Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

KAKAYAHANG

KOMUNIKATIBO
1. Gramatikal
•ito ang sangkap kung saan nagbibigay-
kakayanan sa nagsasalita kung paano
bigkasin sa wastong kaayusan ang
mga salita/pangungusap na kanyang
ginagamit at kung angkop ng kanyang
ginagamit na mga salita.
Gramatikal
1.
•Mahalaga ang komponent na ito upang magka-
intindihan kayo ng kausap mo dahil maaring
maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan kapag
hindi wasto ang paggamit ng baralila at epektibo
ito sa pagbuo ng salita, tamang pagbigkas,
pagbabaybay at maging sa pagbibigay kahulugan
ng salita.
1. Gramatikal
• Ang mga tanong na sinasagot ng
gramatikal na komponent ay:

1. Anong salita ang angkop gamitin?


2. Paano magagamit nang tama ang mga
salita sa mga parirala at pangungusap?
WASTONG GAMIT
NG MGA SALITA
NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
a. Katumbas ng of ng Ingles
Hal.

Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.

Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang

Araw ng Kalayaan.
NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa

Hal.

Umiinom siya ng gatas bago matulog.


Naglalaro ng chess ang magkapatid.
NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa

• Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang


bahay.
• Ginawa ng mga estudyante ang kanilang
proyekto.
NANG at NG
Ginagamit ang nang bilang:

a. Katumbas ng when sa Ingles

• Kumakain kami ng hapunan nang dumating si


Tiyo Berting.
• Tapos na ang palabas nang pumasok ng
tanghalan si Ben.
NANG at NG
Ginagamit ang nang bilang:

b. Katumbas ng so that o in order to sa


Ingles
• Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y
makapasa.
• Magsumikap ka nang ang buhay mo’y
guminhawa.
NANG at NG
Ginagamit ang nang bilang:

c. Pinagsamang pang-abay na na at
pang-angkop na ng

• Kumain (na+ng) nang lugaw ang


batang maysakit.
NANG at NG
Ginagamit ang nang bilang:

d. Kapag napagigitnaan ng dalawang


magkatulad na pandiwa
• Siya ay tawa nang tawa.
• Kumain nang kumain ang
nagugutom na bata.
DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig;
at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.

• May sayawan daw sa plasa.


• Sasama raw siya sa atin.
KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na
panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles;
ang kong ay panghalip panao sa kaukulang
paari.

• Matutulog na ako kung papatayin mo na


ang ilaw.
• Nabasâ ang binili kong aklat.
KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na
panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles;
ang kong ay panghalip panao sa kaukulang
paari.

• Matutulog na ako kung papatayin mo na


ang ilaw.
• Nabasâ ang binili kong aklat.
PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan
na isinasara at ibinubukas. Samantala,
ang pintuan (doorway) ay ang bahaging
kinalalagyan ng pinto.

• May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.


• Natanggal ang pinto sa pintuan.
HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na
inaakyatan at binababaan. Samantala,
ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging
kinalalagyan ng hagdan.

• Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang


mga hagdan.
• Ilagay mo ang hagdanan sa tapat
PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at
PUNASAN

• Ang pahirin at punasin (wipe off) ay


nangangahulugang alisin o tanggalin.

• Ang pahiran at punasan (to apply) ay


nangangahulugang lagyan.
Halimbawa:

• Pahirin mo ang mga luha sa iyong


mga mata.
• Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
• Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
• Punasan mo ng alkohol ang iyong
mga binti.
2. Sosyo-lingguwistik

• ito ang sangkap na magagamit nang


nagsasalita ang kalawakan ng kanyang
vocabularyo at ang pagpili ng salitang
naangkop sa sitwasyon at sa kontekstong
sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang
wika.
2. Sosyo-lingguwistik

• Dapat alam ng nagsasalita ang paggamit


ng angkop anumang pagkakataon. Dito
makikilala ang pagkakaiba ng isang
taong mahusay lang magsalita kompara
sa isang katutubong nagsasalita ng wika.
2. Sosyo-lingguwistik
Ang mga tanong na sinasagot ng sosyo-lingguwistik
komponent ay:
• Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na
lugar at sitwasyon?
• Paano maipahahayag nang maayos at hindi
mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang
inilalahad na
paggalang,pakikipagkaibigan,paninindigan, at iba

pa?
ANTAS NG WIKA
formal at di-formal
•di-formal na wika ang wikang
ginagamit ng tao sa ka-edad
samantalang formal naman ang
wikang gingamit ng tao sa
nakatataas o nakatatanda
lingua franca
•wikang ginagamit ng
karamihan sa isang bansa; sa
Pilipinas ang Filipino ang
lingua franca ng mga tao
lalawiganin
mga wikang ginagamit ng mga tao sa

lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa.
Hindi talamak ang paggamit sa isang
bansa ng mga wikang lalawiganin
ngunit nagsasadya ito ng implikasyon
ng kultura ng isang lalawigan
kolokyal
•ito
ay ang pakikibagay ng wika sa
taong gumagamit nito. Kadalasan
napaiikli ang mga salita ngunit
napagkakasunduan ang
pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/
para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
balbal o pangkalye
•wikang ginagamit ng tao na halos
likha-likha lamang at may kanya-
kanyang kahulugan gaya ng wika ng
mga tambay at bakla – halimbawa
ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at
ermat’ at ‘cheverloo’.
edukado/malalim
wikang ginagamit sa panitikan, sa mga

paaralan at pamantasan, sa gobyerno,
sa korte at iba pang venyung
profesyunal
3. Diskorsal
ito ang sangkap na nagbibigay

kakayahang ng nagsasalita na
ipalawak ang mensahe upang
mabigyan ng wastong interpretasyon
ang salita upang mas maunawaan ang
salita at mapahayag ang mas malalim
na kahulugan nito.
3. Diskorsal
Ang tanong na nasasagot sa komponent na
ito ay:
•Sa paanong paraang ang mga salita,
parirala, at pangungusap ay mapagsama-
sama o mapag-ugnay-ugnay upang
makabuo ng maayos na usapan, sanaysay,
talumpati, e-mail, artikulo, at iba pa?
4. Strategic
ito ang sangkap na nagagamit ng

nagsasalita ang berbals upang wasto
niyang maipahayag ang kanyang
mensahe at maiwasan o maisaayos
ang hindi pagkaunawaan o mga
puwang sa komunikasyon.
4. Strategic
•Nakatutulong din ng mga hindi
berbal na hudyat sa pagsasalita
kagaya ng kumpas ngkamay,
tindig, at ekspresyon ng mukha
upang mailahad ang tamang
mensahe.
4. Strategic
Ang mga tanong na sinasagot ng strategic komponent
ay:
• Paano ko malaman kung hindi ko pala naunawaan
ang ibig sabihin ng kausap ko o kung hindi niya
naunawaan ang gusto kong iparating?
• Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos ito?
• Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi
mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking
sasabihin kung hindi ko alam ang tawag ng isang
bagay?

You might also like