Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

FILIPINO 414

Yunit IV
TOPIKO: ALIW-IW/INDAYOG

JOEMARY O. SAMONTE MARIBEL N.


BUENAVIDES
TAGA-ULAT
ALIW-IW
 Ang aliw-iw ay isang elemento ng panitikang akda na
tumutukoy sa banayad na pagdaloy ng isang literatura. Ang
elementong ito ay makikita sa mga tula. Sa isang tula,
matutukoy ang aliw-iw kung ang mga tunog sa tula ay
nahahati sa pare-parehong patlang.Ito ay nagbibigay ng
musika at ritmo sa tula.
 Ang aliw-iw ay isang katangian ng galaw kung ito’y
tinataningan at iyan ay mapapansin sa sining ng pagsayaw,
pag-awit, musika’t panulaan. Ang tula ay isinasaayos sa
paraang maaliw-iw.
 Ang katagang aliw-iw ay tumutukoy sa ritmo o tunog ng alon
sa batis o kaya ang pag-indayog nito. Lumang tagalong ito na
tumutukoy rin sa banayad na tunog ng pag-agos ng isang anyo
ng tubig.
Ito ay isang uri ng sining at panitikan at
nakilala sa malayang paggamit ng wika sa
i bat-ibang anyo at estilo.
Ang mga kasing-kahulugan na kataga nito
sa Ingles ay rhythm,murmur, at maari ring
nangangahulugan ng banayad na pagdaloy
ng isang panitikang akda, gaya ng isang
tula.
Ang aliw-iw ay ang indayog ng tula, ito ay
ang tono kung paano binibigkas ang mga
taludtod.
May tatlong ginagampanan ang
aliw-iw ayon kay Alden.
1. Nagbibigay lugod- Layunin ng
lahat ng sining ay magpahayag ng
kariktan at ang tula ay hindi naiiba
riyan. Ang bisa ng aliw-iw sa tainga
ay gaya rin ng bisa ng kagandahan
ng mata.
2. Nagpapahayag ng damdamin- ang paggamit
ng aliw-iw sa pagpapahayag ng damdamin ay
kasintanda ng sangkatauhan. Ang mga batang
bagong nagkakaisip, mga taong mababangis,
ang mga taong nababaliw at ang lahat ng
namamasdang gumamit sa parang umuugoy sa
katawan na kung hindi man sumasayaw ay
kapansin-pansin naman ang aliw-iw o indayog.
Sinabini ni Wordsworth -ang aliw-iw ay
gumigising a ng damdamin at nagpapaliwanag
sa dibdib.
3. Nagpapaningning sa karanasan sa
tulong ng guniguni- Sinabi ni Papini ang
anya’y nakakahambing ng paglalang sa
daigdigang gagawin ng makata. Ang mga
karaniwang ipinapahayag sa prosa ay
lagut-lagot na aliw-iw at sa mga
pangungusap na kung minsa’y alun-alon,
marahas at pauntol-untol ay
nararamdaman ng makatang marikit na
aliw-iw at sa tulong ng guniguni ay
nalilipadang mga yaon sa kaitaasan.
Isa sa halimbawa ng aliw-iw sa tula ay ang
sumusunod:

Ang buhay ay parang gulong


Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim
Kaya huwag kang magmamadali
Dahil ang lahat ay may kapanahunan.
INDAYOG
 Ang indayog ay isang elemento ng tula na
tumutukoy sa himig o tono ng tula. Ito ay
nakasalalay sa paggamit ng mga salitang may
magkakatugmang tunog, patinig, at katinig.
Ang indayog ay nagpapakita ng damdamin o
mensahe ng makata.
 Tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tono o
pagbigkas. Dapat isaalang-alang ang diwa ng
tula.
 Ito ay nagsasabi ng bilis ng tunog ng
kasangkapang pangmusika.
Halimbawa ng tula na may indayog.Isa sa
mga ito ay ang Ang Awit ni Maria Clara ni
Jose Rizal, na nagpapakita ng pag-ibig
at pagluluksa sa bayan
Narito ang ilang saknong mula sa tulang
ito:
Kay tamis ng oras sa sariling bayan,
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay iwan,
Sa kanyang palad, ang bayaning may dusa
Ay inihimlay ng walang pangamba;
Doon sa libingan, ang bantay niyu sa
Ay mga bulaklak at halaman ng parang.

Ang indayog ay makikita sa sukat at tugma ng


mga taludtod, na pare-pareho ang bilang ng
pantig at huling salita. Ang indayog ay
makikita rin sa larawang-diwa na ginamit
upang maglarawan ng damdamin at karanasan.
Isang pang halimbawa ng indayog sa tula ay ang
sumusunod:

Ako’y isang pinoy Sa puso’t diwa


Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y pinoy na mayroong sariling wika

Ang tula na ito ay may indayog dahil ang mga salitang


diwa, bansa, banyaga, at wika ay nagtatapos sa parehong
patinig na “a”.
MARAMING SALAMAT PO
SA PAKIKINIG!

You might also like