Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Albay ay isang lalawigan ng Pilipinas

na matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa


Luzon. Ang Lungsod ng Legazpi ang
kabisera nito. Ang lalawigan ay
pinalilibutan ng mga lalawigan ng
Camarines Sur sa hilaga at Sorsogon sa
timog. Sa hilagang-silangan ay ang Golpo
ng Lagonoy patungong Dagat Pilipinas at
sa timog-kanluran ay ang Burias Pass.
• Ang Albay ay dating tinawag sa
pangalang Ibat galing sa ngalan
ni Gat Ibat, isang matandang
pinuno sa lugar na ito. Isa pang
pangalan nito ay Ibalon ang
tawag noon sa tangway ng
Bikol.
• Ang kasalukuyan nitong pangalan
ngayon ay galing sa salitang Kastila na
“Al bay-bay” na ang kahulugan ay
papunta sa baybay –dagat, dahil noon
ang mga Kastila ay palaging
namamasyal sa baybay-dagat. Sa
tuwing tatanungin sila kung saan
pupunta, ang sagot nila ay “al Bay-
bay”. Sa pagtagal ng panahon, pinaikli
ito at naging Albay.
• Nang dumating si Juan de Salcedo sa
Bikol Peninsula, an Kabikulan ay nahati sa
dalawa: Partido Ibalon at Partido de
Camarines. Ayon sa dikrito noong 1663
ang lalawigang Ibalon ay pinalitan ng
Albay. Noong1587, nahikayat ng mga
paring Franciscano ang mga tao ritong
maging Kristiyano. Nagi itong hiwalay na
parokya at bayan na tinawag na Albay
noong Setyembre 1898.
• Ang Komisyon ng Pilipinas ang nag-atas sa
Pangulo ng Estados Unidos upang isaayos ang
mga lalawigan at bayan. Ang Philippine
Government Act ang nagtatag ng Lalawigan
ng Albay kasama ang mga isla ng San Miguel,
Caoraray, Batan at Rapu-rapu sa pamamagitan
ng Act No.122. Ang Old Albay isinama sa
Lungsod ng Legazpi at naging isang ganap
lungsod noong na Hunyo 12, 1959 ng
aprobahan ni Presidente Carlos P. Garcia ang
Republic Act Bilang 2234.

You might also like