Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

MGA PAMANTAYAN SA

PAGSASAGAWA NG
DE-KALIDAD NA SERBISYO
1. Takdang Panahon
Kailangan na isaalang-alang ang
panahon ng paggawa. Gaano kabilis
mo matatapos ang isang produkto?
Ano-ano ang serbisyo na kaya mong
ibigay upang masigurado ang
kalidad ng isang produkto?
2. Paglalaan ng Tamang Oras
Magbigay ng takdang oras upang
hindi mainip sa paghihintay ang mga
taong kausap mo. At siguraduhin na
sa oras na nakatakda ay tapos na
ang iyong produkto upang hindi
madismaya ang iyong kausap na
tao.
3. Pagrespeto
Ang pagpapakita ng respeto ay
hindi lamang sa mga tao na
nakakatanda sa atin kung hindi
para sa lahat ng tao, bata o
matanda man sa iyo kailangan
ay magbigay galang ka sa iyong
kapwa.
4. Kakayahang Tumulong
Nakahanda ka bang tumulong
kung kinakailangan ang iyong
patnubay? Makapagbibigay ka
ba ng solusyon sa anumang
problemang haharapin?
6. Kalidad ng Gawain
May kalidad ba ang mga bagay na
iyong ginawa? Mahalaga na may
mataas na kalidad ang mga ito
upang maipakita mo na mas
mahihigitan mo pa ang mga
inaasahan sa magiging resulta nito.
7. Palaging Magpasalamat
Sa mga bagay o gawain na
iyong natatapos palaging
magpasalamat at pahalagahan
lalong-lalo na ang mga tao na
tumulong sa iyo dahil kasama
mo sila sa iyong tagumpay
8. May Orihinalidad
Ito ang mga bagay na likha ng
sariling isipan na walang
pinagbabatayan na ideya o
disenyo, sariling gawa at di
ginaya o kinopya sa iba.
9. Pagiging Malikhain
Ang pagiging malikhain ay isa sa
mga batayan ng mga tao para sa
mga bagay o produkto na nais
ipagawa o gawin. Nakapag-iisip
nang mabuti para sa magandang
resulta ng proyekto.
10. Pagkakaroon ng Inspirasyon
Marami sa mga nagtatagumpay sa
kanilang gawain ay ang
pagkakaroon ng inspirasyon at
pagmamahal dahil sa kanila sila
humuhugot ng lakas upang
mapagtagumpayan ang anumang
gawain.
Panuto:
Suriin ang sumusunod na
pangungusap at isulat sa
sagutang papel ang tinutukoy
na pamantayan sa paggawa
ng gawain at pagbibigay ng
serbisyo.
1. Pagsasagawa ng takdang-aralin
sa tamang oras.

2. Nakahandang tumugon kung


kinakailangan ang tulong.
3. Pinapahalagahan at
pinapasalamatan ang mga taong
tumutulong sa gawain.

4. Ginagamit ang sariling talento at


kakayahan sa pagsasagawa ng
gawain.
5. Paggawa ng produktong may
mataas na kalidad.

6. May plano sa gagawing


proyekto at naipapasa ito sa
takdang oras.
7. Humuhugot ng lakas sa mga
taong nagmamahal at
sumusuporta.

8. Nasusunod ang mga


instruksyon sa paggawa ng
proyekto.
9. Nagpapakita ng paggalang sa
mga taong binibigyan ng
serbisyo.

10. Kahit limitado o hindi sapat ang


mga kagamitan, nagagawa pa
rin ng may kalidad ang produkto.
Nasusunod mo ba ang mga
pamantayan sa paggawa ayon
sa isinasaad ng pangungusap?
Isulat sa patlang kung Opo o
Hindi po. Gawin ito sa iyong
sagutang papel
_____1. Kung gahol na sa oras,
maaari nang ipasa ang proyekto
sa guro kahit hindi maayos ang
pagkagawa nito.
_____2. Upang maipagmalaki
ang iyong proyekto, kailangang
pagbutihin ang iyong ginagawa.
_____3. Gumamit ng mahal at
magagandang gamit sa
paggawa ng proyekto upang
maging maganda at maayos ang
kalalabasan nito.
_____4. Sundin ang pamantayan
ng paggawa para maipakita ang
kalidad nito.
_____5. Kailangang madaliin ang
anumang gawain kahit na wala
ito sa ayos.
Kagalingan sa Paggawa ay
naisasabuhay kung
tataglayin mo ang mga
sumusunod na katangian:
1. Masipag
Tumutukoy sa pagsisikap sa
gawain o tapusin ang gawain
nang walang pagmamadali at
buong pagpapaubaya.
2. Matiyaga
Pagpapatuloy sa paggawa sa
kabila ng mga hadlang sa paligid
at hindi sumusuko sa anumang
pagsubok.
3. Masigasig
Pagkakaroon ng kasiyahan,
pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa
ng gawain
4. Malikhain
Ang produkto o gawaing lilikhain
ay hindi bunga ng panggagaya,
ito ay natatangi.
5. Displina sa Sarili
Ang taong may disiplina sa sarili
ay nalalaman ang hangganan ng
kaniyang ginagawa at mayroong
paggalang sa iba.
Ang kagalingan sa paggawa ay
bunga ng pagmamahal at
pagkakagustong gawin ito ng buong
husay at pagmamahal. Ang likha ng
taong may kagalingan ay bunga ng
inspirasyon, turo at gabay na kanyang
nakukuha sa ibang tao.
Nararapat lamang na magpasalamat
tayo sa Diyos, dahil sa Kaniya
nanggaling ang ating kagalingan o
talento. Kaya nararapat lamang na
bigyang halaga ito sa pamamagitan
ng pagsasagawa natin ng mga de-
kalidad na gawain.

You might also like