Professional Documents
Culture Documents
Q2 PPT PILING LARANG-new
Q2 PPT PILING LARANG-new
Q2
. Ikalawang Markahan – Modyul
1: FEASIBILITY STUDY
Ano ba ang feasibility study?
• 1. Pangkalahatang lagom/Executive
Summary. Ito ay nagbibigay ng kabuuang
pagtanaw ng lalamaning
feasibility.Madalas, huli itong isinusulat
kapag buo na ang lahat ng iba pang
bahagi.
• 2.
• 2. Paglalarawan ng Produkto at o
Serbisyo. Malinaw na inilalarawan sa
bahaging ito ang produkto/ serbisyong
iminumungkahing ibenta
/ibigay.Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/ serbisyong
ibinibigay at kung anong benepisyo nito sa
gagamit.
• 3. Kakailanganing teknikal na kagamitan.
Ipinapaliwanag nito ang mga
konsiderasyong kinakailangan kaugnay ng
aspektong teknolohikal.
• 4. Markeplace. Inilalarawan sa bahaging
ito ang pamilihan kung saan ibibigay o
ibebenta ang produkto. Tinitiyak ng
bahaging ito ang iba pang kaparehong
produkto o serbisyong ibinibigay at kung
ano ang bentahe nito sa iba pang
produkto /serbisyo.
• 5. Estratehiya sa Pagbebenta.Tatalakayin
sa bahaging ito ang paraan kung paano
maipaaabot sa gumagamit ang produkto/
srbisyo. Iniaaayon ng marketing ang
kailangan at kaparaanan kung paano
mahihikayat at kunin ang produkto/
serbisyo.
• 6. Mga Taong may Gampanin sa
Produkto/ o Serbisyo. Tinitiyak sa
bahaging ito ang mga tao at ang kanilang
espesipikong trabaho para sa produkto/
serbisyo.
• 7. Iskedyul. Itinatakda sa bahaging ito ang
panahon kung kailan dapat magawa ang
mga produkto/ serbisyo.
• 8. Projection sa Pananalapi at Kita.
Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong
nakikitang benepisyong pampananalapi.
• 9. Rekomendasyon.Inilalahad sa huling
bahagi ang paglalagom at pagbibigay
mungkahi batay sa ikalawa hanggang
ikawalong bahagi.
A. Panuto: Kilalanin ang mga impormasyon
sa ibaba ayon sa wastong hakbang sa
pagbuo ng feasibility study. Roman Numeral
na bilang I-IX lamang ang isulat sa
kuwaderno.
I.Pangkalahatang Lagom
II. Paglalarawan sa Produkto o Serbisyo
III.Kakailanganing Teknikal na Kagamitan
IV.Marketplace
V. Estratehiya
VI. Mga Taong May Gampanin sa Produkto
o Benepisyo
VII.Iskedyul
VIII.Projection sa Pananalapi at Kita
IX-Rekomendasyon
.
______10.Mapaganda ang posibilidad na
tagumpay sa pag-alam ng mga _ na
maaaring makaapekto sa proyekto
Modyul 2:
NARATIBONG ULAT
NARATIBONG ULAT- ay isang ulat sa
paraang naratibo o pasalaysay. Kadalasang
makakakita ng narrative report mula sa iba’t
ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng
mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y
mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institusyon.
Isa rin itong dokumento na nagsasaad ng
sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa
isang tao o grupo ng tao.
Kahalagahan ng Naratibong Ulat
-Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y
posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang
magkaroon ng sistematikong
dokumnetasyon ang mga nangyari o kaya’y
kaganapan na mababalikan kapag
kinakailangan.
-Sa ilang pagkakataon, sakalaing
magkaroon ng hindi pagkakasundo sa
pagitan ng iba’t ibag tao o grupo ng tao.
-Upang makapagbigay ng sapat na
impormasyon sa maga taong nais
makakuha ng impormasyon hinggil sa isang
espisipikong bagay, serbisyo, produkto o
pangyayari.
Elemento ng Naratibong Ulat
1. Kronolohikal na pagkakaayos - Mahalaga na
ang pagsusulat nito ay magsisimula at
magtatapos batay sa nangyari. Hindi maaaring
patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari.
Makagugulo ito sa sinumang magbabasa ng
nagawang pag-uulat .
2. Walang kinikilingan o kaya’y may sariling
opinion sa pangyayari
Dahil ang isang naratibong ulat ay may
layunin, hindi maaaring maglagay ng
personal na opinion o kaya’y kuro-kuro sa
naganap. Iwasan ang paggamit ng
mga pang-uri upang ilarawan ang
pangyayari. Mas mahalaga na marami ang
mga pandiwa.
Halimbawa: Kung isasalaysay ang
pagdating ng isang opisyal mula sa TESDA,
maaaring isulat ang: •
Dumating ang TESDA director ng Rehiyon 3
ganap na ika-3 ng hapon. Sinalubong siya
ng mga guro ng Mataas na Paaralan ng
Jose Rizal.”
(Pangatwiranan
MODYUL 3
PAUNAWA, BABALA AT
ANUNSYO
Ang mga paunawa, babala at
anunsyo ay nagbibigay-impormasyon
sa mga nakabasa nito. Nakatutulong
ang mga babala upang maiwasan ang
mga sakuna, aksidente o iba pang
hindi kanais-nais na pangyayari para
sa isang indibidwal. Marapat lamang
sundin ang mensaheng ipinaparating
ng mga ito kung ayaw na mapahamak.
• Karaniwan sa menu nilalagay ang
pangalan ng pagkain at kung ano ang mga
sangkap at paano ito niluto. Ito ay
masasabing pagsusulat ng
komunikasyong teknikal dahil dapat
siguraduhin na tama ang mga terminong
ginamit. Iba ang light soy sauce sa dark
soy sauce, halimbawa, may mga menu din
na may mga disclaimer o babala ukol sa
allergy ng isang tao lalo kung merong
sangkap na mani.
• Ang komunikasyong teknikal ay isang uri
ng pagsusulat na kung saan ang
impormasyong nais iparating sa ibang tao
ay ukol sa isang larangang espesyal or
scientific, kagaya ng pagluluto. Ang
pagluluto ay may mga prosesong
sinusundan kaya ang menu ay
masasabing isang komunikasyong teknikal
• Katangian at Kalikasan ng Menu ng Pagkain
• • Kadalasang nasa itaas na bahagi ang
pangalan ng lutuin at kalimitan ding may
larawan itong kalakip upang higit na maging
katakam-takam para sa mga makakakita.
• • Iniisa-isa rin ang mga sangkap na
kinakailangan kung saan nakalagay din ang
hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
•
• • Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito
sapagkat dito nakasalalay ang
kalalabasan ng lulutuin.
• Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng
pagkain kung ito ba ay pampagana,
sabaw, kanin,panghimagas, ulam na gawa
sa karne,isda, gukay o kung ito’y mga
inumin.
• Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa
upang makapili ang mga mamimili ng kanilang
gusto o kaya’y ng abot-kaya para sa kanila.
• • Kung minsa’y mayroon ding kaunting
•
paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa isang
menu upang magka-ideya ang mga mambabasa
tungkol sa mga ito.
• • May ibang menu rin namang nagtataglay ng
larawan ng mga pagkain o inumin.
• •.
•
• Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat
hakbang na kailangang sundin sa pagluluto.
• Tiyak na malinaw ang pagkakalahad sa
bawat proseso upang masigurado ang
tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin.
• • Sadyang mahalaga ang tiyak na
paglalahad ng mga sangkap at proseso ng
pagluluto sapagkat ito ang susundin ng
mga mambabasang ibig sumubok sa
pagluluto ng mga ito.
•
• • Mainam na sundin ang bawat
impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng
anumang nais lutuin
• Halimbawa ng isang menu ng pagkain
• Adobong Manok (Chicken Adobo)
• • 1k Manok (chicken) hiniwa ng ayon sa gusto mo na
laki
• • 2 piraso patatas (hiwain ng cubes style)
• • 4 piraso dahon laurel
• • 7 kutsara toyo (datu puti)
• • 7 kutsara suka (datu puti)
• • 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
• • 1 buo na sibuyas (hiwain at hatiin) itabi ang
kalahati
•
.2 kutsara na mantika (mamantika ang manok
kaya iwasan ang paggamit ng marami)
•• Asin
•• Paminta buo at durog
•• Asukal na pula
•• Magic Sarap (hindi ako gumagamit ng
vetsin)
•• 1 baso tubig
•• 1 kutsara na cornstarch
•
• Paraan sa pagluluto:
• • Pagsama-samahin sa isang kaserola o
pan ang manok, toyo, suka, laurel,
paminta buo,3 piraso bawang dinurog,
sibuyas na kalahati i-marinate ng
magdamag o isang oras at pakuluan ito ng
mga 10 minuto sa mahinang apoy para
ang lasa lalabas.
•
• Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito
ang patatas at hanguin ito at itabi.
• • Igisa ang manok na pinakuluan, papulahin
ang natirang bawang at sibuyas at kapag
mapula na, ihulog ang pinakuluang manok at
hayaan sya na medyo maprito sa sariling
mantika at sa pinagpritohan ng patatas.
• • Ilagay ang sabaw ng pinakukuluang manok
at dagdagan ng isang basong tubig.
•
• Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng
cornstarch para ito ay lumapot at makintab
tignan
• • Timplahan ng asin at asukal
• • Lagyan ng magic sarap at ilagay ang
patatas
•
• TIPS:
• • Mabango ang adobo at mas malasa kapag
ito ay iginisa.
• • Kapag pang pamilya lang, puwede na siyang
huwag na lagyan ng tubig kapag iginisa,
puwede na rin hindi palaputin. Kung ayaw ng
medyo matamis-tamis, bawasan ang asukal
pero huwag hayaan na hindi lagyan kahit
kaunti dahil mas masarap kapag nalagyan ito
at lalong mag-blend ang alat at kunting tamis.
•
• Lahat ng niluluto, mas mainam ang half cooked lalo
na sa gulay. Presentable na at hindi pa mawawala
ang sustansiya nito.
• • Ang patatas at carrots ay mas maganda na iprito
nang tama lang para hindi nito sipsipin ang lasa ng
kahit na anong karne.
• • Asukal na pula – isang sekreto ng mga nagluluto
sa restaurant o catering para mag-blend at
pantanggal ng alat saka puwede na siyang gamitin
pamalit sa vetsin
•
•
• Ikalawang Markahan-Modyul 5
• PAGSULAT NG FEASIBILITY STUDY
• Ikalawang Markahan-Modyul 5
• PAGSULAT NG FEASIBILITY STUDY
PAGSULAT NG SARILING FEASIBILITY
STUDY
•Ang Feasibility Study ay maaring magamit sa
maraming bagay ngunit ang pangunahing pokus
ay ipinapanukalang ipagbabakasakali sa negosyo
o hanapbuhay. Ang mga taong balakin na may
kinalaman sa kaniyang negosyo ay dapat
magsagawa ng feasibility study upang matukoy
ang ikatatagumpay ng kanilang ideya bago pa
man ito ipagpatuloy.
•
•
PLANO SA PAGMAMARKADO
(MARKETING PLAN) PARA SA
CARINDERIA NI CLINTON
•I.Panimula
•Kareretiro ko pa lamang mula sa aking
trabaho ng labinglimang taon at nagdesisyon
na magsimula ng aking sariling negosyo.
Nais kong magtayo ng isang maliit na kainan
sa aming subdibisyon at ngayon ay mayroon
•
ng pagkakataon upang matupad ang aking
pangarap. Ang pagtatayo ng kainan na
aking pinangarap ay hindi lamang magiging
kapaki-pakinabang sa akin, magiging
kapaki-pakinabang din ito sa bawat isa sa
aming subdibisyon. Dito, magkakaroon na
ng mga ready-to-eat meals anumang oras.
•
•
• II. Layunin ng Negosyo
Makaraan ang isang taon sa negosyo, nais
kong magkaroon kaagad ng madalas na suki.
Malalaman ko na kaagad kung ano-anong uri
ng pagkain ang magugustuhan ng aking mga
suki. Bukod dito ay mag-hire pa ako ng mas
maraming tao upang makatulong sa negosyo.
Sa ganitong paraan, ay maaari kaming
makasabay sa pagtataas ng bilang ng mga suki
•
•
• III. Pangangailangan at Kagustuhan ng
Markado
• Ang aking pamilya ay nakatira na sa
parehong subdibisyon mga ilang taon na.
Madalas kaming magdala ng mga niluto
kong pagkain sa aming mga kapitbahay
kapag nagkakaroon kami ng mga
pagtitipon sa komunidad. Lagi nilang
sinasabi na magaling akong magluto at
madalas na iminumungkahi na
magtayo na ako ng negosyo sa pagkain. Sa
katunayan, ako ay madalas na tinatalaga
upang magluto sa lahat ng mga pagtitipon
sa komunidad.
•
•
Ako ay lubos na natutuwa at seryosong
pinag-aralan ang kanilang mga mungkahi
noon. Isang araw, habang pauwi ng bahay
mula sa palengke, narinig ko ang mga
nagmamaneho ng traysikel sa terminal na
nag-uusap sa isa’t isa. Sila ay
nagrereklamo tungkol sa tumataas na
halaga ng pagkain sa mga kainan sa labas
ng subdibisyon na karaniwan nilang
kinakainan
Nagnanais sila na magbukas ng isa sanang
bago at mas mabuting kainan. Naging pinal
ang aking desisyon na magtayo ng isang
kainan matapos kumunsulta sa aking asawa
nang araw ring yaon. At heto ako ngayon,
nagpaplano ng pinakamabuting hakbang na
dapat gawin
• IV. Ang Produkto
Nang araw na iyon, alam ko kung ano ang
talagang kailangan ng mga tao sa aming
subdibisyon. Talagang nakinig ako nang
mabuti kung ano ang mga sinasabi ng
mga nagmamaneho ng traysikel. Gusto
kong malaman kung anong uri ng mga
pagkain ang hinahanap nila.
Gusto nila ng mga lutong bahay gaya
ng tapsilog, menudo, adobo at mga gaya
nito.
Gusto nila na ang kanilang mga pagkain ay
inihahain nang mabilis dahil lagi silang
nagmamadali. At iyon ang mga bagay na
nais kong ibigay sa kanila sa aking kainan—
masarap na pagkain at mabilis na serbisyo.
• V. Ang Lugar
• Ang iba pang kinababahala ng mga
nagmamaneho ng traysikel noon ay ang
lokasyon ng mga kainan na kanilang
kinakainan. Kinakailangan nilang tumawid
pa sa kalsada bawat oras na gustuhin
nilang kumain.
• May mga pagkakataon na gusto nilang
magmiryenda ngunit sila ay nag-aalala na
di kaagad makabalik sa oras sa terminal
lalo na kapag mayroon ng naghihintay na
mga pasahero.
Nais nila na magkaroon ng mas malapit na
kainan. Pagkatapos ay naisip ko ang lote na
minana ng aking asawa sa kanyang lolo na
malapit sa terminal. Ang lote na iyon ay
nakatiwangwang lamang nang maraming
taon . Ito na siguro ang pinakamainam na
oras upang magamit ito sa ngayon.
• VI. Ang Halaga
• Kaibigan ko ang karamihan ng mga
nagtitinda sa palengke na malapit sa
aming subdibisyon. Nakagawa na ako ng
maraming negosyo sa kanila sa mga
nakaraan kapag ako ay naghahanda para
sa espesyal na okasyon sa aming
subdibisyon.
Dahil dito, binibigyan nila ako ng espesyal
na diskuwento sa tuwing bumibili ako sa
kanilang puwesto. Sa aking palagay, bukod
pa sa hindi na kami magbabayad ng aking
asawa sa renta ng lupa na aming gagamitin
para sa negosyo ay makasisiguro na
makakayanan ang halaga ng aming mga
produkto
• VII. Ang Promosyon
Naisip ko na at ng aking asawa ang lahat
ng dapat gawin. Mag-iimprenta siya ng mga
flyers at gagawa ng mga posters upang
ipatalastas ang pagbubukas ng aming
kainan. At pagkatapos ay magkakaroon
kami ng pagbubukas na salu-salo kasama
ang malalapit na mga kaibigan at kamag-
anak. Hahayaan namin silang tikman ang
aming paninda. Sa ganitong paraan,
magkakaroon kami ng libreng patalastas at
siguro ay makakukuha ng maraming suki.
• VIII. Asintadong Kita
• Kami ay mag-aasam ng kita na
nagkakahalaga ng isang libo at limang
daan bawat araw na sapat na upang
sakupin ang aming mga gastusin sa araw,
kabilang na ang halaga na dapat naming
maimpok upang mabayaran ang utang sa
suweldo ng aking asawa at pati na rin ang
kapital sa susunod na araw para sa unang
buwan.
Pagkatapos ng ilang mga buwan, matapos
naming bayaran ang aming mga
pagkakautang at makuha muli ang aming
kapital na aming ginugol, maaari na kaming
makapag-impok ng aming tubo o mas
mabuti na magkaroon ng mga paghuhusay
sa aming estabilisado na maaaring
magtungo sa mas malaking tubo sa
hinaharap.
Ikalawang Markahan-Modyul 6
PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT
• Mga Etika sa Pagsulat ng Naratibong Ulat
• 1. Sumulat batay sa sariling ideya.
• 2. Timbangin kung makabubuti ba ang
nilalaman ng sulatin.
• 3. Gumagamit ng tama at angkop na mga
salita.
• 4. Iwasang mangopya ng likha/idea ng iba.
• 5. Tiyaking hindi nakakasakit ng damdamin
ang ginagawang naratibong sulatin.
• Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Naratibong Ulat
• 1. May maikli at kawili-wiling pamagat.
• 2. May mahalagang paksa.
• 3. May wastong pagkakasunod-sunod.
• 4. May kawili-wiling simula at wakas
• 5. May layuning ilahad ang mga
pangyayaring namasid o nasaksihan.
• 6. Gumagamit ng mga salitang angkop at
pormal
.
•7. Gumagamit ito ng mga pandiwang nasa
aspektong pangnagdaan.
•8. Gumagamit ito ng panahon o mga tiyak
na petsa o araw upang tukuyin kung saan at
kalian nangyari o naganap ang isang
pangyayari.
Ikalawang Markahan-Modyul 7
PAGSULAT NG PAUNAWA, BABALA AT
ANUNSYO
Panuto: Ang sumusunod ay mga babala,
paunawa at anunsyo. Iguhit ang tatsulok
kung ang tinutukoy na impormasyon ay
tama at kung mali, isulat naman ang tamang
sagot.
Ang anumang paunawa, babala o anunsyo
ay tinatawag na patalastas. Sapagkat ito ay
nagbibigay ng mahahalagang impormasyon
sa mga nakababasa nito.
Mahalaga na malaman at matutuhan natin
ang mga paunawa, babala at anunsyo
sapagkat ito ang nagsisilbing paalala at
gabay natin sa pang-araw-araw na
pamumuhay
. Nakatutulong ang mga babala upang
maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba
pang hindi kanais-nais na pangyayari para
sa isang indibiduwal. Marapat lamang
sundin ang mensaheng ipinaparating ng
mga ito kung ayaw na mapahamak.
Dagdag pa ni Perez et al. (2016), ang mga
babala at paunawa ay karaniwang malalaki
ang sukat at estilo ng pagkakasulat na
matatagpuan sa isang lugar na madaling
makita. Inaasahan ding malinaw ang
pagkagawa at pagkapaskil sa mga ito.
Ang babala ay nagsasaad ng maaaring
maging panganib sa buhay, estado, o
nararanasan ng tao na maaaring magresulta
sa kamatayan, sakit o pagkabalda.
•Mga halimbawa ng babala
•
•
•
Sa kabilang dako, ang paunawa ay isang
mensahe na nagsasaad ng mahalagang
impormasyon na nagsasabi kung ano ang
maaari at hindi maaaring gawin. Maaari ring
pumapaksa ang paunawa tungkol sa
anumang pagbabago ng naunang nabanggit
na impormasyon, notice ang tawag nito sa
Ingles. Mas mainam na gumamit ng mga
imahe at/o simbolo upang mapukas ang
interes ng mambabasa
•
•
•
• Kagaya ng mga paunawa at babala,
nagpapaalala rin ang mga anunsyo.
Nililikha ang mga anunsyo upang
magbigay ng mga tiyak na detalye hinggil
sa isang pangyayari kagaya halimbawa ng
mga gaganaping pagpupulong, panayam,
talakayan at iba pang katulad na
pagtitipon, announcement ang tawag nito
sa Ingles. Makikita sa mga anunsyo ang
nakatakdang petsa, oras, luglugar na
pagdarausan at iba pang batayang
kaalaman hinggil sa paksang inaanunsyo
• . Tiyak din ang pagkakabuo nito kung
kaya’t madaling matandaan (Perez et al.,
2016).
• Ang mga sulating pag-aanunsyo ay
maaari ring nagpapabatid tungkol sa isang
bagong tuklas na produkto at kaalaman,
isasagawang programa, gagawing
kaganapan at marami pang iba.
• Karaniwang mababasa ang mga sulating
ito sa mga magasin, flyer,
• dyaryo,
• pamphlet, bulletin board at iba pa.
Naririnig din ang mga ito sa radyo at
telebisyon.
Para sa mga magulang or estudyante na
Grade 12, markahan na ang inyong
kalendaryo. Mag-uumpisa na ulit ang
application para sa SM COLLEGE
SCHOLARSHIP sa JANUARY 1, 2021.
Malaki ang benepisyong makukuha kapag
nakapasok gaya ng Full Tuition Fee,
Monthly Allowance, part-time jobs pag
bakasyon at iba pa.
• Tuloy ang Nationwide Simultaneous
Earthquake Drill matapos ang Bagyong
ULYSSES!
• Isasagawa ito sa darating na Biyernes,
Nobyembre 27, 9:00 AM. Inaanyayahan
ang lahat na panoorin ang live stream ng
ceremonial pressing of the button
• sa Civil Defense-CBTS at sa pagtunog ng
sirena, sabay-sabay na mag-Duck, Cover,
and Hold sa ating mga tahanan at opisina
dahil #BidaAngHanda.
• Mapapanood din ang isang Tsunami
scenario bilang bahagi ng pakikiisa sa
nagdaang World Tsunami Awareness Day
noong Nobyembre 5.
• Mga Konsiderasyon sa Pagbuo ng mga
Paunawa, Babala at Anunsyo
• 1. Nilalaman at pagkakabuo
• Dapat tiyak at direkta ang paraan ng
pagkakasulat, hindi sobrang haba at kuha
agad ang ibig iparating na mensahe upang
mabilis na maalala. Karaniwan ding
malalaki ang sukat at estilo ng
pagkakasulat.
• 2. Paggamit ng wika
• Kinakailangang mapukaw agad ang
mambabasa sa anumang inilagay sa
paunawa, babala, at anunsyo. Mahalaga,
kung gayon, na ang salitang gagamitin ay
simple at mabilis na maiintindihan.
• 3. Paggamit ng imahe o simbolo
• Ang infographics ay ang paggamit ng
imahe at/o simbolo, kalakip ang
mahahalagang impormasyon. Sa
kasalukuyang panahon, mas
nakapupukaw sa mag-aaral ang paggamit
ng mga infographics dahil sa pagiging
malikhain, kakaunti ang tekstong
babasahin, malinis ang pagkakagawa, at
nakaaakit sa mata dahil sa kulay.
• Ikalawang Markahan-Modyul 8
• PAGSULAT NG MENU NG PAGKAIN
• Panuto: Kilalanin at Gayahin mo Ako!
Batay sa mga Pangalan ng mga batikang
mamamahayag sa Pilipinas na makikita sa
ibaba, tukuyin at kilalanin kung ano ang
kanilang mga pahayag o salita na
binibitiwan sa kanilang programa sa radyo,
telebsiyon, pelikula, atbp. Gumuhit ng
speech at isulat ang mga titik A-D.
Pagkatapos isulat sa loob ng speech
balloon kung sa palagay mo ito ay angkop
para sa kanila. Makikita sa loob ng kahon
ang mga pahayag na iyong pagpipilian.