Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Paghubog ng

Konsensiya

Marangal 10
Ano ang konsensiya?
• Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino (2010) ang
konsensiya ay kumikilala sa mabuti at masama
kaugnay sa sariling pag-uugali. Kasingkahulugan
ito ng salitang kalooban at budhi.
• Tungkulin ng taong sundin ang kanyang
konsensiya, at responsibilidad din niyang tiyakin
ang paghubog nito sa paraang nasasalamin sa
kanyang kilos at moralidad.
Ano ang konsensiya?
• Sa pamamagitan ng iyong konsensiya ay nasusuri
mo at napagmumuni mo kung tama ba o mali ang
iyong kinikilos at sinabi.
• Sa pamamagitan ng konsensiya ay nagkakaroon
ng pagkakataon ang tao na malaman sa
pamamagitan ng pagninilay kung angkop sa likas
na batas moral ang ginawa o sinabi mo.
Ano ang konsensiya?
• Ayon naman sa U.S Catechism for Adults,
kinakatawan ng konsensiya ang ating kakayahan
bilang tao na malaman ang wasto at tama. At ang
konkretong paghuhusga na ginagawa natin sa
partikular na sitwasyon kaugnay kung ano ang
dapat nating gawin o kung ano ang nagawa na
natin.
Ano ang konsensiya?
• Ang konsensiya ay panloob na sangtuaryo kung
saan tayo’y nakikinig sa tiig ng Diyos.
Ang konsensiya ay…. Ang konsensiya ay hindi…
• Kung sino tayo sa mas malalim na lebel • Pagkabagabag o hindi pagkaramdam ng
pagkabagabag.
• Matalinong paghuhusga ng mga kilos
• Mabuting anghel sa kanang balikat na
• Batay sa obhetibong pamantayan ng nagsasabi kung ano ang mabuting
moralidad. gawin at masamang anghel sa kaliwang
balikat at nagsasabi ng masamang
• Marapat na sundin gawin.

• Palaging tama • Subhetibong opinyon o damdamin.

• Maaaring magkaroon ng konsensiyang


mapag-alinlangan.

• Maaaring sundin ang konsensiya


subalit makagagawa ng mga disisyong
imoral.
Paghubog ng Konsensiya
• Tungkulin mg taong sundin ang kaniyang
konsensiya.
• Ang mabuting konsensiya ay nangangailangan ng
habambuhay na paghubog.
• Ano man ang relihiyon, Kristiyano, Muslim, o ano
pa man, marapat na sumunod sa kaniyang
konsemsiya batay sa mga obhetibong
pamantaya.ng moral
Paghubog ng Konsensiya
• Pangunahing gamit sa paghubog ng
konsensiya ay ang salita ng Diyos na
isinasabuhay.

• Ang mga aral na hatid ng pamilyta, kaibigan,


paaralan, at simbahan ay malaking tulong sa
paghubog ng konsensiya.
Ang konsensiya ay…. Ang konsensiya ay hindi…
• Pangangalap ng mabuti, obhetibo, at • Pag-iisip na ang tao’y makagagawa ng
pinakawastng impormasyon na siyang mabuting desisyon na kailanman ay
magiging batayan ng paghuhusga. hinid nangangailangan ng dunong ng
iba.
• Paghubog ng katalinuhan sa
pamamagitan ng pagbabasa o pakikinig • Pagkilos tulad ng kilos ng kapuwa
sa salita ng Diyos, sa mga aral ng upang hindi ka naiiba sa kanila.
simbahan, sa mga karanasan ng kapwa
at sa mga nakakatanda. • Paggawa ng madaling desisyon na may
malalim na epekto sa kapuwa.
• Pagdarasal
• Paghinto sa pag-aaral, paghahanap ng
• Pag-iisip, pagninilay, pag-aaral karunungan, paghingi ng payo at
pagpapaunlad ng kaalaman.
Ang konsensiya ay…. Ang konsensiya ay hindi…
• Pagsisikap na mapaunlad ang • Paghiwalay sa sarili sa komunidad at
konsensiya sa pamamagitan ng pangkat na may mabubuting
pagtanaw muli sa mga bunga ng mga pagpapahalagang moral.
nagdaang aksiyon, kilos at desisyon
• Pagtitiwala sa kilos na bunga ng
• Pagpaligid ng sarili ng mga karanasan, masasamang gawi o bisyo.
mapagmahal at matalinong tao.

• Pagtitiwala sa kilos na bunga ng


mabuting gawi.
A. Ang paghubog ng konsensiya ay
mauugat sa pakikipag-usap ng ating
puso, kakayahang magsabi ng “oo”
sa Diyos bilang mananampalataya.
B. Nagagawa nating mahubog ang ating
konsensiya sa pamamagitan ng paghiling sa
gabay ng Diyos; turo ng simbahan, at sa
tulong ng kapwa (na may higit na karanasan,
kaalaman, katalinuhan). Kailangan din
nating, magtanong, magbasa, mag-aral,
magnilay, at magdasal upang magkaroon ng
katalinuhan. Kailangang isangkot sa
prosesong ito hindi lang ang ating puso
kundi maging ang ating isipan.
C. Ang layunin ng ating konsensiyang
nahubog nang mahusay ay paunlarin ang
ating mga pagpapahalaga, karakter,
pananaw, upang maging tiyak at angkop ang
ating mga desisyon. Samakatuwid ang
paghubog ng konsensiya ay
nangangahulugang pagbuo ng desisyon,
pagkatuto sa desisyong nabuo, at
pagpapaunlad ng kaalaman sa pamamagitan
ng paglingon sa mga bunga ng mga
naunang desisyon.
Thank you for
listening to
time : ××× The teacher : ×××

You might also like