Ang Pokus NG Pandiwa FILDIS

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ANG POKUS NG PANDIWA

 Mayroon tayong tinatawag na pokus ng


pangungusap sa Filipino. Ito ay ang
semantikong pagkakaugnayan ng paksa o
simuno at ng pandiwa na ipinahahayag sa
tulong ng panlapi. Ayon sa mga dalubwika,
ang pokus ay likas na katangian ng mga
katutubong wika sa Pilipinas. Ang pokus ay
ang relasyon ng simuno sa pandiwa.
 Mga Halimbawa:
1. Pokus sa actor o tagaganap
 Sina Mang Damian ay manghuhuli ng baboy-

ramo sa bundok.
 Nag-ani ng maraming palay ang masipag na

magsasaka.
2. Pokus sa Layon
 Tinuhog ni Ruth ang mga bulaklak ng

sampagita.
 Ang puto at dinuguan ay inihanda ni Aling

Cely para sa kanyang kaarawan.


3. Pokus sa ganapan
 Pinaglagaan ko ng kamote ang bagong

palayok.
 Ang Luneta ay pinagtanghalan ng konsert ni

Gary V.
4. Pokus sa tagatanggap
 Ang bagong kasal ay ibinili ko ng regalo.

 Ipinagluto ng nanay ng kare-kare ang mga

panauhin.
5. Pokus sa Instrumento o kagamitan
 Ipinampukpok ng karpintero ang martilyo sa

pakong nakausli.
 Ang kalamansi ay ipinangkuskos ko sa mantsa

ng damit.
6. Pokus sa Sanhi
 Ikinabaliw ni Sisa ang pagkawala nina Basilio

at Crispin.
 Ang pagkain ng sampalok at manggang hilaw

ay ikinasakit ng kaniyang tiyan.


 Mapapansin na kapag nagbago ang pokus ay
nagbabago rin ang anyo at panlapi ng
pandiwa. Dapat pagsanayan ang ganitong
pagkakaugnay ng simuno at pandiwa sapagkat
dito malimit magkamali, lalo na ang mga hindi
Tagalog. Kailangan ding maging maingat sa
paggamit ng mga panlaping um at mag
sapagkat malaki ang nagagawa ng mga ito sa
kahulugan ng pangungusap.

 HALIMBAWA:
 Kumain siya ng spaghetti (karaniwang
pagkain)
 Nagkain siya ng spaghetti (maraming nakain)
 Kung minsan din ay nagiging kamalian ng
mga rehiyonal na di-tagalog ang ganitong
pagpapahayag: “Nagsakay ako sa dyip
patungong Quiapo,” “Sumakay ako sa dyip
patungong Quiapo.” Gayundin ang pag-
aanyayang “Magkain tayo” sa halip na
“Kumain tayo. “ Sa paulit-ulit na pakikinig at
pagsasanay ay tiyak na matatamo rin ang
kawastuan sa malinaw at mabisang
pagpapahayag, maging pasalita man o pasulat.
 PAGSASANAY :
 Piliin ang simuno at pandiwa sa loob ng pangungusap at
ilahad kung ano ang uri ng pokus ng pandiwa sa mga
pangungusap.
1. Ang mga manggagawa ay magdaraos ng kilos-protesta para sa
pagtaas ng kanilang sahod.
2. Pinaglagyan ko ng puto ang bilao.
3. Ang bakawan ay ipinanghambalos ko sa tuko ding-ding.
4. Ikinalungkot ni Berting ang paglimot sa kanya ni Rosy.
5. Inihandog ni Dennis ang kanyang awitin sa mga guro.
6. Ang bareta ay ipinanghukay niya sa kamoteng-kahoy.
7. Ang mga orchids ay itinanim ko sa driftwood.
8. Pinagprituhan ko ng bangus ang kawaling Teflon upang hindi ito
manikit.
9. Labis kong ikinamuhi ang panlalait mo sa aking pagkatao.
10. Nagdaos ng rally sa Ayala sina Cory at Cardinal Sin.

You might also like