Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1.

Bakit kailangan ang matalinong paggamit


ng mga likas na yaman?
a. upang matugunan ang pangangailangan
ngayon at sa hinaharap
b. upang marami pa rin ang maghirap
c. upang may maputol pang mga halaman sa
mga kagubatan
d. upang bumagsak ang ekonomiya ng bansa
2. Napansin mong napakarumi ng ilog sa
inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
a. Magpaskil ng mga karatulang nagbabawal
magtapon ng basura sa ilog.
b. Magtapon ng basura sa ilog.
c. Gumamit ng dinamita.
d. Mangisda sa ilog.
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa
kabuhayan at pinagkukunang-yaman?
a. Pagkakaingin upang may makain sa
lilipatang lugar.
b. Pagtotroso upang may hanapbuhay.
c. Magtanim ng mga halaman.
d. Paggamit ng dinamita.
4. Bilang isang mamamayang may
disiplina, paano mo maipapakita na
nagagamit mo nang may pagpapahalaga
at pagiging mapanagutan sa kabuhayan
at pinagkukunang-yaman?
a. Sumunod sa mga panuntunan at batas
na may kinalaman sa kapaligiran.
b. Paminsan-minsan na pagwawalis sa
bakuran at kalsada.
c. Madalas na pagtapon ng basura sa
bakanteng lote.
d. Pagsusunog ng basura.
5. Isa sa mga paraan ng pangangalaga
sa likas na yaman ay ang
pagsasagawa ng 4R’s (Reduce, Reuse,
Recycle, Replace). Ano ang kahulugan
ng “recycling”?
a. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
b. Pagsusunog ng mga pinagsama-
samang basura.
c. Pagtatapon ng mga maruming boteng
babasagin at plastik.
d. Paggamit muli ng mga patapong bagay
na puwedeng mapakinabangan.
6. Aling pamayanan o barangay ang HINDI
nakasusunod sa panuntunan at batas na
ipinaiiral ukol sa pangangalaga ng likas na
yaman?
a. Ang Barangay Masipag na sama-sama sa
paglilinis ng ilog.
b. Ang Barangay Maunlad na sama-sama sa
pagsusunog ng basura.
c. Ang Barangay Masunurin na nagkakaisa sa
paghihiwa-hiwalay ng basura.

d. Ang Barangay Maligaya na masigasig ang


kapitan sa pagpapairal ng proyekto ukol sa
malinis na hangin
7. Pumunta kayo sa Bundok Arayat at nakita
mong tinapakan ng isang bata ang bagong
tanim na halaman. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ko siya sa pamahalaan.
b. Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita.
c. Tatapakan ko rin ang bagong tanim na
halaman.
d. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang
kaniyang ginagawa.
8. Ang wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
ay isa sa mga paraan ng pangangalaga sa likas
na yaman. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng wastong paggamit at pagtitipid
ng tubig?
a. Hayaang nakabukas ang gripo habang
nagsisipilyo.
b. Siguraduhing nakasara ang gripo kapag
hindi ginagamit.
c. Huwag hayaang umapaw ang tubig sa
palanggana at balde.
d. Gamitin ang pinagbanlawang tubig sa
pagdidilig ng halaman.
9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga
sa ating likas na yaman?
a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman.
b. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga likas na yaman.
c. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung
gabi.
d. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may
kinalaman sa pangangalaga ng likas na yaman.
10.Ano ang maaaring mangyari kung patuloy
ang pagpuputol ng mga puno sa kabundukan?
a. pagguho ng lupa
b. pagyaman ng bansa
c. gaganda ang kapaligiran
d. pagkakaroon ng malinis na hangin

You might also like