Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Magandang Umaga, PO!

HULAAN N’YO!
• Nagbibigay na'y Sagot: BOTE
sinasakal pa.

• Hinila ko ang baging Sagot:


KAMPANA
nag-iingay ang matsing.

• Eto na ang magkapatid


Sagot: MGA PAA
Nag-uunahang pumanhik.
HULAAN N’YO!
• Nakayuko ang reyna Sagot:BAYABAS
di nalalaglag ang korona.

• Nagtago si Juan nakalabas Sagot: PAKO


ang ulo

• Isang balon malalim


Sagot: BIBIG
punong-puno ng patalim
HULAAN N’YO!
• Maliit na bahay, puno ng Sagot: POSPORO
mga patay.

• Maliit pa si kumare,
Sagot: KULIGLIG
marunong ng humuni.

• Nang sumipot sa Sagot: AMPALAYA


maliwanag, kulubot na
ang balat.
HULAAN N’YO!
• Baboy ko sa parang, Sagot: SILI
namumula sa tapang.

• Nang munti pa ay paruparo,


Sagot: SITAW
nang lumaki ay latigo.

• Bumili ako ng alipin,


Sagot: SUMBRERO
mataas pa sa akin.
BASAHIN N’YO!
• TULA

KABATAAN
ni Ernst Max
PAHINA 174
GANTIMPALA 10
ALAMIN N’YO!

MGA URI NG TULA


ALAMIN N’YO!
Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)

• Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga
salita sa isang kanta.

• Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento
na naglalarawan sa karakter at aksyon.

• Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling


damdamin, iniisip, at persepsyon.
ALAMIN N’YO!

Uri ng Tulang Liriko


ALAMIN N’YO!
Awit
• Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-
aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay
may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan.
• Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.
• Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs
kumbaga.
ALAMIN N’YO!
Soneto
• Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda
• karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o
dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang
makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
ALAMIN N’YO!
• Elehiya
– Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

• Dalit
– isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na
nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at
karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
ALAMIN N’YO!
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
–isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli
o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa
maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay
karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng
mga epiko, ballad, idylls at lays.
ALAMIN N’YO!

URI NG TULANG
PASALAYSAY
ALAMIN N’YO!
Epiko
– ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong
paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga
kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.

Karaniwang Tulang Pasalaysay


– Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
ALAMIN N’YO!
Awit at kurido
– ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong
sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento
na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana,
Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na
kurido ay ang Ibong Adarna.
ALAMIN N’YO!
Tulang Patnigan (joustic poetry)
– Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
balagtasan.
ALAMIN N’YO!
Balagtasan
– Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
ALAMIN N’YO!
Karagatan
– Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa
dagat.
­- uri ng tulang patnigan, isa sa sinaunang panitikan. Ang paksa ng
karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa
karagatan. Nagpapaligsahan ang mga binata sa kanilang mga husay at
talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa
kanila ang makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
ALAMIN N’YO!
Duplo
– Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa
pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
­ - uri ng tulang patnigan na pumalit sa Karagatan.
Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at
Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.
Naglalaban ang mga kasali sa pagbigkas at pagbibigay ng
katwiran ng patula.
ALAMIN N’YO!
Tulang Pantanghalan o Padula
– karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang
ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o
melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga
tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng,
o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw
na buhay.
GAWIN N’YO!
PANGKATANG GAWAIN
BUMUO NG ISANG TULANG BINUBUO NG TATLONG SAKNONG. ANG BAWATSAKNONG
AY MAGTATAGLAY NG TIG-AAPAT NA TALUDTOD. PAGKATAPOS AY LAPATAN NG HIMIG
O TONO UPANG ITO AY MAGIGING ISANG AWITIN. ANG MABUBUONG AWITIN AY
ITATANGHAL SA KLASE.

RUBRIKS:
PRESENTASYON -10 PUNTOS
PAGKAMALIKHAIN-10 PUNTOS
NILALAMAN- 10 PUNTOS
KOOPERASYON- 10 PUNTOS
40 PUNTOS
GAWIN MO!
SA IYONG JOURNAL NOTEBOOK:

BUMUO NG ISANG TULANG IAALAY MO SA IYONG MAHAL SA BUHAY.


KAILANGANG BINUBUO ITO NG TATLONG SAKNONG. ANG BAWATSAKNONG
AY MAGTATAGLAY NG TIG-AAPAT NA TALUDTOD.
RUBRIKS:
PAGKAMALIKHAIN-10 PUNTOS
NILALAMAN- 10 PUNTOS
KOOPERASYON- 10 PUNTOS
30 PUNTOS
SALAMAT
PO!

You might also like