Week 1 Day 4-Thursday: November 9, 2023

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

WEEK 1 DAY 4-THURSDAY

November 9, 2023
Balik-Aral:

Anu-ano ang mga datos na dapat nating


alamin tungkol sa pinagmulan ng isang
komunidad?
- pangalan ng komunidad o lungsod
- pinagmulan ng komunidad
- populasyon
- barangay na kinabibilangan
- namumuno sa barangay
- lokasyon
Pagganyak

❑ Ano ang nasa larawan?


❑ Saan matatagpuan ang
kalsadang nakikita ninyo sa
larawan?
❑ Saang Lungsod
matatagpuan ang Batasan
Hills?
Ano ang alam mo tungkol sa
pangalan ng iyong lungsod na kinabibilangan?
Ating balikan kung saan nagmula ang Barangay Batasan Hills.

Ang Batasan Hills ay matatagpuan sa lungsod ng Quezon. Ito ay dating kilala sa


tawag na Constitution Hill na tumutukoy sa lugar kung saan maitatag ang Sentro ng
Pamahalaan. Dito matatagpuan ang Civil Service Commission, DSWD, Commission on
Audit, Batasang Pambansa Complex , Sandigan Bayan kung saan makikita ang
Kapulungan ng mga Kinatawan sa Bansa. Ang mga katabing barangay nito ay ang
Commonwealth at Bagong Silangan na matatagpuan sa Hilaga . Sa kanluran naman ay
ang Barangay Holy Spirit, sa Timog ang Matandang Balara at sa Silangan nito
matatagpuan ang San Mateo, Rizal.
• Ano ang dating pangalan ng Batasan
Hills?
• Saang lungsod matatagpuan ang Batasan
Hills?
• Anu-anong mga ahensya ng pamahalaan
ang matatagpuan sa Batasan Hills?
May mga kuwento ang bawat komunidad, kasama
na rito ang pinagmulan ng pangalan nito. Binubuo
ang mga ito ng mga pangyayaring naganap sa
nakalipas.
Nadaragdagan pa ang mga ito ng mga
pangyayaring kasalukuyang nagaganap. Ang
pinagsama-samang kuwento ay naitatala bilang
kasaysayan ng komunidad.
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang masayang mukha kung sang-
ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung
hindi ka sumasang-ayon.
1. May kuwentong pinagmulan ang bawat pangalan ng komunidad.
2. Maaring makakalap ng impormasyon tungkol sa komunidad sa pakikinig ng
kuwento ng mga nakatatanda sa komunidad.
3. Hindi isinasali sa kasaysayan ang pinagmulan ng pangalan ng isang
komunidad.
4. Hindi na mahalagang malaman pa ang kasaysayan ng komunidad.
5. Bawat komunidad ay may pangalan.
Iguhit ang pinagmulan ng iyong komunidad. Gawing basehan ang maikling kasaysayan nito.
Halimbawa:

Ang Batasan Hills ay matatagpuan sa lungsod ng Quezon. Ito ay dating


kilala sa tawag na Constitution Hill na tumutukoy sa lugar kung saan naitatag
ang Sentro ng Pamahalaan.

You might also like