Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Isulat ang salitang

MALIKHAIN kung ang


sumusunod ay nagpapakita
ng pagkamalikhain at HINDI
naman kung hindi.
1. Iniipon ni Sarah ang tira-tirang
pahina ng kanyang mga lumang
kuwaderno at pinagsasama-sama
upang magamit muli sa susunod
na pasukan.
2. Kinulayan at ginawang bayong
ni Brenda ang mga inipon niyang
lumang diyaryo.
3. Itinatapon ni Aling Maria ang
lata ng gatas ng kanyang anak
kapag ubos na ang laman nito.
4. Nakagawa ng makukulay na
parol si Ben gamit ang mga
tansan at plastik na bote.
5. Itinapon ni Eugene ang
kanyang punit na polo at
nagpabili ng bago sa kanyang
mga magulang
6. Kumuha ng panungkit si Ana
upang makuha ang laruan ng
kanyang kapatid sa kanal.
7. Tinawag ni Pedro ang kanyang
ama upang tulungan siyang
ayusin ang kanyang laruan.
8. Mabilis na natapos ni Sheena
ang kanyang proyekto dahil sa
maraming ideya na nasa kanyang
isipan
9. Nagpakulo ng gawgaw si Kevin
upang gamiting pandikit sa
ginagawang proyekto.
10.Pinagsama-sama ni Rico ang
natutuhan niya sa panonood ng
Youtube upang makagawa ng
masarap na tinapay.
Tukuyin ang pangungusap na
nagpapakita ng pagkamalikhain.
Isulat ang FACT, kung ito ay
nagpapakita ng pagkamalikhain
at BLUFF kung hindi.
________1. Malawak ang interes
ng malikhaing tao sa mga bagay-
bagay at mga pangyayari sa
kanyang kapaligiran.
________2. Ang mga malikhain
ay nakaiisip at nakalilikha ng mga
bagay at pagkilos na hindi pa
nasusubukan o nagagawa ng
ibang tao.
________3. Ang mga taong
malikhain ay nagdidipende sa
opinyon ng ibang tao.
________4. Palapansin o
palapuna ang mga malikhain
dahil ito ang humihikayat sa
kanila na gumawa ng mga
pagbabago.
________5. Limitado lamang ang
kaalamang taglay ng mga
malikhain.

You might also like