MTB 2 Q1 - Week 7

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 112

MTB 2

QUARTER 1
WEEK 7 – DAY 1
Napag-uusapan ang mga
Kilalang Tao, Lugar, o
Kaganapan at Iba pa Gamit
ang mga Salitang Kilos at
Salitang Naglalarawan sa
Isang Kumpletong
Pangungusap
Balik-Aral

Bilugan ang angkop na tambalang


salita sa panaklong.
1. Ang mga mag-aaral ay nasa (silid-
aralan, silid-tulugan).
2. Ang mga tao sa barangay namin ay
(kapit-bisig, kapit-tuko) sa mga
gawain.
3. Maraming kulay ang (bahaghari,
taos-puso).
4. Hindi magandang ugali ang
pagiging (balat-sibuyas, balat –
kalabaw).
5. Maraming (baboy-ramo, boses-
palaka) sa aming probinsiya.
pagtatapos ng aralin, ikaw ay
inaasahang:
napag-uusapan ang mga kilalang tao,
lugar o kaganapan at iba pa gamit
ang mga salitang kilos at salitang
naglalarawan sa isang kumpletong
pangungusap.
Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin
ngayon, nais ko munang sagutin mo
ang mga tanong.
1.Sino-sino ang mga kilalang tao na
iyong iniidolo?
2. Anong lugar dito sa ating bansa ang
gusto mong puntahan?
3. Anong pagdiriwang o okasyon ang
pinakagusto mo?
Kilalanin at alamin mo ang mga nasa larawan:
Panuto: Basahin at suriing mabuti
ang pangungusap. Isulat ang K kung
ang salitang may salungguhit ay
salitang nagsasabi ng kilos at L
naman kung ito ay salitang
naglalarawan. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.
___1. Si pangulong Duterte ay
nagpapamalas ng kanyang abilidad
sa pagsugpo ng droga sa bansa.
___ 2. Ang alcalde ay masigasig na
nag-iikot sa kaniyang nasasakupan.
___ 3. Marami ang lumahok sa
parada sa pagsisimula ng
pagdiriwang ng Pista ng Nazareno.
___ 4. Masayang namamasyal ang
mag-anak sa Luneta Park.
___ 5. Masarap lumangoy sa
malinis na tubig ng Boracay.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti
ang bawat pangungusap.
Salungguhitan ang salitang kilos at
bilugan naman ang salitang
naglalarawan sa bawat bilang.
1. Ang pangulo ay buong husay na
sinusugpo ang laganap na droga sa
bansa.

2. Lahat ng tulong ay ginagawa ng


masipag na alkalde para sa lahat ng
nasasakupan.
3. Ang Luneta Park ay isang
magandang pook pasyalan na
dinarayo ng mga turista.

4. Binabalik-balikan ng mga
dayuhan ang pino at maputing
buhangin sa Boracay.
5. Ang lokal na pamahalaan ay
naghahanda para sa masayang
pagdiriwang ng kapistahan.
Panuto: Punan ang patlang
kung anong salitang
naglalarawan o salitang kilos
ang akma sa bawat
pangungusap.
Panuto: Punan ang patlang kung anong salitang naglalarawan o salitang kilos
ang akma sa bawat pangungusap.
Panuto: Isulat ang PU sa patlang kung
ang salitang may salungguhit sa
pangungusap ay tumutukoy sa Pang-
Uri at PD kung ito ay tumutukoy sa
Pandiwa.
___1. Maging mabuting bata sa lahat ng tao.
___2. Bigyang galang at respeto ang
namumuno sa ating komunidad.
___3. Panatilihing malinis ang mga pook
pasyalan.
___4. Laging sumunod sa utos ng mga
magulang.
___5. Matitiyaga ang mga guro kaya
nagsisikap din ang mga bat ana matuto.
Ang mga salitang nagsasabi o
naglalarawan sa pangngalan o panghalip
sa pangungusap ay tinatawag na salitang
naglalarawan o pang –uri.

Ang mga salitang nagsasabi o nagsasaad


ng kilos o galaw sa pangungusap naman
ay tinatawag na salitang kilos o pandiwa.
Panuto: Basahin ang bawat
pangungusap sa ibaba.
Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
Panuto: Basahin ang salita sa bawat bilang.Isulat
ang tsek (/) kung ito ay salitang kilos at ekis (X)
kung ito ay naglalarawan. Isulat ang sagot sa loob
ng panaklong( ) bago ang bilang.
MTB 2
QUARTER 1
WEEK 7 – DAY 2
Pagkakaiba ng
Pangungusap sa
Hindi Pangungusap
Balik-Aral
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang
mga salitang kilos at salitang naglalarawan tungkol
sa kilalang tao, lugar at pangyayari.
1. Si Rosa ay magaling sa pag-awit.

2. Ang kapistahan ni San Jose ay dinaluhan


ng maraming tao.
3. Kumain sa masarap na restoran si
Ben.
4. Ang mga mag-aaral ay kumain sa
Wetland Park kasáma ang kanilang
mabait na gurò.
5. Natakot ang mahiyaing si Wena sa
kumakalat na COVID 19.
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay
inaasahang makatutukoy ng
pagkakaiba ng pangungusap sa
hindi pangungusap. Ito ay maaari
mo ring magamit sa makabuluhan
at mabisang pakikipag-usap sa
iba’t ibang sitwasyon.
Masayang oras ang recess para sa bawat
mag-aaral. Ito ang oras na sila ay
pumupunta sa kantina at bumibili ng
masarap na pagkain. Ito ay isang
magandang pagkakataon upang
maipakita ang pagiging matapat nang
isang batang tulad mo?
Basahin mo ang kuwento at unawain.
Isang umaga sa klase ng Mother
Tongue, masayang nakikinig ang
batang si Mila. Ang kanilang guro
na si Bb. Cita Torres ay tuwang-
tuwa dahil lahat ng mga mag-aaral
ay nakikilahok sa talakayan.
Matapos ang pagkopya sa takdang-
aralin, tumunog ang bell hudyat ng
recess kaya tuwang-tuwa si Mila.
Inabutan niya ang maraming bata na
nakapila at bumibili sa kantina.
Matapos ang ilang minuto ay nakabili
rin siya. Habang naglalakad pabalik sa
silid-aralan ay napansin niyang sobra
ang sukli.
Dali-dali siyang bumalik sa kantina.
Kinausap niya ang tindera at ibinalik
ang sobrang sukli. “Maraming
salamat. Isa kang matapat na bata,”
wika ng tindera. Napangiti naman si
Mila. “Wala pong anuman.” sabi ni
Mila. Masayang lumakad si Mila
pabalik sa kanilang silid-aralan.
Panuto: Basahin at sagutan ang mga
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa
kuwento?
3. Saan nagpunta si Mila nang tumunog
ang bell?
4. Bakit bumalik si Mila sa kantina?

5. Sa iyong palagay, tama ba ang


ginawa ni Mila? Bakit?
Ating kilalanin ang pagkakaiba ng
pangungusap at hindi pangungusap.
Ang pangungusap ay salita o grupo ng mga
salita na may buong diwa. Ito ay
nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos
sa iba’t ibang bantas ayon sa nais na
ipahayag nito.
Samantala, ang hindi pangungusap
ay tinatawag na parirala. Binubuo
ito ng dalawa o higit pang salita
subalit wala itong paksa o buong
diwa. Hindi malinaw ang mensahe na
nais sabihin.
Mga halimbawa ng Pangungusap:
1. Ang mga bata ay nakikilahok sa
talakayan.
2. Tumunog na ang bell.
3. Maayos na nakapila ang mga bata sa
kantina.
4. Isinauli ni Mila ang sobrang sukli.
5. Si Mila ay matapat na bata.
Mga halimbawa ng Hindi Pangungusap:
1. isang umaga
2. ang pagkopya sa
3. naglalakad pabalik
4. sobrang sukli
5. masayang lumakad
Panuto: Isulat ang P kung ang mga
sumusunod ay pangungusap, HP
kung Hindi Pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang paborito kong laruan ay
robot.
_____ 2. matutulog nang maaga
_____ 3. Si Maria ay nasa ikalawang
baitang na.
_____ 4. Masipag magwalis sa silid-
aralan si Rina.
_____ 5. tahimik na bata
Iguhit sa papel ang  kung ito ay pangungusap at  kung
ito ay hindi pangungusap.

_____ 1. sa bukid namasyal


_____ 2. Nagpunta sa palengke si Nanay.
_____ 3. Nagwalis sa bakuran ang
magkapatid.
_____ 4. Ngayon ang kaarawan ni Elisa.
_____ 5. bumili ng isang kilong bigas
Ang pangungusap ay nagsasaad ng
_____________.
Nagsisimula ito sa ____________ titik. Nagtatapos
ito sa
angkop na ____________.
Ang hindi pangungusap kilala sa tawag na
_____________.
Ito ay ____________ nagsasaad ng buong diwa.
Panuto: Sumulat ng tatlong (3)
pangungusap at dalawang (2) hindi
pangungusap tungkol sa larawan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Panuto: Tingnan ang mga larawan.
Isulat sa sagutang papel ang P kung
ito ay pangungusap at HP kung hindi
pangungusap.
Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang iyong
sagot sa buong pangungusap.

1. Ilang taong gulang ka na?


_____________________________________
2. Saang paaralan ka nag-aaral?
_____________________________________
3. Ilan ang lapis mo sa iyong bag?
_____________________________________
4. Ano ang paborito mong ulam?
_____________________________________
5. Kailan kayo namamasyal ng pamilya mo?
_____________________________________
MTB 2
QUARTER 1
WEEK 7 – DAY 3
Pangunahing Ideya/
Pangunahing Kaisipan sa
Kuwentong Binasa
Balik-Aral

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A


at Hanay B upang makabuo ng mga
pangungusap. Letra lamang ang
isulat sa papel.
Pagkatapos ng aralin, ikaw
ay inaasahang
makapagbibigay ang
pangunahing ideya sa
kuwento/ teksto.
Ang pangunahing ideya ay
nagsasaad ng pinakamahalagang
bahagi ng kuwento. Ito ang pinag-
uusapan sa isang teksto. Kadalasan
ito ay nakikita sa bandang unahan
ng talata o sa hulihan.
Ito ay dalawang kahoy na gawa sa yantok o
kamagong. Ito ay ginamit noon bilang
depensa ng mga Pilipino sa pakikipaglaban
upang makamit ng bansa ang kalayaan. Ang
arnis ang pambansang laro ng Pilipinas.
Ang pangungusap na may
salungguhit ay ang
pangunahing ideya. Ito ay
matatagpuan sa hulihan ng
talata.
Ito ay tumutulong sa pag-aararo sa bukid
at pag-aani ng mga gulay sa mga
sakahan. Ginagamit din ito bilang
transportasyon sa mga lugar na walang
maayos na daan.
Ang kalabaw ay ang ating
pambansang hayop.
Ang pangungusap na may
salungguhit ay ang pangunahing
ideya. Ito ay matatagpuan sa
hulihan ng talata.
Panuto: Basahin at unawain ang talata.
Sagutan ang mga tanong at isulat sa
sagutang papel
1. Si Baste ay may alagang aso. Tagpi
ang pangalan nito. Paggising pa
lamang sa umaga ni Baste ay inaayos
na niya ang pagkain ng kaniyang
alaga.
Araw-araw din niya itong
pinaliliguan at ipinapasyal upang
maging malinis at malakas ang
katawan. Tunay na mapagmahal sa
alagang hayop si Baste.
Ano ang pangunahing ideya ng
talata?
________________________________
Saang bahagi ng talata nakasulat ang
pangunahing ideya?
________________________________
2. Malambing na bata si Ara. Palagi siyang
nakayakap at nakahalik sa kaniyang ama
at ina. Palangiti rin siya sa kaniyang mga
kaibigan. Maraming tao ang natutuwa sa
kaniya.
Ano ang pangunahing ideya ng talata?
_____________________________________
Saang bahagi ng talata nakasulat
ang pangunahing ideya?
______________________________
________________________
Panuto: Piliin ang pangunahing
ideya sa loob ng talata. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.
Panuto: Basahin at unawain. Piliin
ang pangunahing ideya na
nakapaloob sa mga sumusunod na
teksto. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung
ibayong pag-iingat ay ating gagawin.
Dapat laging pinapalitan ang tubig sa
plorera. Linisin ang loob at labas ng
bahay. Linisin ang mga kanal upang
hindi pamahayan ng mga lamok.
A. Ang dengue ay maiiwasan kung
ibayong pag-iingat ang ating
gagawin.
B. Maglinis ng loob at labas ng
bahay.
2. May mga bagay na dapat isagawa at
tandaan kapag may sipon o ubo ang isang
tao. Isa rito ang pagtatakip ng bibig gamit
ang panyo kapag ikaw ay umuubo o
sinisipon. Uminom din ng maraming tubig
at kumain ng masustansyang pagkain na
mayaman sa Bitamina C.
A. May mga bagay na dapat isagawa
at tandaan
kapag may sipon o ubo ang isang
tao.
B. Kumain ng masustansiyang
pagkain na may bitamina.
Ang pangunahing ideya ay nagsasaad
ng pinakamahalagang bahagi ng
kuwento. Ito ang pinag-uusapan sa
isang teksto. Kadalasan ito ay nakikita
sa bandang unahan ng talata o sa
hulihan.
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon
ang pangunahing ideya na angkop
sa talata sa bawat bilang. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
____1. Masarap mamasyal sa
bukid. Sariwang hangin ang iyong
malalanghap. Kahit malayo ka
tanaw mo ang maberdeng dahon
ng mga palay. Kaysarap
manirahan dito.
____2. Kapag tag-ulan, ang mga bata
ay hindi madalas makalabas ng bahay.
Ngunit masaya nilang
pinagmamasdan ang ulan. Malamig
din ang panahon. Ang mga halaman
ay nanariwa. May mabuting
naidudulot ang tag-ulan sa atin.
____3. Masaya ang pagbabalik sa
paaralan. Magkakaroon ka ng bagong
kaklase, ang mga dati mong kaibigan
ay makakasama mo na uli. Marami na
namang bagong aralin ang matutunan
sa loob ng silid-aralan.
____4. Masustansyang pagkain ang
mga prutas. Ito ay maaari mong
baunin sa pagpasok sa paaralan.
Nariyan ang saging, mansanas, kahel
at iba pa na sadyang mayaman sa
bitamina at mineral.
____5. May bagong guro ang
ikalawang baitang. Siya ay si Gng.
Mila Santos. Isa siyang mabait na
guro. Mahusay siyang magturo at
mapagmahal sa mga mag-aaral.
Panuto: Hanapin ang
pangunahing ideya sa loob ng
talata. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot.
_____1. Ang bakuran ni Mang Goryo ay
natataniman ng iba’t ibang halaman.
Maraming kapitbahay niya ang natutuwa
kapag nakikita ang mga halamang nakatanim
dito. Kapag ito ay puwede na niyang anihin,
dinadala niya ito sa palengke upang ipagbili.
Ang matitirang gulay ay kanyang
ipinamimigay sa kanyang mga kapitbahay.
A. Ang bakuran ni Mang Goryo ay
natataniman ng iba’t ibang halaman.

B. Maraming kapitbahay niya ang


natutuwa kapag nakikita ang mga
halamang nakatanim dito.
_____2. Tayong mga Pilipino ay mahilig
sa musika. Kahit saan ka pumunta ay
makaririnig ka ng tugtuging kadalasang
sinasabayan ng ating kapuwa Pilipino.
A. Tayo ay mahilig kumanta.
B. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa
musika.
Panuto: Sumulat ng talata
tungkol sa iyong paaralan.
Salungguhitan ang pangunahing
ideya.
MTB 2
QUARTER 1
WEEK 7 – DAY 4
Pangunahing Ideya/
Pangunahing Kaisipan sa
Kuwentong Binasa
Balik-Aral
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot na tumutukoy sa pangunahing ideya.
1. Ang sampaguita ay magandang bulaklak.
Ito ay kulay puti at mabango. Tuwing
Linggo ay bumibili si Lita ng sampaguita.
Paborito niya ang bulaklak na ito.
A. Ang sampaguita ay magandang
bulaklak.
B. Ito ay paborito niyang bulaklak.
C. Tuwing Linggo ay bumibili si Lita
ng sampaguita.
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay
inaasahang makapagbibigay ang
pangunahing ideya sa kuwento/
teksto.
Ang ating pambansang bayani ay
si Dr. Jose Rizal. Siya ay isinilang
sa Calamba, Laguna. Ang
kanyang mga magulang ay sina
G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo. Isa siyang
magiting na bayani ng ating
bansa.
Ang pangungusap na may
salungguhit ay tinatawag na
pangunahing ideya sapagkat ito
ang pinag-uusapan sa talata.
Matatagpuan ito sa unahan ng
talata.
Narra ang tawag sa ating
pambansang puno. Ito ay isang uri
ito ng mataas at matatag na puno.
Matatagpuan ito sa maraming lugar
sa bansa.
Ang pangungusap na may
salungguhit ay tinatawag na
pangunahing ideya sapagkat ito ang
pinag-uusapan sa talata.
Matatagpuan ito sa unahan ng
talata.
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
na tumutukoy sa pangunahing ideya.

Ang ngipin ay dapat pangalagaan.


Ugaliing magsepilyo ng ngipin
pagkatapos kumain. Iwasan ang pagkain
ng matatamis gaya ng tsokolate at kendi
upang hindi masira ang ngipin.
A. Ang ngipin ay dapat
pangalagaan.
B. Iwasan ang pagkain ng
matatamis gaya ng tsokolate at
kendi.
C. Ugaliing magsipilyo ng ngipin
pagkatapos kumain.
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang pangunahing
ideya sa bawat pangungusap.

1. Kaarawan ni Teresa ngayon. Maaga pa


lamang ay gising na ang nanay at tatay niya.
Sila ay maghahanda na ng iluluto para sa
kaarawan niya. Si AteTina naman ay bibili ng
lobo at cake. Si Kuya Tobi ay inaayos ang mga
upuan at mga mesa.
_______________________________________
2. Ang aklat ay nagbibigay sa atin ng
maraming kaalaman. Iba’t iba ang
maaari nating matutunan at
mapupuntahan sa pamamagitan
lamang ng pagbabasa ng aklat.
Kailangan
lamang ito’y nauunawaan.
________________________________
Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang nilalaman ng talata.
Pagkatapos ay gawin ang hinihingi
ng bawat bilang. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot.
Ang pangunahing ideya ay
nagsasaad ng pinakamahalagang
bahagi ng kuwento. Ito ang pinag-
uusapan sa isang teksto. Kadalasan
ito ay nakikita sa bandang unahan
ng talata o sa hulihan.
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Piliin
at isulat sa sa sagutang papel ang pangunahing
ideya ng talata.
Maraming nakukuhang sakit kapag
panahon ng tag–ulan. Nariyan ang
pagkakaroon ng sipon kapag ikaw ay
naambunan. Hindi rin maiiwasan ang
pagkakaroon ng lagnat kapag ikaw ay
naligo sa ulan. Madalas ang mga bata
ay inuubo kapag naulanan. Mahilig
kasi silang magpaulan.
a. Hindi rin maiiwasan na ang
pagkakaroon ng lagnat kapag ikaw ay
naligo sa ulan.
b. Maraming nakukuhang sakit kapag
panahon ng tag–ulan.
c. Nariyan ang pagkakaroon ng sipon
kapag ikaw ay naambunan.
Panuto: Iguhit sa sagutang papel
ang masayang mukha kung ang
pangungusap na may salungguhit
ay tumutukoy sa pangunahing
ideya, at malungkot na mukha
kung hindi.
Panuto: Sumulat ng maikling talata
tungkol sa iyong bakasyon na
binubuo ng limang pangungusap.
Lagyan ito ng pangunahing ideya at
maliliit na detalye.
MTB 2
QUARTER 1
WEEK 7– DAY 5
Weekly Test

You might also like