Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

Kasaysayan at ang Pagkalinang ng

Wikang Pambansa
PANAHON NG KASTILA

 Ipalaganap ang “Kristiyanismo” sa buong


bansa.
 Ipinag-utos ng Hari ng Espanya na turuan
ang mga Pilipino sa Wikang Kastila.
 Subalit ang mga Prayle rin mismo ang
naging sagwil sa kautusan ng Hari
 Ayon kay Fray Domingo Navarrete,
natutuhan niya ang wikang Tagalog nang
walang hirap at sa loob lamang ng limang
buwan.

 Ito’y ang (1) romanisasyon ng Alibata (2)


pagkasulat ng aklat gramatika ng iba’t
ibang wika sa Pilipinas.
Pagkatapos ng matagal-tagal nang panahon ng
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, unti-
unting namulat ang isipan at damdaming bayan ng
Pilipino. Bagaman at ipinagkait ng mga sumakop sa
kapuluan ang pagkakataon para sa panlahat na
edukasyon, marami-rami na ring mga Pilipino ang
nakapag-aral at nakarating pa hanggang Europa.

Kabilang na dito sina Rizal, Luna, del Pilar,


Lopez Jaena at marami pang iba. Humingi sila ng mga
pagbabago sa pamahalaang Kastila.
PANAHON NG PROPAGANDA

Maraming mga nasulat na panitikan sa


wikang Tagalog. Ang mga ito ay sanaysay,
tula, kwento, liham at talumpati na hitik sa
damdaming makabayan. Napatatag ang
Katipunan, isinulat nila ang Kartilya ng
Katipunan sa wikang Tagalog.
Sa pagpapahayag ng kanilang mga
hinaing at kanilang maalab na
damdaming bayan, maraming tula at
sanaysay ang naisulat na siyang
nakatulong upang magising ang
damdaming bayan at sumilang ang
nasyonalismong Filipino.
Ang bagong kasisilang na Republika ng Pilipinas
na pinamumunuan ni Hen. Emilio Aguinaldo at
iprinoklama sa Kawit, Cavite ay sasandaling
nabuhay.

Sa pagdating ng hukbong Amerikano sa Look ng


Maynila sa pamumuno ni Almirante Dewey ay
nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga
kawal Filipino, ngayon ay hindi laban sa mga
Kastila kundi laban sa mga Amerikano.
 At nasakop na naman ang Pilipinas. Dumating
sa kapuluan ang mga bagong pinuno upang
diumano ay ituro sa mga Filipino ang
demokrasya at pamumuhay na demokratiko.

 Nais nilang maturuan agad ang mga nasakop,


kahit na ang unang naging mga guro ay Kawal-
Amerikano na tinatawag na Thomasites.
 Sinabi ni William Cameron Forbes na naniniwala
ang mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang
Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga
Pilipino at Amerikano.
 Nagpadala si pangulong McKinley ng isang
lupon upang mapag-aralan ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga Pilipino.
 Ang lupon ay pinamumunuan ni Schurman.
 Ayon kay N.M. Saleeby, sa kanyang artikulong “
The Language of Education in the Philippine
Islands,” kailangan ng Pilipinas ang isang wikang
pambansa na ibabatay sa isa sa mga bernakular.
Sang-ayon dito si Blake.

 At idinagdag niyang ang wikang Tagalog ay


siyang karapat-dapat na maging saligan ng wikang
pambansa.
 Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim
ng pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon,
nagkaroon ng malaking hakbang sa pagkakaroon ng
Pilipinas ng isang wikang pambansa. Sinabi ni Pangulong
Quezon na “… ang isang bayang bumubuo sa isang
kabansaan at isang estado ay dapat magkaroon ng isang
wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.

 Ito’y isa sa pinakamatibay na buklod na bumibigkis sa


bayan at nagpapaunlad sa ikapagkakaisa ng mga
pambansang mithiin, lunggati, at damdamin.”
Kaya’t sinikap ni Pangulong Quezon na sa
Saligang Batas ng Komonwelth ay mapasama
ang artikulo tungkol sa pagkakaroon ng Pilipinas
ng isang wikang pambansa.

Isinasaad ng Artikulo XIV, Pangkat 3 ng


Saligang Batas ng 1935 na “… ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon
ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa
mga umiiral na wikang katutubo.”
Ang Kongreso ay bumuo ng mga batas para sa
pagkakaroon ng wikang pambansa. Unang natatag
ang isang lupon na siyang mag-aaral kung aling
wikang katutubo ang pagbabatayan ng wikang
pambansa.

Ang lupong ito na siyang naging Surian ng Wikang


Pambansa ay natatag sa bisa ng Batas Komonwelth
Bilang 184.
Maraming haka-haka ang nabuo tungkol sa naging
batayan ng wikang pambansa. Bakit daw Tagalog
ang naging batayan ng wikang pambansa? Papaano
raw ito napili? Marahil daw ay pawang tubo sa
Katagalugan ang lupong naatasang gumawa ng
pag-aaral.
Ang lupon ay binubuo nina:

1. Jaime C. de Veyra - Samar-Leyte -Puno


2. Santiago A. Fonacier - Ilocano -
Kagawad
3. Casimiro F. Perfecto - Bikolano-
Kagawad 4. Felix S. Balas Rodriguez - Hiligaynon -
Kagawad
5. Felimon Sotto - Cebuano -
Kagawad
4. Felix S. Balas
6. Hadji ButuRodriguez-
- Tausug Hiligaynon-
- Kagawad
Kagawad
5. Felimon Sotto-
7. Cecilio Lopez Cebuano-
- Tagalog Kagawad -
Kagawad
6. Hadji Butu-
8. Lope K. Santos Tausug-
- Tagalog Kagawad -
Kinatawan
7. Cecilio Lopez-
9. Zoilo Hilario Tagalog-
- Pampango Kagawad -
Kinatawan
8. Lope K. Santos-
10. Isidro Abad Tagalog-
- Visaya Kinatawan -
Kinatawan
9. Zoilo Hilario- Pampango- Kinatawan
10. Isidro Abad- Visaya- Kinatawan
 Isinagawa ng lupon ang kanilang tungkulin.
Gumawa sila nang pag-aaral kung alin sa mga
pangunahing wika ang sinasalita at nauunawaan
ng lalong maraming Pilipino; alin sa mga wika
ang may mayaman ng panitikan ang nasusulat; at
alin sa mga wika ang sinasalita at ginagamit sa
sentro ng pamahalaan, ng komersyo at
edukasyon.

 Lumitaw na sa tatlong panukatang ito, ang


wikang Tagalog ang higit na nakatutugon.
 Gumawa ang lupon ng kaukulang rekomendasyon
sa Pangulong Quezon.

 Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang


134, ipinahayag na ang wikang pambansa ay
ibabatay sa isa sa mga umiiral sa wikang katutubo
at ito ay Tagalog o wikang Pambansa Batay sa
Tagalog.
Halos hindi pa natatagalang ipinatuturo ang
wikang pambansa sa mga paaralan sa bias ng
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 263 noong
1940, ay sumiklab ang Pangalawang Digmaang
Pandaigdig.

Nasakop ng Hapon ang kapuluan.


Napinid sandali ang mga paaralan, subalit sa
pagbubukas na muli, ipinagamit na wikang panturo
ang wikang katutubo.

Ibig ng bagong sumakop na malimutan ng mga


Pilipino ang wikang Ingles, kaya’t inalis nila sa
kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo
ang wikang pambansa, gayon din ang Nipponggo.
 Naging masigla at nagkaroon ng malaking pag-
unlad ang wikang pambansa.

 Umunlad din nang malaki ang panitikang Filipino


sa Panahon ng hapones sapagkat ang mga
manunulat na Pilipino na dati’y sa wikang Ingles
sumusulat ay napilitang magsisulat sa wikang
pambansa.
Ang malaon nang minimithing kalayaan ng mga
Pilipino ay nagkaroon ng katuparan sa
pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas noong ika-
4 ng Hulyo, 1946.

Sa petsa ring ito, isang batas ang pinagtibay ng


Kongreso – ang Batas ng Komonwelt Bilang 570
na nagtatadhana na ang wikang pambansa ay
maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Si Dr. Jose Aguilar, superintendente ng Iloilo, ay
gumawa ng isang pag-aaral. Ito’y nakilala sa
tawag na “ Ang pagsubok sa Iloilo” (The Iloilo
Experiment).

Napatunayan sa pag- aaral na ito na higit na


mabilis matuto ang mga batang sinimulang turuan
sa unang dalawang baitang sa wika ng pook
(Hiligaynon) kaysa sa mga batang tinuruan sa
pamamagitan ng wikang Ingles.
Gumawa rin ng pag-aaral si Dr. Clifford Prator noong 1950 at
ang kinahinatnan ay katulad din kay Dr. Aguilar.

Ang naging rekomendasyon ni Prator ay ang mga


sumusunod:

 Na gamiting wikang panturo sa unang dalawang baitang


ang wika ng pook; ituro ang Ingles bilang isang aralin
simula sa unang baitang at ito ay gawing wikang panturo
pagsapit sa ikatlong baitang, samantala ang Filipino ay
sisimulang ituro sa ikalimang baitang.
 Ang Pambansang Lupon ng Edukasyon ay nagtagubilin na gamitin
ang wikang pambansa bilang wikang panturo sa paaralan simula sa
Unang Baitang sa pook na d-Tagalog. Sa pook Tagalog, gamitin
ang Filipino bilang wikang panturo sa Una, Ikalawa at Ikatlong
Baitang simula sa taong-aralan 1971-1972.

 (1972-73), ang Filipino ay gagamiting wikang panturo sa Baitang I


at II, sa pook di-Tagalog; sa Baitang I,II III at IV naman sa pook
Katagalugan. Ito ay patuloy na gagawin hanggang sa maging
wikang panturo sa lahat ng baitang sa elementarya – ang wikang
Filipino.
 Pagkatapos ng daluyong at sigwa ay sumikat ang liwanag ng
araw sa wikang pambansa. Sa panahong ito ng Bagong
Lipunan, sumulong at umunlad nang malaki ang wikang
pambansa. Sa iba’t ibang pagkakataon, ipinahayag ng
Pangulong Marcos ang matatag na paninindigan tungkol sa
kahalagahan ng wika bilang mahalaga at mabisang
kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.

 Noong 1974, isang kautusang pangkagawaran ang ipinalabas


ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagbibigay-sigla sa
pagpapalaganap ng wikang pambansa. Ito ay Kautusang
Pangkagawaran Bilang 25, s. 1974, ang Patakarang
Edukasyong Bilinggwal.
Sa Artikulo XIV sa 1987 Konstitusyon ng Republika ay may tadhanang
pangwika.

Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.

Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at


dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at
Espanyol.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Pangulong Corazon C. Aquino

 Nagpalabas ng isang kautusang nakatulong nang malaki sa


pagsulong sa paggamit ng wikang Filipino. Ito ay ang Batas
Tagapagpaganap Bilang 335, na “Nag-aatas sa lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Ahensya/Instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para
sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksyon, komunikasyon at korespondensya.”
Maraming salamat sa pakikinig!
Mga Batas at Kautusan na may Kinalaman sa Wikang Pambansa

Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935


“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”

Batas ng Komonwelth Blg. 184 (1936)


Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre 1936.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)


Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng
wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado.

Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)


Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.

Proklamasyon Blg. 12 (1954)


Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang
ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Proklamasyon Blg. 186 (1955)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo
ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa
kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19).

Memorandum Sirkular 21 (1956)


Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga
paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959


Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang Pilipino ang gagamitin.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula
sa taong-aralan 1963- 1964, ang mga sertipiko at diploma ng
pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963


Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na
awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967


Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na
ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nilagdaan g Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan
na gamitin ang wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang
Pambansa.

Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)


Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos
ng Linggo ng Wika

Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973


“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang
Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”
Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang
Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.

Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)


Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na nag-
uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas
Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987
Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.

Kautusang Blg. 52 (1987)


Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)


Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng
katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
CHED Memorandum Blg. 59 (1996)
Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).

Proklamasyon Blg. 1041 (1997)

Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto


taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa iba’t ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain
kaugnay sa taunang pagdiriwang.

2001
Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang
Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng
Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
KASUNDUAN:
Saliksikin ang Pamantayan sa
Programa, bawat yugto at bawat
baitang na nakapaloob sa
kurikulum na pang-elementarya.

You might also like