya, saloobin at perspektibo.
Samakatuwid, opinyon ang isinasaad nito na hindi
maaaring mapatunayan. Kasama pa rin diyan ang
inaakala, pinaniniwalaan, iniisip, sa ganang akin, sa
tingin, akala, sa palagay ko.

Page 5
2. Ekspresyong Nagpapahiwatig ng Pagbabago
o Pag- iiba ng paksa at/o Pananaw

Page 5
Halimbawa:

Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga


SA ISANG BANDA anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila
kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi


SA KABILANG tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa
DAKO kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

Page 8
Ginagamit natin ang mga
ekspresyong ito kung
magbabago ang tema at
paksa ng pinag-uusapan sa
isang pahayag.

Page 9
Halimbawa:

Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano


SAMANTALA nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.

Maraming mga tao ang lugmok sa kahirapan habang ang


HABANG iba ay nagpapakasasa sa kaban ng bayan.

Page 8
Mapapansin na ginagamit ang
samantala sa mga kalagayang
mayroong taning o pansamantala.
Karagdagan: Ginagamit naman ang habang kung
ang isang kalagayan ay walang
tiyak na hangganan o mahaba.

Page 13
Tatandaan, na sa paggamit at
pagpapahayag ng mga ekspresyon
mangyaring siguraduhin lamang
Karagdagan: ang wastong paggamit nito at
pakinggan din kung naaayon ba ito
sa paglalahad o pagbibitiw ng
pangungusap.

Page 13
Salamat sa
Pakikinig

You might also like