Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

UNANG BAHAGI

ARALING PANLIPUNAN
 Ang Araling Panlipunan (Ingles: social studies) ay isang
katagang naglalarawan sa isang malawak na mga pag-aaral
sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at
kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao.
Sa halip na nakatuon sa lalim ng alin mang mga paksa,
nagbibigay ang araling panlipunan ng isang malawak na
buod ng kaugalian ng sangkatauhan.
 Kinikilala ang araling panlipunan bilang pangalan ng kurso
na tinuturo sa paaralang elementarya at mataas na paaralan,
ngunit maaaring tumukoy din ito sa pag-aaral ng partikular
na aspeto ng lipunan ng tao sa ilang kolehiyo sa buong
mundo.
 Ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay
mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng malinaw na
larawan tungkol sa pagkakaugnayan ng mga tao
sa isang lugar. Kasama dito ang pagtalakay sa
mahahalagang paksa tulad ng:
 1) Heograpiya na ipinapakita ang mga uri ng kapaligiran
na kinatatayuan ng ibat ibang lipunan. Kasama dito ang
pagtalakay sa relasyon ng mga naninirahan sa kanilang
lupain, mga natural na halaman at sa klima ng naturang
lugar.
 2) Ang Sikolohiya ay nasasagi rin sa pag-aaral ng
Araling Panlipunan tuwing ang paksa ay tungkol sa kultura
ng isang grupo. Inaalam dito ang mga bagay na makakabuti
sa pagkakaugnayan ng mga tao. Nalalaman kung ano ang
mga bagay na maaari o ipinagbabawal sa isang komunidad
ayon sa kanilang kultura.
 3.) Ang Kasaysayan ay nagbibigay linaw tungkol sa nakaraan,
nalalaman dito kung paano tayo nakarating sa kasalukuyang
panahon. Makikita ang mga naging pagkakamali para magsilbing
aral at magbigay babala sa tuwing matatanaw ang muling pagdating
nito. Makikita dito ang mga maliliit na bagay o pangyayari na
nagdulot ng malaking pagbabago sa direksiyon ng kasaysayan.

 4) Ang Politika naman ay tinatalakay upang malaman kung


paano tumatakbo ang isang gobyerno. Ipinapakita dito ang
istraktura, ang ibat-ibang sangay nito, ang kanilang mga tungkulin
at ibinibigay na serbisyo. Mahalaga ito upang lubos na malaman at
mapakinabangan ng mga mamamayan ang kanilaang mga
karapatan.
Ang mga salik ng Heograpiya ay binubuo ng:

 Klima
 Panahon
 Lugar
 Kinaroroonan
 Pinagkukunan Ng Yaman
Isa pang mahalagang sangay ngAgham Panlipunan
ay ang Heograpiya. Sa pag-aaral na ito nalalaman
natin ang katangiang pisikal ng daigdig.
 Natatalakay din ang pagkilos ng tao ayon sa katangian ng
kanyang paligid.
 Mauunawaan natin ang pakikibagay sa panahon, klima, lokasy
on at kahalagahan ng mga likas na yaman.
 May dalawang sangay ang heograpiya: Ang Heograpiyang
Pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng
mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig.
 Ang heograpiyang pantao naman ay tungkol sa pagkilala sa
katangian ng tao batay sa kanilang kultura at iba’t ibang
gawain.
May mahahalagang kaalamang natatamo tayo sa pag-
aaral ng heograpiya.
 Natututuhan natin ang: (1) pagkakaiba o katangian ng
mga lugar
 pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao at kanilang
paligid na ginagalawan, at
 Pagsusuri sa iba’t ibang gawain ng tao sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
 Ang klima ay tumutukoy sa
pangkaraniwan at
pangmatagalan kalagayan at
katangian ng panahon sa isang
partikular na lugar o rehiyon.
Ito ay maaaring tag - init o tag -
araw, tag - lamig, tag - lagas, at
tag - sibol.Ang panahon ay
tumutukoy sa kalagayan ng
atmospera o himpapawirin sa
isang lugar sa tiyak na oras.
 Ang lugar ay tumutukoy sa mga
katangiang natatangi sa isang pook.
Ito ay natutukoy sa pamamagitan ng:
(1.) katangian ng kinaroroonan tulad
ng klima, anyong lupa at tubig, at
likas na yaman. (2.) Katangian ng
mga taong naninirahan tulad ng wika,
relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga sistemang politikal.
 Ang kinaroroonan ay tumutukoy
sa lokasyon ng mga lugar sa
daidig. Ito ay natutukoy sa
pamamagitan ng: (1.) absolute na
natutukoy sa pamamagitan ng
mga imahinasyong guhit tulad ng
longhitud at latitud na bumubuo
sa grid. (2.) relatibo na ang
batayan ay mga lugar at mga
bagay na nasa paligid nito. Ang
pinagkukunan ng yaman ay
tumutukoy sa lupa, paggawa, at
kapital na kailangan sa
produksyon ng kalakal at
serbisyo. Bawat bansa ay may
kani - kaniyang pinagkukunang
yaman.
 Ang Agham Pampulitika (Political
Science) ay tungkol sa pag-aaral ng mga
konsepto at prinsipyo tungkol sa
pamamahala ng isang lipunan na may tiyak
na teritoryo.
Mahalaga ang Agham Panlipunan dahil sa mga sumusunod:

 a. Ito ay tumitiyak sa mga karapatan at


responsibilidad ng mga mamamayan.
 b. Nagbibigay ito ng kaalaman sa mga batas na
umiiral sa Estado
 c. Nakatutulong ito sa mga mamamayan upang
makibahagi sa simulain ng pamahalaan tulad ng
demokrasya.
Video Link:
https://www.youtube.com/watch?v=I6cmMuKw9qQ

Video Title:
AGHAM PANLIPUNAN
AKTIBIDAD

You might also like