Professional Documents
Culture Documents
Makro Eko No Miks
Makro Eko No Miks
Makro Eko No Miks
ng Ekonomiya”
M IK S
K O N O k s na
K R O E o n o m i ng
M A y ng e k g a ya n
sa ng a n g k a la
-isa ng a bu u a
on sa k iy a.
nak a tu ek on om
Kumpara sa maykroekonomiks, hindi tinututukan
ng makroekonomiks ang presyo ng isang espesipikong
produkto sa palengke. Sa halip, ang makroekonomiks
ay nakatutok sa halaga ng lahat ng bagay na ginawa,
ibinenta, binili, at kinonsumo ng lahat ng tao sa isang
bansa, dayuhan man o mamamayan nito.
John Maynard Keynes
Siya ay itinturing na Ama ng
Makroekonomiks. Siya ay may-
akda ng ilang librong pang-
ekonomiks tulad ng Indian
Currency and Finance, The
Economic Consequences of the
Peace, at A Track on Monetary
Reform.
John Maynard Keynes
Ang kaniyang pinakapamosong aklat na
The General Theory of Employment,
Interest, and Money ay nagdulot ng
pagbabago sa kaisipang pang-ekonomiko
ng mga tao dahil sa kontrobersiyal na
isinasaad nito. Inilarawan ni Keynes ang
konsepto ng aggregate demand bilang
kabuuan ng lahat ng paggastos ng mga
mamimili, pamumuhunan, at paggastos ng
pamahalaan. Hanggang sa kasalukuyan,
marami pa ring ekonomista ang
nagdedebate kung tama ba si Keynes sa
ilan sa kaniyang mga teorya.
Aggregate Output
Maaaring mapasailalim sa makroekonomiks ang
konseptong ito o pinagsama-samang kabuuang bahagi ng
ekonomiya tulad ng demand at suplay, trabaho at kita, pag-
iimpok at pamumuhunan, buwis at paggastos, salapi at presyo, at
iba pang panukat sa kalagayan ng isang bansa.
Ito ay may apat na bahagi:
1. Pagkonsumo ng mga mamimili
2. Pamumuhunan ng mga negosyante
3. Paggastos ng pamahalaan
4. Kalakalang panlabas
Ang makroekonomiks, bilang isang
sangay ng pag-aaral ng ekonomiks, ay nabuo
dahil sa Great Depression sa Estados Unidos
noong dekada 1930.
Ang Great Depression ay isang kalagayang
pang-ekonomiya kung saan bumagsak ang
lahat ng negosyo, nagkaroon ng pagtaas ng
presyo ng mga produkto, at bumaba ang
halaga ng salapi. Dahil sa mga pangyayaring
ito, nahirapan ang mga bansa na matugunan
ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Naghanap ang mga
ekonomista ng paraan upang mabigyan ng
solusyon ang mga suliraning pang-
ekonomiya.
Sa panahon ng Great Depression,maraming mamamayan sa Estados
Unidos ang nawalan ng hanapbuhay at napilitang umasa sa kawanggawa.
Keynesian Analysis