1st Quarter Reviewer

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 100

Ito ay ang pagbili at paggamit ng mga produkto at

serbisyo na makapagbibigay ng kapakinabangan sa


tao.

A. Alokasyon C. Paggawa
B. Distribusyon D. Pagkonsumo
D. Pagkonsumo
Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Oikonomia
na ang ibig sabihin ay_________________.

A. Pamamahala ng bahay-kalakal
B. Pamamahala ng lupa
C. Pamamahala ng paggawa
D. Pamamahala sa pamamahay
D. Pamamahala sa pamamahay
Anong uri ng pagkonsumo na ang mamimili ay may
tahasan o direktang kapakinabangan.

A.Consumption goods C.Indirect consumption


B. Direct consumption D. Intermediate goods
B. Direct consumption
Ang salik ng produksyon na kumakatawan sa mga
likas na yaman?

A. entrepreneurship C. lupa
B. kapital D. paggawa
C. lupa
Isang sangay ng Agham Panlipunan na nakatuon sa
kung paano matutugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao gamit ang limitadong yaman
ng bansa.
A. Antropolohiya C. Ekonomiks
B. Demograpiya D. Sosyolohiya
C. Ekonomiks
Anong bansa sa Europa unang umusbong at umunlad
ang kaisipan sa Ekonomiks?

A. Italya C. Gresya
B. Germany D. Pransya
C. Gresya
Ang kakapusan ang pangunahing suliranin ng mga
bansa sa daigdig dahil sa limitado ang mga
pinagkukunang yaman. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng dahilan ng kakapusan?

A.Patuloy na paglaki ng populasyon


B.Mabagal na paggawa ng mga produkto
C.Kakulangan ng mga produkto sa pamilihan
D.Hindi kasapatan ng mga pinagkukunang yaman
D. Hindi kasapatan ng mga pinagkukunang yaman
Ito ay tumutukoy sa hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
A. Alokasyon C. Kakulangan
B. Kakapusan D. Produksiyon
B. Kakapusan
Isang anyo ng Sistemang Pang-ekonomiya na
nakabatay sa tradisyon,kultura at paniniwala.

A. Command C. Mixed
B. Market D. Tradisyonal
D. Tradisyonal
Ito ay isang pamantayan sa pamimili na mas inuuna
ang mahahalagang bagay sa pamimili kompara sa luho
lamang.
A.May Alternatibo o Pamalit
B.Makatwiran
C. Mapanuri
D. Sumusunod sa Badyet
B. Makatwiran
Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon.
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
C. Opportunity Cost
Ang pagsasaalang-alang sa mga mahahalagang
konsepto ng Ekonomiks na Trade-off, Opportunity
Cost, Incentives at Marginal Thinking ay magreresulta
sa ______________________.

A. matalinong pamimili
B. matalinong pagkonsumo
C. matalinong pamumuhay
D. matalinong pagdedesisyon
D. matalinong pagdedesisyon
Alin sa sumusunod ang tamang ayos ng pamantayan ng
Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham
Harold Maslow?
1. Seguridad at Kaligtasan
2. Pisyolohikal
3. Kaganapan ng Pagkatao
4. Pangangailangan Panlipunan
5. Pagkamit ng respeto sa sarili at sa ibang tao

A.1,2,3,4,5 C. 3,4,2,5,1
B. 2,1,4,5,3 D. 2,5,1,4,3
B. 2,1,4,5,3
Nakatanggap ng halagang P 3,000.00 ang kaibigan ni Lloyd
dahil sa pagkakapanalo sa Singing Contest. Sa sobrang
katuwaan, naisip ng kaniyang kaibigan na kumain sila sa
mamahaling restaurant. Kung ikaw ang nasa katayuan ni
Lloyd bilang kaibigan. Alin sa sumusunod na pahayag ang
pinakamainam na gawin sa perang napanalunan?
A.Itabi ang pera sa bangko
B. Isipin kung ano ang magpapasaya sayo
C. Bumili ng piyesa na higit pang makatutulong sa iyong
pagpaparactice sa pag-awit
D.Ibigay sa iyong mga magulang para sa pagkain ng lahat
ng miyembro ng pamilya
D.Ibigay sa iyong mga magulang para sa pagkain ng
lahat ng miyembro ng pamilya
Si Jean ay isang mag-aaral ng medisina. Alin sa
sumusunod ang kakailanganin niya sa kanyang
pag-aaral?
A. alcohol C. diksyunaryo
B. calculator D. stethoscope
D. stethoscope
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi maiuugnay
sa praktikal na hakbang sa pangangalaga sa mga
likas na yaman ng bansa upang maiwasan ang
suliranin ng kakapusan sa mga ito?
A. Pagpapalaki ng tama sa mga anak.
B. Paggamit ng mga recycled materials.
C. Pagsunod sa batas na nangangalaga sa likas na
yaman.
D. Pagsuporta sa no plastic policy ng mga lokal na
pamahalaan
A. Pagpapalaki ng tama sa mga anak.
Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala ang
mga bagay tulad ng tubig, pagkain at tirahan. Ano ang
tawag sa mga ito?

A.Kagamitan C. Luho
B.Kagustuhan D. Pangangailangan
D. Pangangailangan
Ito ay isang salik na nakaiimpluwensiya sa isang
taong may mataas na pinag-aralan at malaki ang
posibilidad na maging mas mapanuri sa kaniyang
pangangailangan at kagustuhan.
A. Antas ng Edukasyon C. Kita
B. Edad D. Panlasa
A. Antas ng Edukasyon
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang
desisyon sa pagpili ng pangangailangan?

A.Pagbili ng mamahaling kasuotan


B.Pagkain sa mamahahaling restaurant
C.Pagtira sa mga ekslusibong subdibisyon
D.Pagbili ng pagkain na sasapat sa pamilya
D. Pagbili ng pagkain na sasapat sa pamilya
Isang proseso ng pagsasama – sama ng mga salik
tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship
upang makabuo ng produkto.

A. Alokasyon C. Pagkonsumo
B. Distribusyon D. Produksiyon
D. Produksiyon
Ito ay isang karapatan ng mamimili na nagbibigay
proteksiyon laban sa mapanlinlang, madaya at hindi
tamang impormasyon na inilalabas sa telebisyon.
A. Karapatan sa Kaligtasan
B. Karapatan sa Patalastasan
C. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang
kapinsalaan
D. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging
matalinong mamimili.
B. Karapatan sa Patalastasan
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng
ugnayan ng kakapusan sa pang araw-araw na
pamumuhay?
A. Pagkakaroon ng labis ng produkto sa pamilihan
B. Pagkakaroon ng kaunting produkto sa pamilihan
C. Pagbaba ng mga presyo ng mga produkto sa
pamilihan
D. Pagkakaroon ng mabilis na paggawa ng mga
produkto
B. Pagkakaroon ng kaunting produkto sa pamilihan
Alin sa sumusunod ang dapat taglayin na katangian
ng tao kung nakararanas ng kakapusan?

A. Mapagbigay C. Mapagkumbaba
B. Mapagmahal D. Matalino
D. Matalino
Paano mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan?
A. Pagsunod sa programa ng pamahalaan may galit
sa puso
B. Pagtatanggal ng mga manggagawa na lilikha ng
produkto
C. Pagkakaroon ng limitadong distribusyon ng
makabagong teknolohiya para sa mga mangagawa
D. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya
na nagbibigay proteksiyon sa mga
pinagkukunang-yaman
D. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya
na nagbibigay proteksiyon sa mga
pinagkukunang-yaman
Ito ay ang mga bagay na maaring wala ang isang
tao ngunit maari pa rin siyang mabuhay at
nagkapagdudulot ito ng matinding kasiyahan.

A. Kagamitan C. Pagkonsumo
B. Kagustuhan D. Pangangailangan
B. Kagustuhan
Ang mamahaling relo, marangyang bahay at pagkain
sa restaurant ay tinatawag na __________.
A. Kagamitan C. Pagkonsumo
B. Kagustuhan D. Pangangailangan
B. Kagustuhan
Anong antas ng Herarkiya ng Pangangailangan ayon
kay Abraham Harold Maslow ang pagkain, tubig,
pagtulog at pahinga?
A. Kaganapan ng pagkatao
B. Pangangailangang panlipunan
C. Pisyolohikal
D. Seguridad at kaligtasan
C. Pisyolohikal
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng
kaugnayan ng Alokasyon sa suliranin ng kakapusan?

A.Ang Alokasyon ay walang direktang kaugnayan sa


suliranin ng kakapusan
B.Ang proseso ng Alokasyon ang nakapagpapalala ng
suliranin ng kakapusan
C. Ang tamang pamamahagi ng pinagkukunang yaman
ang sagot sa suliranin na kakapusan
D. Sa pamamagitan ng tamang alokasyon, ang lipunan ay
nakakaagapay sa suliranin na kakapusan
D. Sa pamamagitan ng tamang alokasyon, ang lipunan ay
nakakaagapay sa suliranin na kakapusan
Anong Sistemang Pang-ekonomiya ang nagpapakita
na ang nagpapasya ay nasa kamay ng
pamahalaan sa pamamagitan ng malawakang
pagpaplano?
A. Command C. Mixed
B. Market D. Tradisyonal
A. Command
Ano ang kahulugan ng Market Economy?
A. Sistemang nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala ng tao
B. Sistemang kinapapalooban ng elemento ng
market at command economy
C. Sistemang nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan
D. Sistema na ang produksyon at distribusyon ng
produkto at serbisyo ay nasa mekanismo ng
malayang pamilihan at pagtatakda ng halaga
D. Sistema na ang produksyon at distribusyon ng
produkto at serbisyo ay nasa mekanismo ng
malayang pamilihan at pagtatakda ng halaga
Alin sa sumusunod na salik ang nakakaapekto sa
mga mamimili na magpanic buying ng mabalitaan
na may papalapit na malakas na bagyo?
A.Kita C. Mga Inaasahan
B.Pagkakautang D. Demonstration
Effect
C. Mga Inaasahan
Ano-ano ang mga salik ng produksiyon?

A. Kita, kapital, lupa at paggawa


B. Kita, kapital, presyo at paggawa
C. Kita, kapital, lupa at entrepreneurship
D. Entrepreneurship, lupa, kapital at paggawa
D. Entrepreneurship, lupa, kapital at paggawa
Ang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksiyon
upang makabuo ng mga produkto at serbisyo.
A. ekonomista C. manggagawa
B. entrepreneur D. mangangalakal
B. entrepreneur
Aling aplikasyon ng Ekonomiks ang nagpapakitang
paglalahad sa pamumuhay ng isang mag-aaral?
A. Pagbili ng mga mag-aaral ng paninda sa
paaralan
B. Pagbibigay sa isang mag-aaral ng tulong
pinansyal upang makapasok sa paaralan
C. Paggasta ng mag-aaral ng kanyang baon
ayon sa kanyang pangangailangan
D. Paghingi ng mag-aaral ng kanyang baon sa
mga magulang sa pagpasok niya araw-araw
sa paaralan
C. Paggasta ng mag-aaral ng kanyang baon ayon
sa kanyang pangangailangan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng
pag-aaral ng Ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay ng tao?
A.Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo
ng matalinong pagdedesisyon
B.Makatutulong ito upang malaman ang mga pangyayari
na nagaganap sa kapaligiran
C.Makatutulong ito upang malaman ang mga pangyayari
saan man dako ng daigdig
D.Makatutulong ito upang magkaroon ng kaalaman sa
mga pinagkukunang yaman ng bansa
A.Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo
ng matalinong pagdedesisyon
Bilang isang mag-aaral, Ano ang iyong hakbang upang
makatulong sa paglutas ng suliranin na kakapusan?

A. Labis na panghuhuli ng mga lamang dagat


B. Patuloy na pagputol ng mga puno sa mga
kagubatan at kalunsuran
C.Patuloy na paggamit ng mga ipinagbabawal na
kemikal at iba pang lilikha ng polusyon
D. Pagkikilahok sa mga gawain ng pamahalaan na may
layunin na pangalagaan ang mga nauubos na uri ng hayop
D. Pagkikilahok sa mga gawain ng pamahalaan na
may layunin na pangalagaan ang mga nauubos na
uri ng hayop
Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?

A. Bumibili ng mura
B. Bumibili ng segunda mano
C. Gumagamit ng credit card
D. Sumusunod sa badyet
D. Sumusunod sa badyet
Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng
pagsasama-sama ng mga input ng produksyon sa
iyong pang-araw-araw na buhay?

A. Mahalaga ito sa kaunlaran ng bansa.


B. Mahalaga ito sa kita ng mga negosyante.
C. Mahalaga ito sa kapakanan ng lahat ng tao.
D. Mahalaga ito sa paglikha ng panibagong
produkto.
D. Mahalaga ito sa paglikha ng panibagong
produkto.
Ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Abraham
Harold Maslow ang pinakamataas na antas ay ang
Kaganapan ng Pagkatao. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng mga halimbawa nito?

A.Tiwala sa sarili, tagumpay at respeto


B. Seguridad sa katawan, kalusugan at trabaho
C. Pagkakaroon ng kaibigan, pamilya at organisasyon
D. Malikhain, mapagpahalaga sa buhay at malapit na
ugnayan sa kapwa
D. Malikhain, mapagpahalaga sa buhay at malapit
na ugnayan sa kapwa
Ang sumusunod ay mga Salik na
Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at
Kagustuhan maliban sa:

A. Edad C. Kasanayan
B. Kita D. Panlasa
C. Kasanayan
Kung ang Sistemang Pang-ekonomiya na command
ay kakikitaan ng mahigpit na pagpapatupad ng
regulasyon ng estado, aling sistemang
pang-ekonomiya naman ang kamamalasan ng
malayang kalakalan?

A. Command Economy C. Mixed Economy


B. Market Economy D. Traditional Economy
B. Market Economy
Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
kahalagahan ng Alokasyon maliban sa:

A. Ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng


mga pinagkukunang-yaman
B. Ito ay isang paraan upang ang lipunan ay di
makaagapay sa suliranin ng kakapusan.
C.Ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng
mga pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo
D. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at
magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman
B. Ito ay isang paraan upang ang lipunan ay di
makaagapay sa suliranin ng kakapusan
Si Hannah ay nagtratrabaho bilang isang pampublikong
guro, kumikita siya ng Php 20,000.00 piso kada buwan.
Dahil dito, nabibili niya ng lahat ng kaniyang mga
pangangailangan at nakatutulong din siya sa kaniyang
pamilya. Anong salik ang nakakaimpluwensiya rito?

A. Demonstration Effect C. Mga Inaasahan


B. Kita D. Pagkakautang
B. Kita
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng
karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa
kanilang transaksiyon sa pamilihan.
A. Karapatang dinggin
B. Karapatan na mangatwiran
C. Karapatang pumili
D. Karapatan sa patalastasan
B. Karapatan na mangatwiran
Bakit mahalaga ang Ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay ng mamayan?
A. Pinag-aaralan nito ang iba’t ibang Sistemang
Panlipunan
B. Makatutulong ito upang maging isang
mapanga’twiran na mamamayan
C. Pinag-aaral nito ang pamilya bilang pangunahing
institusyon ng lipunan
D. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at sa
pagbuo ng matalinong desisyon
D. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at sa
pagbuo ng matalinong desisyon
Isa sa mga itinuturing na dahilan ng pagdami ng bilang ng
taong mahihirap ay ang hindi tamang pamamahagi ng
pinagkukunang-yaman. Dahil dito, marami ang hindi
natutugunan ang kanilang pangangailangan araw-araw. Ano
ang hakbang na dapat gawin ng pamahalaan kaugnay ng
suliranin?
A. Nararapat na hingan ng tulong ng pamahalaan ang ibang
bansa upang magbigay ng donasyon
B. Hikayatin ng pamahalaan ang mga mamamayan na
magsagawa ng isang kampanya ukol sa pagtitipid
C. Ipagsawalang bahala ng pamahalaan ang pagtugon sa suliranin
ng kahirapan sa bansa.
D. Tiyakin ng pamahalaan ang tamang pamamahagi ng pinagkukunang-
yaman ng bansa sa pamamagitan ng tamang pagbabadyet
D. Tiyakin ng pamahalaan ang tamang pamamahagi ng pinagkukunang-
yaman ng bansa sa pamamagitan ng tamang pagbabadyet
Si Hazzel ay kumikita ng Php 40,000.00 kada buwan bilang isang accountant sa
kilalang bangko. Ang pinakamalaking bahagdan ng kaniyang sweldo ay
napupunta sa mga hilig-pantao tulad ng mamahaling damit at pagkain sa mga
kilalang restaurant. Sa kabilang banda karaniwan na kay Hazzel ang pagtitipid
sa kanyang pagkain sa araw-araw. Makatwiran ba ang ginawa ni Hazzel sa
kaniyang kinikita?
A. Opo, sapagkat nagtratrabaho naman siya nang mabuti kung kaya’t
mayroong siyang karapatan na gastusin ito para sa nais niya.
B. Opo, sapagkat bilang isang accountant, nararapat lamang na palagi
syang disente at kapuri-puri
C. Hindi po, sapagkat maari rin siyang bumili ng iba pang kagamitan
maliban sa kaniyang palagian ng kinokonsumong mga produkto
D. Hindi po, sapagkat nararapat lamang na kaniyang bigyang-prayoridad
ang pangangailangan kaysa mga hilig-pantao tulad ng mamahaling
damit, sapatos at alahas
D. Hindi po, sapagkat nararapat lamang na kaniyang bigyang-prayoridad
ang pangangailangan kaysa mga hilig-pantao tulad ng mamahaling
damit, sapatos at alahas
Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?

A. Pahalagahan ang kalidad at hindi tatak ng produkto o serbisyong bibilhin


B. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran
C. Palaging pumunta sa timbangan-bayan upang matiyak na husto ang biniling
produkto
D. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon
ng produkto
D. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at
komposisyon ng produkto
Bakit mahalaga ang produksiyon sa pang araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksiyon ay nakapagpapababa ng bilang ng mga
manggagawa
B. Ang produksiyon ay nagbibigay ng mataas na kita sa mga
negosyante o namumuhunan.
C. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong
kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw
D. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng
produkto at serbisyo kaya masasabing mas mahalaga ang
produksiyon sa pagkonsumo
C. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong
kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw
Alin sa mga nakatalang pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng
kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay?

A. Pagtataas sa presyo ng bigas na ibinebenta sa palengke


B. Pagmamahal sa halaga ng mga school supplies sa tuwing
nalalapit na ang pasukan
C. Pagtaas sa halaga ng mga gulay mula sa Baguio dahil sa
epekto ng pagtaas ng langis
D. Pagliit ng supply ng bigas sa buong bansa dahil sa pagkawasak
ng mga taniman ng palay
D. Pagliit ng supply ng bigas sa buong bansa dahil sa
pagkawasak ng mga taniman ng palay

You might also like