Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

8

Panitikan sa
Panahon ng
Amerikano
Balagtasan
Pangkat Tatlo
B Aralin 2.1 A: Balagtasan
Kaligirang pangkasaysayan ng Balagtasan
Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong
panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang
tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa
man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang
sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao
ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae.
Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang
nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga
Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman
isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng
alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga
tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang
makabagong duplo.
Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa
kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na F
piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing
tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-
I
iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, L
layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan,
talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay I
ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong
politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Ugnay-Panitikan 230 Nabuo P
ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat
noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres
I
(Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa
pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni
N
Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong O
Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag
dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng
makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga
8
nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya
magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang
ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa F
Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng
Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa
I
kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang L
taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang
Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili I
nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang
Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng P
Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa
bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi
I
magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang
Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga
N
kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga 231 tulang mahahaba at O
pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay
magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na
magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang
8
pangangatuwiran.
Aralin 2.3 C: Opinyon at
Katotohanan at Opinyon
May mga pagkakataong angKatotohanan
tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka-
haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o
kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang
kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na
maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan.
Opinyon
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga
totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at
damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko,
sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.
Aralin 2.3 C: Opinyon at
Halimbawa:
Katotohanan
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan.
Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong
magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng,
pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na,
mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-
of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting
umuunlad ang turismo ng ating bansa.
Halimbawa ng Balagtasan
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan - Jose Corazon de Jesus
CTTO

You might also like