Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

BABALA

PAUNAWA
ANUNSIYO
BATAYANG KAALAMAN SA
PAGSULAT NG BABALA,
PAUNAWA AT ANUNSIYO
Idinisenyo at ginawa ang araling ito upang maglahad ng
kaalaman hinggil sa Anunsiyo, Paunawa at Babala
bilang isang anyo ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin na
maaari mong magamit kaugnay ng iyong piniling
larangan. Ito ay higit na magpapalalim ng iyong pag-
unawa at pagkilala sa sulating teknikal-bokasyunal.
Ang bawat isa ay inaasahang

Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit


ng wika CS_FTV11/12WG-0m-o-95
 a. natutukoy ang halimbawa ng anunsyo, paunawa at babala;
 b. nakasusulat ng halimbawa ng anunsiyo, paunawa at babala; at
 c.nabibigyang-halaga ang maingat, wasto at angkop na paggamit ng
wika sa pagbuo ng anunsyo, paunawa at babala.
BAKIT NGA BA GINAGAWA ANG
BABALA, PAUNAWA AT ANUNSIYO?

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Anunsyo,


Paunawa at Babala sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng mga ito ay
nagkakaroon ng patnubay ang mga tao sa pang-araw-araw na buhay.
 Ginagawa ang Anunsyo, Paunawa at Babala upang
magbigay ng impormasyon, gumabay at magpaalala.
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN
NG ANUNSIYO, PAUNAWA AT BABALA
 1.Nakapupukaw ng Pansin –
kailangang makaagaw agad ng pansin ang imahe
at mga salitang gagamitin. Isinasaalang-alang din ang
wastong kulay at laki ng kabuuan nito.
2.Simple at Mabilis Maintindihan –
ginagamitan ng mga salitang
madaling basahin at unawain. Isinasaalang-alang
din ang kulay at laki ng mga salita na ginagamit.
3.Direktaang Pagbibigay ng Impormasyon
– walang paligoy-ligoy ang salita, ang saktong
impormasyon lamang ang ibinibigay.
4.Maingat, Wasto, at Angkop ang mga Salita –
isang maling salita lamang ay maaaring
maiba, mamali at malihis ang tunay na pakay at gustong
sabihin ng mga ito.
5.Ginagamitan ng infographics –
ginagamitan ng imahe at simbolo
kaugnay ng direktang impormasyon.
6.Malinis ang pagkakagawa –
walang ibang nakalagay aagaw ng pansin na
hindi importante sa impormasyong nais ipabatid.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG
ANUNSIYO, PAUNAWA AT BABALA
1.Alamin ang Layunin-
isiping mabuti ang layunin o nais na
mangyari sa paggawa ng mga ito.
2.Alamin ang Lugar na Paglalagyan-
humanap ng tamang lugar na paglalagyan
nito.
3.Planuhing Mabuti-
isiping mabuti ang angkop na materyales na
gagamitin, pag-isipang mabuti ang mga salitang
ilalagay maging ang angkop na imahe o simbolong
gagamitin.
4.Gawin nang buong husay-
gawin ang mga ito nang isinasaalang alang
ang mga nararapat na katangian ng mga ito.

You might also like