Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

Panitikan ng

Pangasinan
ERNESTO C. CABERTE JR., PhD
Mga Inaasahang Pagkatuto:
1. Nailalahad ang mga ideya’t kaalamang
nasaliksik na may kinalaman sa mga akda sa
Pangasinan.
2. Nailalahad ang mga ideya’t kaalamang
nasaliksik na may kinalaman sa mga akda sa
Pampanga.
Panitikan ng Pangasinan
Pinagmulan ng Pangasinan
• Ang Pangasinan ay isa 77 lalawigan ng Pilipinas.
Ang pangalanang Pangasinan ay nanggaling sa
“panag-asinan” na ang ibig sabihin ay “bayan ng
asin.” Galing ang termino sa pangunahing
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
baybaying dagat ng Bolinao at Dasol, kung saan
ang pinakamataas na kalidad ng asin ay
ginagawa.
Heograpiya
• Ang Pangasinan ay matatagpuan sa hilagang
kanluraning bahagi ng Luzon at nakaharap sa
kalawakan ng Dagat Tsina. Bago dumating ang mga
Kastila, ang Pangasinan ay ang lugar lamang sa
baybaying dagat kung saan gumagawa ng asin at
Cabaloan naman ang tawag sa loob na bahagi kung
saan maraming makikitang bolo – isang magandang
uri ng kawayan na matatagpuan sa paanan ng mga
bundok -bundukan ng Mangatarem, Paniqui at
Camiling.
BOLO
• Ang bolo ay ginagamit sa paghahabi ng mga
sawali at bilao. Nang magsimula ang pananakop
ng mga Kastila, unang nasakop ang mga lugar na
may parehong naninirahan at wika. Hindi na rin
nagamit ang Cabaloan dahil unti-unti nang
naubos ang bolo sa paligid. Ang Pangasinan ay
mayaman sa sari-saring katutubong panitikan.
ALIGANDO
• Mapapansin ang malakas na impluwensya ng
kulturang Kastila at Amerikano sa maituturing na
orihinal na awit Pamamasko na umaabot ng halos
dalawang oras bago matapos. Ang salitang aligando
ay galing sa Kastilang salita na “aguinaldo”. Inaawit
ito ng may dalawang beses sa saliw ng musika ng
gitara. Matapos awitin ang aligando, sila ay
iniimbitahang maghapunan o magmiryenda.
CANCIONAN
• Hanggang sa kasalukuyan, popular pa rin ang
“cancionan”, isang paligsahan sa pag-awit tuwing
kapistahan. Kung minsan naman, ang isang barangay
ay nagtatanghal ng isang “zarzuela”. Tuwing Mahal na
Araw ay itinatanghal ng isang grupo ng Malindog.
Binmaley ang isang “cenaculo” sa iba’t ibang lugar.
Ang Pangasinan ay Mayaman din sa:
• Sa “uliran (alamat), diparan (maxims), pabula
obonikew (bugtong), “gozos” (mga nobelang inaawit),
at ang pagbasa ng pasyon). Ang anlong (tula) at
tongtong (kuwentong patula) ay nagsimula noong
panahon ng Amerikano, ngunit nawala ang pagbigkas
nitong tradisyon. Ang “pasintabi” ay isang maikling
panimulang awitin bago simulan ang isang
pagtatanghal.
Kasaysayan ng Pampanga
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
• Ang Tarlac ay tinatawag ding “Melting Pot”
Ito ay kilala bilang Gitnang Kapatagan at
dahil dito, itinuturing itong Palabigasan ng
Pilipinas. Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac ay
kasama sa 8 lalawigang naghimagsik laban
sa Kastila noong 1896.
Bataan
• Ang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapones
noong Ikalawang Digmaang pandaigdig at ang “Death
March” na nagsimula sa Mariveles, Bataan noong
Abril 9, 1941
Bulacan
• Ang PAGODA o parada sa ilog ng Bocae,
Bulacan ay patuloy na ginaganap bilang
pagpaparangal sa kanilang Patron, ang Our
Lady of La Naval.
Pampanga
• Juan Crisostomo Sotto(1867-1918) – ama ng panitikang
kapampangan Diosdado Macapagal – naging Pangulo ng
Pilipinas
• Gloria Macapagal-Arroyo – anak ni Diosdado at naging
Pangulo ng Pilipinas
• Marcelo H. del Pilar – isang propandista
• Bert “Tawa” Marcelo – politiko at artista
• Nicanor Abelardo – musikero at kompositor
• Regine Velaquez – “The Asia’s Songbird”
Pampanga
• Pangingisda, panghahayupan, pagsasaka,
pagmimina, pagtrotroso, at paggawa ng asukal at
produktong yari sa rattan. Idagdag pa ang
paggawa ng parol na may pandaigdigang kalidad
• Kilala rin ang lugar sa mga pangunahing
produkto katulad ng bigas, mais, isda, kawaya at
mga mineral tulad ng ginto, tanso, platinum, at
iba pa.
PANITIKAN NG KAPAMPANGAN
• AWITING BAYAN
• 1. Basulto – ito’y naglalaman ng mga
matatalinghagang salita na pankaraniwang
ginagamit sa pagpastol ng mga kambing,
baka, kalabaw, at iba pang mga hayop.
AWITING BAYAN
•2. Goso – tumutungkol sa moralistikong
aspekto ng kanilang kalinangan. Ito ay
may tiyak na aral at inaawit sa saliw sa
gitara, biyolin, at tamburin tuwing “Araw
ng mga Patay.”
AWITING BAYAN
• 3. Pamuri – nag-ugat sa salitang “puri” at
inihahanay sa isang uri ng awit ng pag-ibig ng
mga kapampangan
• 4. Pang-obra – nagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga gawaing ng mga Kapampangan
• 5. Paninta – awit bilang pagpaparangal ng mga
Kapampangan sa isang hayop, bagay, lugar o tao
na kanilang labis na pinahalagahan. Ipinalalagay
din itong isang awit ng pag-ibig
AWITING BAYAN
• 6. Sapataya – awiting nag-uugnay sa mga
kapampangan sa kanilang paniniwalang politikal.
May himig ito ng pangangatwiran o pagtatalo
habang sinasaliwan ng isang sayaw sa saliw ng
kastanyente.
• 7. Diparan – naglalaman ng mga salawikain at
kasabihan ng mga Kapampangan. Ang kanilang
paksa ay hango sa katotohanan na kanilang
naranasan sa buhay.
D U LA
• 2. Duplo – ito’y nilalaro rin sa lamayan ng mga
patay kung saan nagpapaligsahan ang mga
kalahok sa laro sa kanilang husay sa pagtula.
• Duplo - impluwensya ng katutubo at dayuhan,
nasasalamin ang paniniwala at kultura at
moralistikong aspekto ng kanilang kalinangan.
DUPLO
• may tiyak na aral
• inaawit sa saliw ng gitara, biyolin at tamburin
• inaawit bago ang araw ng mga patay
• mabagal ang tempo
• nilalaro sa lamayan ng mga patay
• nagpapaligsahan sa tula
• Duplero – tawag sa lalaking kalahok (Bilyako)
• Duplera – tawag sa babaeng kalahok (Bilyaka)
DULA
• 3. Komedya – laging hango sa pag-iibigan ng
isang prinsipe at prinsesa. Ang labanan ng mga
Kristiyano at Muslim ang binibigyan ng
mahahalagang bigat dito at laging nagtatapos sa
pagtatagumpay ng mga Kristiyano at pagbibinyag
ng mga Muslim sa Kristiyanismo.
Komedya
• Komedya - “comedia” - Moro-moro sa Tagalog,
labanan ng Kristiyano at Muslim, pataludtod at
may musika, isang melodrama - pag-iibigan ng
Prinsipe at Prinsesa
• Padre Anselmo Jorge Fajardo (Gonzalo de
Condova) - nagbigay-daan sa kauna-unahang
Kapampangang pagtatanghal sa entablado
• Pinakatanyag na manunulat ng komedya
DULA
• Gonzalo de Condova – tungkol ito sa
pakikipagsapalaran ni Kapitan Gonzalo at ng
kanyang pag-ibig kay prinsesa Zulema na anak ng
isang sultan
• 4. Sarsuwela o Zarzuela – mula sa zarzuela ng
mga Kastila na nag-ugat sa lugar kung saan ito
ang unang itinanghal sa Espanya, ang Zurzuela
de la Provincia de Guenco.
• Ang “Alang Dios” na sinulat ni Juan Crisostomo
Sotto ang pinakapaboritong panoorin ng mga
Kapampangan.
• Ang mga pangalang Aurelio Tolentino, mariano
Proceso Pabalan Biron, Crisostomo Sotto at Felix
Galura ay mga napatanyag sa larangan ng
zarzuela.
IPA PANG AKDANG PAMPANITIKAN NG
KAPAMPANGAN
• AKDANG PANRELIHIYON
• 1. PASION - Isang akdang panrelihiyon na
naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni
Hesukristo
• 2. CENAKULO - Isa pang paraan ng pagpapahayag
ng akdang ito. Pagsasabuhay ng paghihirap ni
Kristo hanggang sa kanyang kamatayan
• Ang mga sinulat ni Cornelio A. Panbalan Biron,
kilalang manunulat ng pasion.
• Ang mga akdang Banal o pamamasa ning Balen
nang Karelendaman Ning Ginu Tang Hesukristo
Kabang Keti Ya King Yatu.
• Annga King Panglasa Na’t Pangamate na King
Krus Uli ning pangyaklung na King Kasalanan
Tamu(Banal na panitikang bayan tungkol sa
buhay ng ating Panginoong Hesukristo habang
Siya’y nasa mundo pa kasama ang kanyang
Kamatayan sa Krus upang iligtas tayo sa ating
kasalanan)
• Ing Librung Dalaga - Historia Sagradong
Kapampangan at pakasalang Mata karing Anak
• Si Felix Kalum ay nakilala sa kanyang Novena o
“Pamagsian King Ikarangal Ning Ginu Tang Virgen
Karin Lourdes
• Ang Crissotan at ang Ligligan Katawasan - Isang
uri ng tulang nagtatalo ng mga Kapampangan.
• Dito nag-ugat ang “crissotan” ng mga
kapampangan
• Ang “crissotan” ay hango sa pangalan ni
Crisostomo Sotto
• Ito ay isang pagtatalong patula na katulad ng
balagtasan
NOBELA
•Ang mga mahuhusay at kilalang
manunulat ng nobelang
Kapampangan: Aurelio Tolentino
(Ing Buok Ester) at Juan Crisostomo
Sotto(Lidia)
Panitikan ng Kapampangan
• Noong mga panahong ito, mayroon ng iba’t
ibang uri ng panitikan. Nariyan ang alamat,
tumayla, bugtong, kuwentong bayan, salita,
kasebian at awiting bayan.
Panitikan ng Kapampangan
• 1. Ang Alamat ng Sinukuan - ay isa sa mga
pinakatanyag ng Kapampangang alamat. Marami
itong bersyon.
• 2. Ang Tumayla o Tumaila - ay hele o awiting
pampatulog . Ito ay maituturing na orihinal sa
mga Kapampangan .
Panitikan ng Kapampangan
• 3. Ang Bugtong - ay kilala rin sa tawag na
“Bugtoñgan”. Karaniwan itong binibigkas sa mga
lamayan at kasal. Sinasambit din ito sa mga
kritikal na panahon kung saan nangangailangan
ng mabigat na pagpapasya. Halimbawa, ang
pagsagot sa isang bugtong ay maaring maging
pahiwatig ng magandang kahihinatnan ng isang
pangyayari at mapagpalang kapalaran .
Panitikan ng Kapampangan
•4. Salita naman ang tawag sa anumang
panitikan na nakasulat sa tuluyan.
•5. Tulad ng bugtong, ang Kasebian o
Casebian (Salawikain) ay binibigkas din
sa mga pampublikong salu-salo tulad ng
lamay at kasal. Ito ang katumbas ng
salawikain ng mga Tagalog.
Awiting Bayan ng Kapampangan
• Awiting bayan - pagpapahalaga sa mga gawain ng
Kapampangan, awit ng pagtatrabaho at salamin ng
pamumuhay ng mga tao
• Kamasak - dulang may kantahan at sayawan, isa
hanggang limang kabanata, nagpapakita ng sitwasyon
ng mga Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento
ng pag-ibig at kontemporaryong isyu, impluwensya
ng mga Kastila, kadalasang kinakanta at patula,
masayang wakas at unang itinanghal sa Espanya.
Awiting Bayan ng Kapampangan
•Atin Ku Pung Singsing - pagpaparangal
ng mga Kapampangan, isang awit ng
pag-ibig, “sinta” na nangangahulugang
minamahal o pag-ibig, pamilya at
kaibigan.
Awiting Bayan ng Kapampangan
• Ayon kay Alejandro Q. Perez, maaring hatiin ang
awiting bayan ng Kapampangan sa maraming uri.
1. Ang Basulto o Basultu na karaniwang inaawit
ng mga pastol sa bukid . Maaari rin itong awitin
habang isinasayaw . Ito ay pataludtod. Nang
lumaon, naging isa na rin itong kompetisyon
tuwing pista na sinasabayan ng musika at
pagsayaw .
Awiting Bayan ng Kapampangan
• 2. Ang Pamuri - Ito ay mula sa salitang “buri” na
ang ibig sabihin ay gusto. Ito ay isang awit ng
pag-big o “love song”. Ang “Aruy! Katimyas na
Nitang Dalaga” (Ay! Kaakit-akit ang Naturang
Dalaga) at “Atsing Neneng” ay mga halimbawa
nito.
• 3. Ang pang-obra - Ito ay isang awit sa
pagtatrabaho. Mga halimbawa nito ay ang “Bye
Ning Kasamak” (Ang Buhay ng Magsasaka) at
“Deting Tatanam Pale” (Itong mga Taong
Nagtatanim ng palay). Sa mga nabanggit na
halimbawa masisilayan ang panitikan bilang
salamin ng pamumuhay ng mga tao –
hanapbuhay sa kaso nito.
• 4. Ang paninta - ito ay mula sa salitang “sinta” na ang
ibig sabihin ay minamahal o pag-ibig. Kung ang pamuri
ay para sa isang taong minamahal sa romantikong
paraan, ang paninta naman ay para sa pamilya at
kaibigan. Ang mga pamagat na “Ecu Pa Kelingwan”
(Hindi Ako Nakalimot), “Ing Dalumdum ning Bengi”
(Ang Kadiliman ng Gabi) at “Atin Ku Pung Singsing
(Mayroon Akong Singsing) ay mga halimbawa nito .
Ang huli ay kinakanta at itinuturo pa rin sa mga
paaralan magpahanggang ngayon .
• 5. Ang Karagatan o Caragatan - Ito ay isang patulang
larong ginagawa tuwing may lamay. Ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagtatanong at pagsasagot gamit
ang tula.
• 6. Ang Diparan - Ito ay tulad ng sawikain ngunit
inaawit.
• 7. Ang bulaklakan – Ito ay isa ring paligsahan gamit
ang pagtula kung saan may dalawang grupo – isang
grupo ng mga lalaki at isa rin ng mga babae.
Awiting Bayan
• Bukod pa sa ilang uri ng awiting-bayan na
mayroon na ang mga Kapampangan bago pa
man dumating ang mga Español, nalikha pa ang
ilang uri ng awiting-bayan. Isa dito ay tinatawag
na “goso”.
• 1. Goso - Ito ay inaawit kasabay ng biyolin at
tamburin tuwing gabi bago ang araw ng Todos
Los Santos (All Saint’s Day). Ito ay nagtataglay ng
tiyak na aral sa buhay at mabagal na tempo.
Awiting Bayan
• Nariyan din ang duplo na isang ring uri ng
awiting-bayan.
• 2. Duplo - Ito ay maaaring iugat sa mga Español.
Ang duplo ay isang patulang laro. Ito ay tagisan
ng galing sa pagpapahayag sa pamamagitan ng
tula at kaalaman sa mga bagay na napapatungkol
sa kultura.
Awiting Bayan
• Isa pa ay ang sapataya.
• 3. Sapataya - Ang pangalan nito ay mula sa
salitang “tapatio” na tumutukoy sa isang
Mehikanong sayaw. Ito ay isinasayaw habang
inaawit . Ito rin ay tagisan sa pagtula.
Awiting Bayan
• Lumaganap din ang panitikang kurido o corrido na
nagmula sa corrido ng mga Español. Nagsimula ang
anyong ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga
corrido ng Español sa Kapampangan.
• 4. Ang mga Korido o Corrido - ay hango sa mga
banyagang alamat at tula. Hindi ito inaawit o
sinasayaw . Nakatanggap ng labis na kritisismo ang
anyong ito sapagkat ito raw ay pawang panggagaya
lamang ng mga banyagang akda.
• Isa pang anyong pampanitikan ng nagmula sa
corrido ay ang kuriru. Hango sa Kastilang
“corrido”. Mayroon itong 12 o mas mababa sa 12
pantig bawat linya. Isang halimbawa nito ay ang
“Corrido King Bye nang Keralanan ning Prinsipe
king Imperio Francia ila ning Princesa Adriana
king Kayaria’ning Antioquia” (Corrido tungkol sa
Buhay ni Prinsipe Felix ng Kaharian ng Espanya at
ng Emperatris Valeriana ng Kaharian ng Persia).
• Ang panahon sa pagitan ng ika-17 at ika-18 na
siglo ay kilala sa tawag na Panahon ng Liriko . Sa
panahong ito higit na naging talamak ang
panggagaya ng istilo at damdamin mula sa
panitikan ng ibang kultura. Dito, nagkaroon ng
napakaraming pagsasalin at adaptasyon . Isang
napakahalagang halimbawa ng adaptasyon ay
ang “Mga Kuwento ni Juan.”
Dulang Kapampangan
• Matapos ng mga kuwento ni Juan, namayagpag
naman ang dulang moro-moro na tinatawag ding
Cumidya o Kumidya.
• 1. Komedya o Comedia - Ito ay nagmula sa
Kastilang “comedia”. Mula sa ordinaryong tema na
makikita sa kuwento ni Juan, muling nagtungo sa
likhang-isip ang panitikang Kapampangan. Hindi ito
nagustuhan ng mga intelektwal noong mga
panahong yaon.
Dulang Kapampangan
• Gayunpaman, masasabi na ito ang nagbigay-
daan sa kauna-unahang Kapampangang
pagtatanghal sa entablado . Ang komedya o
moro-moro ay isang melodrama na
kinatatampukan ng mga Muslim at Kristiyanong
tauhan. Ito ay pataludtod at may musika.
Dulang Kapampangan
• 2. Pasyon - Isa pang uri na panitikan noon ay ang
pasion. Ito ay mula sa mga Español. Ito ay kilala
rin sa tawag na “pabasa.” Isang akda ng pasion
ang itinuturing na kauna-unahang gawang
naisalin sa Kapampangan. Ang pagsasalin ito ay
ginawa ni Rev. P. Banda.
• Puni naman ang tawag kung ang pasion ay
ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad .
Dulang Kapampangan
• 3. Senakulo - Mayroon ding tinatawag na
Senakulo o Cenaculo - Ito ay itinuturing na mas
mahalaga kaysa sa moro-moro. Binibigyang-diin
nito ang makasaysayan at pangheograpiyang
katotohanan na taglay ng isang gawang
pampanitikan. Ito ang nagbigay-daan sa
pagkakalikha ng zarzuelas dahil sa makukulay na
kasuotang ginagamit dito.
Dulang Kapampangan
• 4. Salubong - Isa pang mahalagang palabas
na kaugnay sa cenaculo ay ang salubong.
Itinatampok nito ang kuwento ng pagkikita
ni Kristo at ni Inang Maria matapos ang
muling pagkabuhay ng una. Tulad ng
cenaculo, ito rin ay makatotohanan.
Dulang Kapampangan
• 5. Sarsuwela o Zarzuela – Ginintuang Panahon ng
dulang Kapampangan. Mas nakilala o
napatanyag ang Zarzuela de la Provincia de
Guenco at Alang Dios ni Juan Crisosomo Sotto.
• Aurelio Tolentino, Mariano Proceso, Pabalan
Biron, Crisostomo Sotto at Felix Galura –
rebeldeng manunulat, Pagtuligsa sa
pamahalaang Amerikano sa Pilipinas.
Indibidwal na Gawain
• 1. Bumuo ng collage na nagpapakita ng panitikan
ng Pangasinan at Pampanga.
• 2. Maging malikhain sa pagbuo nito na
kumakatawan sa masining na panitikan ng bawat
lugar.

You might also like