Professional Documents
Culture Documents
Aralin 6 - Lugar Sa Pamayanan, Halina - T Pasyalan-Day 1
Aralin 6 - Lugar Sa Pamayanan, Halina - T Pasyalan-Day 1
Lugar sa Pamayanan
Halina’t Pasyalan
Day 1
Layunin
Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggang kuwento
Nagagamit ang mga pamatnubay na salita ng diksiyonaryo
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang kuwento
Pagbabaybay
Unang Pagsusulit
Ano ang
naaalala mo
kapag naririnig
na may lakad?
May lakad ang mag-ama
kaya maaga silang gumising. Magbigay ng dalawang
Ano kaya ang ibig sabihin ng halimbawa nito.
may lakad?
Magbigay ng dalawang
halimbawa nito.
May
lakad
Magbigay ng tatlong salitang
kasingkahulugan nito.
Ano ang ibig sabihin
ng may lakad?
Gamitin ito sa
pangungusap.
Espesyal ang
araw na ito. May
lakad kami ni Tatay.
Pupunta kami sa
parke para mag-
ehersisyo at kumuha
ng mga retrato.
Sabi ni Tatay, kailangan
daw naming kumilos.
“Hindi malusog ang
mataba, Ramon. Kailangan
mong magbawas ng timbang.
“Bakit sina Nanay at
Lola, mabibilog?” pagtataka
ko.
“Isusunod natin sila,”
sagot ni Tatay, sabay kindat.
Palihim kaming nangiti ni
Tatay.
Ngayon, Hindi
muna kami sasakay ng
jeep o traysikel.
“Hindi lahat ng
naglalakad, walang
pamasahe,” pabirong
sabi ni Tatay.
Nag-inat muna kami ng
aming mga binti at braso.
Inikot namin ang aming mga
balikat at iginiling-giling ang
mga balakang.
“Handa ka na ba?”
tanong ni Tatay.
“Handa na!” maliksi
kong sagot.
Sabay naming nilakad ang
naghihikab pang daan habang
papasikat ang araw.
Nakita namin si Aling Tasya
habang nagdidilig ng mga
bulaklak. Medyo mahirap na
siyang kumilos pero hindi siya
tumitigil. Lagi niyang
dinadamuhan ang hardin para
lumusog ang kanilang pananim.
“Magandang umaga,” bati
namin. “Puwede bang kunan ang
iyong mga bulaklak?”
Pumayag si Aling Tasya at
ipinagmalaki ang mga paborito
niya.
Laking pasalamat ni
Aling Tasya nang ipinag-
igib namin siya ni Tatay
ng limang baldeng tubig
na pandilig.
“Sasama ako minsan
sa inyong ehersisyo,”
pamamaalam niya sa
amin.
Itinuloy namin ni Tatay ang
paglalakad. Sa simula’y mabagal.
Tapos, bibilis. Babagal muli at
muling bibilis. Parang may
nagdaraang musiko sa dibdib namin
ni Tatay. Ilang sandali lang ay pawis
na ako.
‘Huwag kang matakot
pagpawisan,” naalala kong laging
payo ni Tatay. “Natutuwa ang iyong
puso kapag ika’y gumagalaw.”
Hihinto kami sandali ni Tatay
upang kumuha ng mga retrato.
Ginulat kami ni Tatay
ng nagdaang mga siklista.
“Magandang araw!”
bati namin sa kanila.
Kumuha ako ng retrato ng
mga papalayong bisikleta.
Mukhang ulan ng
alikabok ang mga nakunan
ko.
Sa susunod kong
kaarawan, bisikleta ang
hihilingin kong regalo. Nais
kong tularan si Tatay na
nagbibisikleta papunta sa
kaniyang opisina. (Alam mo
bang “Padyakero” ang
palayaw sa kaniya ng mga
kaopisina at kaibigan niya?)
Masaya sa parke ,
nakaiindak ang musika at
panay hiyawan at
hagalpakan ang maririnig
sa paligid.
Ganito rito tuwing
umaga: parang sirko,
parang piyesta ng
maliliksing katawan.
Tumingin sa akin
si Tatay. Parang
nabasa niya ang iniisip
ko.
“Sige, sumama ka
na sa kanila.
Pagbutihin mo,”
nakangiti niyang sabi.
Natapos na ang ehersisyo.
Umiindak pa rin ang paligid ko. Ang
gaan-gaan ng aking pakiramdam,
para bang nakaangkas ako sa
hangin.
“Meryenda na tayo,” sabi ni
Tatay.
Ipinakita sa akin ni Tatay ang
mga kuha niyang larawan. Ang
galing kong mag-ehersisyo!
Sa susunod,isasama na
naming sina Nanay, Lola, at Lolo.
Hindi na ako makapaghintay
sa susunod naming lakad ni Tatay!
Saan ka huling
nakapamasyal?
Sino ang kasama mo?
Ano-ano ang ginawa
ninyo?
Saan ang
lakad ng
mag-ama?
Gawin Natin
Ipakita ang balat pabalat ng aklat.